Naku kanina pa sila umalis kasama si Rommel at ng tatay mo?"
"Saan po sila pumunta?"Nagkibit balikat ang nanay niya."Wala naman sinabi. Baka nagpasama ang tatay mo sa pamamalenke ng lulutuin mamaya."
"Nay balak ko po kausapin ang tiya Adel mamaya, para makiusap na bigyang pa ako ng isang buwan para makahanap ng pera."
"Huwag mo na munang isipin iyan anak. Mukhang dininig ng diyos ang dasal natin."
"Bakit nay, may nahiraman na ba kayo ni tatay ng pera."
"Oo, may nagpahiram anak, kaya huwag ka ng mag alala."
May kutob siya kung sino ng ngpahiram sa kanila ng pera. "Si Uel ba ang nagpahiram sa inyo ng pera? Di po ba sabi ko sa inyo na huwag ninyo sasabihin sa kanya iyon. Nakakahiya doon sa tao."
"Siya ang nagkusa anak. Napilit niya ang kapatid mo magsabi kagabi. Pagkagisng niya kanina ay kinausap niya kami ng tatay mo. Ayaw ko sanang pumayag pero talagang mapilit si Uel. Binigyan niya kami ng easy payment. At kung kailan na lang daw kami makagaan ng tatay mo saka kami magbayad sa kanya."
Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. "Kakausapin ko mamaya si Uel pagdating nila. Punta lang po ako sa may duyan sa likod bahay, magpapahangin."
"Sige, at tatawgin na lang kita pag dumating na sila."
"Hey, hinahanap mo daw ako." Ani ni uel mula sa likod niya.
Nilingon niya nito. "Kakadating ninyo lang?"
"Yup, sabi sa akin ng nanay mo na gusto daw akong kauspin?"
Ibinalik niya ang tingin sa mga nag nag aani ng palay. "Bakit mo gingawa ang mga bagay na ito Uel, I mean bakit mo kami pinahiram ng ganoong kalaking pera, naawa ka sa akin? I don't want it."
"Hey," tumalungko ito sa harapan niya. "Were friends right? Ayaw ko na nakikita kitang problemado at nahihirapan, Kung may magagawa naman ako."
"Pero kakakilala lang natin, baka isipin mo-"
"Shhhh... mag mula ng gabi na makilala kita, my life change. Dati puro trabaho lang inaatupag ko. Gusto ko laging pagudin ang sarili ko, to stop thinking of her, about dessa. Masyado akong naapektuhan nung paghiwalay kami. Hayaan mo na lang ako sa ginagawa ko. I'm happy helping your family, maybe this is God's reason why we met, para matulungan ka sa problema mo. Don't worry sarili kong savings ang pinahiram ko sa magulang mo kaya kahit kailan nila bayaran iyon okay lang. Kahit nga hindi na nila bayaran iyon ayos lang."
"Ang utang ay utang Uel at salamat sa tulong na binigay mo sa pamilya ko. Alam mo hindi ka mahirap mahalin Uel, hindi ko maisip why Odessa choose to leave you for her dream."
"Kung sakali ba na mgmamahal ka ng katulad ko, will you also leave me for your dream?"
"No, hindi kita iiwan. Simpleng tao lang ako Uel, pangarap ko lang maging maayos ang pamilya ko. Makatapos sa pag aaral si Rommel. As for me, magkaroon ng sariling kong pamilya."
"Oy tama na iyan bayaw at baka matunaw na si ate sa lagkit ng tingin mo." Kantiyaw ni Rommel kay Uel. "Mangangawit kami ng buko, baka gusto mong sumama."
Tumayo ito at sumama sa kapatid niya. "Sure."
"Napaka swerte mo sa batang iyon Katherine." Wika ng tiyahin niya, isa ito sa katukatulong ng nanay niya sa pagluluto kakainin ng mag aani nila. "Dapat huwag mo ng pakawalan iyan, abay na kay uel na yata ang lahat, guwapo, mabait at mayaman, wala ka ng hahanapin pa. Kanina pa ipinagmamalaki ng nanay mo siya sa amin ah."
Isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya sa sinabi ng tiyahin. If only he is mine.Niyaya ng mga pinsan niyang sumama si Uel tabing dagat at game na game naman itong na sumama.
"Pasensya ka na sa mga pinsan ko, talagang hindi ka nila tinantanan, kanina."
"Ayus lang, nakakatuwa ang closeness ninyong magpipinsan."
"Pinalaki kasi kami ng magulang namin malapit sa isat isa. Kaya tuwing umuuwi ako lagi kaming may bonding time na tulad nito."
"Kuya Uel, tara manisid tayo. Maganda ang coral reefs namin dito." Pagmamalaki ni Rommel.
"Sure, sandali lang magpapalit lang ako."
"Hoy Rommel huwag mo ng ayain si kuya Uel mo, hindi niya kabisado ang dagat natin baka mapahamak lang siya."
"It's fine Kate, isa sa mga hobby ko ang mag scuba dive." Assurance ni Uel a kanya.
Napakamot sa ulo ang kpatid niya." Bayaw, wala tayo scuba diving equipment dito, antipara Lang meron kami."
"That's fine."
Tiningnan niya ng masama ang kapatid, habang papalayo ito kasama si Uel. Alam niyang hindi lang ito makahindi sa kapatid. Naku sarap batukan talaga nito.
Pagkatapos nilang kumain ng hapunan ay muli na namang inaya ng kapatid niya si Uel. "Kuya baka gusto mo manuod ng liga ng basketball mamaya. Championship game na namin."
"Sure."
Tiningnan niya ng masama ang kapatid. "Rommel, baka pagod na si Uel. Kayo na lang ang pumunta."
"Kate it's fine, really. At isa pa gusto ko ding makitang maglaro si Rommel."
"Ayus!" Ani rommel. "Sumama ka na din ate."
"Siyempre, dahil baka kung saan mo na naman ayain si kuya Uel mo pagtapos ng game ninyo."
Napakamot sa ulo kapatid niya. "Ate talaga, mukhang maa-under mo si kuya pag ikinasal na kayo. Tsk tsk. Kuya huwag kang padala sa pagsusungit ng ate ko, ganyan lang magmahal yan." Tukso pa nito.
"Really." Napangiti si Uel sa sinabi ng kapatid niya.
"Rommel!" Pinandilatan niya ng mata ang kapatid. "Nay, pagsabihan mo nga si Rommel."
"Rommel, tama na ang panunukso mo sa kapatid mo. Nagmumukhang kamatis na ang mukha ng ate mo." Wika naman ng nanay imbes na sawayin ang kapatid ay ginatungan pa iyon. Gusto niyang maglaho sa kahihiyan.
"Don't worry Kate, you're the most beautiful tomato I've ever seen." Ani ni Uel na nakibiro din.
She just shut her mouth, para matigil na ang mga ito sa panunukso sa kanya.
They all decided na maglakad na lang papunta sa covered court ng ilaya kung saan gagawin ang liga. Game na game naman si Uel. Kasama nila ang mga pinsan niya sa paglalakad.
"Kuya Uel buti sumama kang manuod ng liga." Wika ng pinsan niyang si Mitch.
"Hindi ko mapahindian si Rommel eh."
"Lakas ko talaga sa'yo bayaw."
"Rommel yang bibig mo! Nakakahiya dito kay Uel."
"No, that's fine." Sagot naman ni Uel.
"Naku, mukhang sa susunod na balik mo dito sa amin kuya Uel eh mamanhikan kana." Tukso ng isa pa niyang pinsan.
Tiningnan niya Ng masama ang mga ito."Tinutukso ka lang nila, cute mo kasi pag naiinis ka. Hayaan mo na lang sila." Ani uel.
Pagdating nila sa basketball court ay madami ng tao na naandoon. At dahil probinsiya sila ay halos lahat ng nandoon ay kilala niya. Pinagtinginan ng mga taong nandoon si Uel, dahil dayo ito. Nang makita niya ang kamag anak niyang si Madel na malagkit ang tingin kay Uel, ay lihim siyang napangiwi. "Landi talaga!" Aniya sa sarili.

BINABASA MO ANG
Her Happy Ever After
RomanceAbout the character: Miguel Montecillo or Uel - to his friends and family. He have everything a girl could want. A successful banker and one of the young billionaire in the country, a very loyal and gentle lover. Yet not everybody knows that he's hu...