Chapter 7

3.3K 69 1
                                    

"Cousin hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo." Anito, habang ang mga mata ay na kay Uel.

"Uel, si Madel pinsan ko." Aniya kay uel. "Madel si Uel kaibigan ko."

"Nice meeting you Madel." Narinig niyang sabi Uel sa pinsan.

"So ikaw pala iyong sinabi nina mama kanina na pumunta sa bahay kasama ni tito Romy. Tanghali kasi akong gising noon kaya hindi kita naabutan." Anito at mukhang wala pa yatang balak palawalan ang kamay ni Uel. Na hinayaan na lang ni Uel. His such a gentleman.

"Madel, mukhang may kailangan sayo si couch Ramil."

Tila noon lang nito naala na nandoon siya. "I'll be back." Anito kay Uel.

"Thank you for rescuing me there. Kala ko hindi na niya bibitawan ang kamay ko."

Pinagtaasan niya ng kilay ito. "Really."

Natawa ito sa reaction niya. "Are you jealous?"

Hindi niya alam ang isasagot dito kaya minabuti na lang niyang iwan ito. Mabilis siya tumalikod, pero bago siya makalayo ay pinigil na siya nito. Na out of balance siya at kung hindi mabilis ang reflex ni Uel ay malamang nabagsak na siya sa lupa. His face is too close to her. Nang magtama ang paningin nila ay tila nawalang bigla ang mga tao sa paligid. Hindi niya alam kung gaano sila katagal na nasa ganung posisyon, tila natauhan na lang sila ng may nagsalita.

"Sisimulan na ba natin ang championship game o kasalan muna. Tamang tama nandito ngayon si mayor Saavedra."

Mabilis siyang kumawala kay Uel. Nang mga sandaling iyon ay gusto niya maglaho sa kahihiyan. Hindi niya makuhang tumingin sa mga taong nanunukso sa kanila at maging kay Uel.

Hindi niya inaasahan ang kasunod na ginawa ni Uel. Game na game itong sumagot. "I haven't proposed to her yet, once she said yes. Invited kayong lahat sa kasal namin."

"Ayon naman pala mga kababayan. Simulan na natin ang paliga."
Nang mawala na sa kanila ang attention ng mga tao ay saka na lang siya nakahinga ng maluwag.

"You okay?"

"Yes, pagpasensiyahan mo na ang nangyari kanina. Maluko lang talaga mga tao dito sa amin."

"Yeah, nakakatuwa nga sila, masiyahin pala mga tao dito sa inyo."

"Lalo ng pag fiesta dito sa amin, mas masaya dito."

"I'm sure it is. I have so much fun today, I'm glad nakasama ako dito."

She just smile silently. Lihim niyang pinagmasdan si Uel habang naka focus ito sa panunuod ng basketball game. My heart started to beat werdly, stop right there, she told her heart. Hindi puweding mahulong ang loob mo sa kanya, he already belong to someone else.

ARAW NG pagluwas nila sa maynila. "Babalik ka ulit dito sa amin ha Uel, at maraming salamat sa tulong mo." Wika ng tatay niya dito.

"Makakaasa po kayong babalik ulit ako dito."

"Rommel kung sakaling mag OOJT ka next year, tumawag ka lang sa akin para hindi ka na mahirapan na maghanap ng company."

"Areglado kuya Uel."

"Nay, tay, aalis na po kami, para hindi kami gabihin sa daan. Tumawag lang po kayo sa akin kung may kailangan kayo. At ikaw Rommel mag-aral ka ng mabuti."

"Siya sige na kayo, Uel mag-ingat sa pagmamaneho. Pasensya ka na sa nakayanan namin." Nagpauwi ito ng bagong ani nilant bigas, ilang buko at isang kaing na manggang hilaw.

"Iho, dumating na siya." Salubong say kanya Ng mama niya.

"Who?" Aniya sa ina, Kakadating lang niya galing sa apartment ni Kate.

"Odessa. She came here to see you."
Natigilan siya sa sinabi ng mama niya. Odd dahil wala siyang nararamdamang excitement pag karinig niya ng pangalan ng dating girlfriend.

"Dumaan siya dito kahapon, sabi ko na lang nasa out of town trip ka. She's here to attend Troy's wedding. Tawagan mo daw siya pagdating mo."

"I'm tired mama, pakisabi na lang sa katulong na pakikuha sa kotse iyong mga uwi ko."

"Pag tumawag siya uli at hanapin ka, ano ang sasabihin ko anak."

"Ma, gusto kong matulog maghapon, at ayaw ko ng isturbo. IKaw na bahala magdahilan."

"Okay." Nakakaunawang sagot ng mama niya.

Sa kuwarto niya habang nakahiga siya sa kama, ay pinagtatakhan niya ang sarili kung bakit parang wala Lang sa kanya ang balitang nandito na sa bansa si Odessa. What's wrong with him? Is it because of Kate? Did she already occupied the space in his heart na dati ay para lang kay Odessa. And that was fast, considering na kakakilala lang nila ni Kate. When es with her. Is he already in love with her? He has no answer to that yet. Not unless magkita ulit sila ni Odessa that was the only time na maa-assess niya ang damdamin niya dito. His heart is missing Kate kahit ilang oras pa lang silang nagkahiwalay. At it ang pinananabikan niyang makita, that's why he decided to call her. He wants to hear her voice bago siya matulog.

"Hello Kate."

"Uel napatawag ka?"

"Tomorrow come with me sa ELLYSEE boutique, let's looked for a dress you'll be wearing for the wedding."

"Okay, mga anong oras?"

"After lunch susunduin kita diyan sa apartment mo. And about the job I promised you. Pagkagaling sa boutique ay tuloy tayo sa office ko for orientation."

"Uel, about the job." She paused for awhile. "Hindi ko siguro matatangap, sobra sobra na ang naitulong mo sa akin. Ako na lang ang bahala maghanap ng trabaho ko. Nahihiya na talaga ako sayo. Baka isipin ng iba na inaabuso ko na ang kabutihan mo."

"Here we go again."

"Please. See the reasons."

"Okay. Pero dapat sabihin mo sa akin kung kailan at kung saan ka maga-apply. Ihahatid kita kung saan man iyon. Magpahinga ka na. I know your tired. I see you tomorrow." He paused for a second, the he said. "I had a wonderful weekend, thank you. Goodnight."

"Goodnight Uel." Hindi pa din niya binababa ang cellphone niya kahit alam niyang wala na si Uel sa linya. Ayaw man niyang aminin sa sarli na shes starting to fall in love with him. At sino bang hindi mai- inlove dito. Parang isang panaginip lang ang nangyari sa kanila, isang magandang panaginip. Kung sana nga lang ay mahal din siya nito. She knew that he is still in love with her ex. Odessa is a very lucky girl to have someone like him.

Pagdating nila ni Uel sa boutique ay naabutan nila ang magkasintahang Vincent at Maxinne. They were also there for the final fitting of Maxinne' wedding dress.

"Hi Uel." Bati ni Vincent sa pinsan.

"By the way this is Kate." Then he turned to her, "My cousin Vincent the groom."

"Hello." She smile at Vincent. Mukhang nasa lahi Nina Uel ang magandang genes. Vincent is as handsome as Uel.

"Is she your girlfriend cousin?" Tukso ni Vincent sa kanila ni Uel.

She flushed. She quickly excused herself. It's seems that Uel quickly sense her awkwardness, he asked one of the staff to attend to her. Habang kausap nito ang pinsan nito.

Her Happy Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon