Chapter 3

3.8K 70 0
                                    

Lihim niyang pinagmasdan ito buhat sa malayo habang nag bibigay ito ng speech para sa mga empleyado nito. Humanga siya sa mga adhikain nito para sa kompanya at sa mga plano nito sa hinaharap. Sa mga benipisyony bingay nito sa mga empleyadong kasamang nagsimula ng kompanyang tinatag ng namayapang ama nito na si Don Ricardo, hangang sa mga sandaling ito. Isang masigabong palakpakan ang pumailanlang ng matapos ang speech nito. Nakita niyang pinagkaguluhan si Uel ng mga empleyado na bumati sa binata, hindi na niya nakuhang magpaalam dito ng magyaya na si Josepht na umuwi.

NAGISING SIYA sunod sunod na tunog ng door bell. Kahit tinatamad pa siyang bumangon ay pinilit niyang tumayo para alamin kung sino ang bisita niya. Alas dies pa lang ng umaga. Biglang nawala ang antok niya ng makita niya ang hindi inaasahang bisita niya.

"Hi" hindi agad siya nakasagot. Was she just imagining Uel is here in her apartment right now. Magdamag ay ito ang laman ng isip niya. Baka dahil sa hang over niya that's why she's just imagining things and she's seeing what she wanted to see.

She bit her lip hard. Ouch. It's real, he's really here.

"Ano ang ginagawa mo dito? Pano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

"Joseph is one of my employee remember? Sa kanya ko nalaman kung saan ka nakatira. Actually his a bit surprise ng tanungin ko siya kung saan ka nakatira. I just told him na nagkakilala tayo sa party kagabi."

"Ano ang kailangan mo sa akin?" She said breathlessly. Her heart is beating likes it's running from a marathon.

"Why did you leave last night without saying goodbye. You got me so worried."

"Ha?" Nabigla siya sa sinabi nito.

"Nang sabihin ni Joseph na kasabay ka nilang umuwi kagabi, saka lang ako napanatag."

"Hindi ko na nakuhang magpaalam sa'yo kasi, alam kong abala ka sa mga bisita mo, at saka nag-aya ng umuwi sila Joseph."

"Hindi mo ba ako papatuluyin?"

"Sige pasok ka, pasensya kana maliit lang itong apartment na tinutuluyan ko."

Nang nasaloob na ito ay saka lang siya nahiya sa itsura niya, ang bango bango at ang linis linis nitong tingnan. Samantalang siya ay gusot ang buhok at hindi pa nakakapag toothbrush.

"Uel, can you give me atleast five minutes. Ayusin ko lang sarili ko, nakakahiyang na abutan mo ako ng ganitong itsura ko." Nag-init ang pisingi niya sa hiya dito.

"Take your time, your still beautiful kahit bagong gising ka."

Lalong namula pisngi niya sa sinabi nito. "Bolero. Saglit lang ha? Mabilis lang ako."

When she's decent enough, binalikan niya si Uel na nasa sala.

"I want you to came with me sa kasal ng pinsan ko." Walang preamble sa sabi nito.

"Ha?"

"Do I need to repeat myself again? I'm sure you heard me the first time." Nakangiting tugon nito.

"Yup I heard you, pero bakit ako ang inaaya mo?"

"Wala akong ibang maisip na isama and lucky you, Brylle Nobleza will be at the wedding, too."

"So? Wala na akong pakialam kay Brylle, Uel. He can go to hell for all I care. Pero teka saan mo nalaman ang tungkol kay Brylle?" Wala siya natandaang magkuwento siya kay Uel tungkol sa ex boyfriend niya.

Natawa ito sa sinagot niya. "Secret. But I really need your help, hindi ako pwede hindi pumunta sa kasala ng pinsan ko at pag pumunta ako doon na mag isa, they will surely bombarded me with lots of questions, about sa amin ni Odessa. Actually that  pisses me off. Iyong hahanapin nila sa'yo iyong taong  wala."

"Okay. Kelan ba yon?"

"The end of this month. And by monday, you got yourself a job."

"A job?"

"As my personal secretary."

"Teka nga, pano mo nalaman na wala na ako trabaho?"

"I'm resourceful."

"Your unbelievable."

"I'am." He said.

"I'm hungry, lets eat outside."  Pagkuway aya nito.

Umiling siya. "Wala akong balak lumabas ngayon, kailangan ko magtipid habang wala pa akong trabaho."

"Do you think I will let you pay?"  He said in a pained voice.

"Hindi sa ganun uel. Kaya lang-"

"Then come with me. Kung ayaw mo sumama loob ko, o puwede din naman na magpa-deliver ng lang tayo, Tapos dito natin kainin."

"No I'll cook, masarap ako mag luto, kaya lang, kaya mo bang kumain ng pangkaraniwang ulam lang?"

He gave me his most irresistible smile. Grabe kagabi pa siya nalulunod sa ngiti nito. "Try me."

Dahil may natira pang bangus sa ref. Binabad niya iyon sa suka at bawang, pagkatapos ay priprituhin niya iyon, mabilis niyang hiniwa and mga gulay, pagkatapos ay sinimulan na niyang igisa ang baguio beans at carrots sa kunting karne at hipon.

"Mukhang masarap iyang niluluto mo ah. Amoy pa lang masarap na." Wika ni Uel buhat sa likod niya.

"Masarap talaga ito, paburito ko ito eh, hindi lang ako sure kung magugustuhan mo din ito."

"Bakit naman hindi. I'll prepare the table." He volunteered.

"Okay, iyong placemat nasa drawer."

"Okay boss." Anito sabay saludo sa kanya. Ang cute talaga, Bulong niya sa sarili.

She just smile ng tumalikod siya kay Uel. Ang gaan agad ng loob niya dito kahit kagabi niya lng ito nakilalala.

"Ang sarap!" Literal na naubos nila ang niluto niya.

"Sabi sa'yo. " natuwa siya at nagustuhan nito ang simpleng luto niya.

"I'll wash the dishes." Tumayo ito at akmang liligpitin ang pinag kainan nila.

"No!" Awat niya dito. "Ako na."

He shrugged his shoulder lightly. "Okay. I'll better leave you na, nang makapagpahinga ka. I'll call you later."

"How did you get my number?"

Nasa labas na ito ng pintuan niya ng magsalita. "Secret." Then to her surprise, he bend his head a little and he gave her a quick kiss. At walang salitang umalis. Leaving her speechless, habang hawak niya ang labi niya na hinalikan nito.

Hindi  mawala ang ngiti sa mukha niya habang naghuhugas siya ng pinagkainan nila ni Uel. Hindi niya iniasahan ang pagpunta nito sa bahay niya. Gusto niyang isipin na baka may gusto ito sa kanya, pero imposible na mangyari iyon. Siguro dahil lang sa pabor na hiningi nito sa kanya kaya ganoon ang pakitungo nito sa kanya. Suwerte niya siguro kung isang katulad nito ang magiging nobyo niya. Pero mabilis niyang inalis sa isipan niya ang idea na iyon. Mayaman ito tiyak katulad din ng magulang ni Brylle ang magulang ni Uel, siyempre ang mas gusto ng mga ito ay iyong mga ka libel din nito. Ilang beses din niyang pinagtiisan ang pagmamaliit ng mommy ni Brylle sa kanya. At ayaw niyang maulit iyon.
Para sa kanya ang lahat ng mayayaman ay kung hindi matapobre ay ganid naman.

Tulad na lang ng kamag anak nila na pinagsanglaan nila ng lupa nila. Ginigipit sila kesyo alam na wala pa silang pangtubos. Hay kailangan pa pala niyang umuwi ngayon, para makuusap na bigyan pa sila ng sapat na panahon para matubos ang lupa. Kailangan pa niya ng one hundred fifty thousand pesos. Hindi niya alam kung saan niya kukunin ang ganong kalaking halaga, pero susubukan niya ulit makiusap. Medyo lumalaki na ang gastos ng mga magulang niya dahil nasa kolehiyo na ang bunsong kapatid niya. Anihan ng palay nila bukas kaya malamang makikita niya ang tiyahin doon, dahil ang gusto nito ay may kaparte din ito sa bawat ani nila habang hindi pa nila na babayaran ng buo ang utang nila. Dalawang kaban din kasi ang hinihingi nito kada ani. Na hinahayaan na lang mga magulang niya.

Her Happy Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon