Chapter 4

3.6K 83 1
                                    

Mukhang may nililihim ka sa akin bessy." Ani ni liza, nadatnan siya nitong nagi-impake.

"Ano ba ang sinasabi mo?" Kunway di niya alam ang nais ipunto ng kaibigan. Malamang tungkol kay iyon kay Uel.

"Ano ang nangyari kagabi ha?" Tukso nito.

Mabuti na lang at nakatalikod siya dito, kung hindi ay mapupuna nito ang pamumula ng pisngi niya. "Kung tungkol kay Uel ang itatanong mo, nakilala ko lang siya kagabi."

"Tapos?"

"Iyon lang, Hindi ba kasabay ninyo pa nga akong umuwi."

"Iyon lang?" she knew na hindi nito basta kakagatin ang alibi niya.
Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago humarap siya sa kaibigan. "Magkaibigan lang kami ni Uel, at saka may girlfriend iyong tao. He's just being nice. At isa pa mahirap abutin ang katulad niya Liz."

Mapait na sabi niya dito. Well that's reality. At may iba ng nagmamay ari dito, siguro inaaliw lang nito ang sarili sa kanya, para sandaling makalimot sa nobya.

"Pare-pareho lang ang mayayaman. Baka kasing matapobre din ng mga magulang brylle ang magulang niya.  May hiningi lang na pabor si Uel sa akin. Kaya niya ako hinanap. Inimbitahan niya ako sa kasal ng pinsan  niya, invited si Brylle. Gusto kong ipakita kay Brylle that I'm fine. Uel and I are just friends."

"Pero iba ang nakikita ko, well I hope siya na ang para sa'yo."

"Well I hope he's not, ang tulad ni Uel ay isang malaking problema. He will not fit in my world, like me to his."

"What if he would, huwag mo muna kasing pangunahan."

Ipinagkibit balikat na lang niya ang sinabi ng kaibigan.

"WHERE ARE YOU?"

"Uel?" Nabigla siya ng makilala niya ang boses nito.

"Kakagaling ko lang sa apartment mo, aayain sana kitang mag dinner. Pero walang tao."

"Pauwi ako ngayon sa amin."

"I know I gather that from your friend. Nasa bus terminal ka pa ba?"

"Yup, aalis itong bus ng mga 6pm." She looked at her watch, kalahating oras na lang ang ipag aantay niya.

"Will you wait for me.?"

"Why?"

"Please?"

"Sabihin mo sa akin kung nasang terminal ka."

Hindi na niya nasagot si Uel dahil na drain na ang battery niya. Hindi niya alam bakit gusto pa nitong puntahan siya, may kunting panghihinayang siyang naramdaman, she wanted to see him sana bago siya umuwi. Ngunit mabilis niya iyon na inalis sa isip. Mahirap abutin ang katulad nito. She don't want to fall for him.

Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya, namalayan na lang niyang umusad na ang sinasakyang bus palabas ng terminal. Nang bigla iyong himinto, panatingin siya sa labas ng bintana at na bigla siya ng makita niya si Uel na nasa labas at kausap ang konductor ng bus. What is he doing here? Pano nito nalaman kung na saang terminal siya?. Bulong niya sa sarili.

"I made it in time, muntik na akong hindi umabot." He said while smiling gorgeously at her, imbes na mainis ang mga pasahero ng bus dahil sa pagka antala, ay tahimik lang ang mga ito na nakamasid sa kanila, ang ibay narinig pa niya nanunukso pa.

"Mabuti na lang at mabait iyong driver at kundoctor nitong bus."  Ipiniliwanag nito na hinarang nito iyong bus bago ito makabas sa terminal.

Hindi niya alam kung panaginip lang ba na nasa harap niya si Uel.

"Uel? Paano mo nalaman?"

"Sa kotse ko na lang ipapaliwanag. Nasaan ang mga gamit mo?"

She was literary lost in words, namalayan na lang niya na nasa loob na siya ng sasakyan nito.

"Hindi ka na dapat nag abala pa na ihatid ako sa amin."

"You worry yourself to much,  gusto ko ang ginagawa ko, I've been working my self to death this past few months. And I need a vacation and I also want to meet your parents. At Isa pa gabi na,  dapat pinagpabukas mo na lang ang uwi mo. Its dangerous for you to travel alone at night." Sermon nito sa kanya.

"May susundo naman sa akin. Kaya walang problema kung gabihin ako." Katwiran niya.

"Mabuti na din itong nag-iingat ka. Your  beautiful woman Kate at baka pag-interesan ka mga loko diyan. Pano kung hindi agad dumating ang sundo mo. Dapat sinabi mo sa akin kanina na uuwi ka sa inyo, sana ay maaga tayong umalis."

"Alam mo your acting weird."

Narinig niyang mahinag tumawa ito. "I know."

Nag take out sila ng sandwiches sa SUBWAY at coffee sa STARBUCKS, bago sila bumiyahe pa Quezon.

"Ako na ang mag susubo sayo, ayusin mo na lang ang pag drive at baka maaksidente tayo."

"Thanks, ang sweet mo naman."

"Pag pasensiyahan mo na lang iyong madadatnan mo sa bahay namin. Si Brylle ng isinama ko sa bahay, wala pang isang araw gusto ng umuwi."

"Huwag mo ako itulad sa ex mo, marunong akong makibagay." Ramdam niyang ayaw nitong  usapan ang dating ex niya.

"Tiyak mabibigla si tatay pagnakita ka."

"I'm a likable person. I'm sure magkakasundo  kami ng family mo.
And you worry too much"

"You know your girlfriend is so lucky to have you. Why, what happen? Bakit kayo naghiwalay?" She ask curiously.

"She got so busy fulfilling her dreams. Nang dumating iyong pagkakataong hinahantay niya for her to study in Paris and work for a famous designer. Hindi niya pinalampas iyon." Isang mapait na ngiti ang sumikay dito."I try to understand her, you know. Dumating sa punto na para na akong tanga, lahat ginawa ko para mahalin niya ako, para ako at ang nalalapit namin kasal ang gawin niyang priority, pinaghadaan ko na lahat, I wanted to surprise her with our new and fully furnished house, for us to start having a family. Pero hindi naging sapat iyon, mas pinili niya ang career niya,  though she  ask me to wait for her. Right now she's in Paris, unti unti na siyang nakilala bilang  isang designer, nakamtan niya ang pangarap niya, iyon nga lang without me." Nakaramdam siya ng awa dito.

"Mukhang nakalimutan na niya na may naghihintay sa kanya."
Hindi niya mainitindihan bakit siya nasasaktan sa sinabi nito. Mukhang mahal pa nito ang ex girlfriend. "Why didn't you wait for her? Bakit hindi ka sumunod sa Paris. Kung mahal mo ang isang tao, you should be happy kung saan siya masaya, is she still single?"

"I guess, wala naman ako nababalitaan sa mga close friends namin na may boyfriend siya ngayon. Sa tanong mo kung bakit hindi ako sumunod sa Paris." Nagkibit balikat ito. "Because of pride, I guess. At hindi ko maiwan ang mama, matanda na siya at nagiisa lang akong anak. At isa pa hindi ko maiiwan basta basta ang kompanya. Mahalaga ito sa magulang ko, lalo na sa papa noong nabubuhay pa siya."

"Huwag ka mag alala,  when she misses you, and realize your worth, babalikan  ka din niya, sabi mo nga nakamtan na niya ang pangarap niya. Siguro naman kasama ka din sa pangarap niya, mas priority nga lang niya ang career niya." She tried to cheer him up.

She saw sadness crossed in his eyes. "Hindi na ako umaasa na babalik pa siya, kasi kung gusto niya akong balikan sana noon pa. I gave up waiting, two years is enough. Iyong bahay nga na pinagawa ko  para sa amin ay binabalak ko ng ipagbili."

"At isa pa, I found na my reason, to stop waiting for her." Makahulugang Sabi nito. Biglang bumis ang tibok ng puso niya sa sinabi nito. Lihim niyang kinastigo ang sarili. Stop right there, stop beating fo this handsome and almost perfect guy, he's not for you. Muli niyang paalala sa sarili.

Her Happy Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon