Chapter 5

3.4K 77 0
                                    

Anim na oras din ang itinagal ng biyahe nila. Kahit sinabi nito sa kanya na maidlip muna siya sa biyahe ay hindi magawa. Sobrang abala na ang ginawa niya dito. At hindi lang iisang beses siyang humingi ng pasensya dito.

"Malapit na tayo." Aniya ng makalampas na sila sa bayan ng Atimonan.

"See buti na lang hinatid kita, madaling araw ka na pala makakarating. Dapat pinagpabukas mo na iyong uwi mo."

"May susundo naman sa akin eh."

"Kahit na. Next time, huwag mo ng uuliting umuwi ng ganitong oras.
"
"Okay po." She giggled. "Daig mo pa si tatay mag sermon ah. Sarap kaya mag biyahe ng gabi. Walang trapik."

"Madami naglipana na masamang loob tuwing gabi. Basta promise me na this will be the last time na uuwi ka ng ganitong oras."

Tumawa siya sa sinabi nito. "Para naman akong bata na kailangan pa na mangako."

"Because your acting like one."

"Okay I promise." Aniya at itinaas pa ang kanang kamay. "Teka malapit na tayo. Ayon na si tatay."

Tahimik lang ang tatay niya Ng Makita nito si Uel, pagkababa nito sa sasakyan. "Tay, si Uel. Kaibigan ko po." Wika niya pagka-mano sa ama.

Hindi  niya inaasahan ang ginawa ni Uel. Nag mano din ito sa kanyang tatay. Nakita niya ang pagkabigla ng ama sa ginawa nito.

"Ako po si Miguel. But you can call me Uel."

Lumambot ang mukha ng ama niya sa ginawang gesture ni Uel dito. Natitiyak siyang makakasundo nito ng pamilya niya. "Kawaan ka ng diyos, tawagin mo na lang akong tatay Romy. Nobyo ka ba nitong anak ko?"

Nagbigla siya sa sinabi ng ama.

"Tay! ano bang sinasabi nyo. Kaibigan ko lang siya." Alam niyang tinutukso lang siya ng ama. Pero hindi niya mapigilang mahiya kay Uel. "Bakit magisa lang kayo, na saan si Rommel?"

"Pinauwi ko na ng may kasama ang nanay mo sa bahay. Siya, tayo ng umuwi sa bahay."

"Sumabay na po kayo sa amin tatay Romy." Ani Uel.

"Siya sige, sandali lang at babayaran ko lang iyong tricycle na inarkila ko."

Pagdating nila sa bahay ay mainit din ang naging pagtanggap ng nanay niya at ng bunso niyang kapatid kay Uel. Masasabi niyang likas kay Uel ang pagiging mabuting tao nito. Kung gaano kadali nito na nakuha ang loob ng tatay niya, ay ganun din nito kadali nahuli ang loob ng nanay at ng kapatid niya. Kunsabagay siya nga madaling na fall sa charm nito.
Tinulungan niyang maghain ng makakain nila ang nanay niya. Habang iniwan niyang nagkukuwentuhan iyong tatlo sa sala.

"Mukhang mabuting tao si Uel anak. Napakagalang na binata.  Kung siya ang mapapangasawa mo mapapanatag ang loob namin ng tatay mo, dahil alam naming nasa mabuting kamay ka. Hindi kagaya ni Brylle, napakabigat ng loob namin doon. Hindi katulad ni Uel."

"Inay kaibigan ko lang iyong tao."

"Pero iba ang nakikita ko anak, mukhang may gusto siya sa'yo."

"Naku nay, malabong magka gusto sa akin iyon."

"Siya sige na. Tawagan mo na si Uel na makakain na kayo malayo ang biniyahe ninyo, malamang gutom na iyon at ng makapag pahinga na din iyong tao. Kumakain ba iyon ng adobong tulingan. Niluto ko iyon kasi alam ko na paburito mo iyan."

"Kakain iyon, mukhang hindi naman maselan iyon sa pagkain. Sandali lang at tatawagin ko."

"Uel, kumain na tayo,  handa na iyong pagkain. Ipagpabukas na ninyo iyang kuwentuhan ninyo. Rommel ayusin mo iyong kuwarto mo at doon matutulog si Uel, tulungan mo si nanay magligpit doon. Sa sala ka na muna matulog."

"Huwag ninyo akong intindihin, ako na lang matutulog sa sala."

"Bayaw, este kuya Uel. Ayos lang na matulog ako sa sala. Bisita ka namin. Kaya doon ka na lang muna sa kuwarto ko matulog."

"Siya nga naman Uel. Sanay naman matulog sa sala iyan, pag may bisita kami dito." Sigunda ng tatay niya.

"Mag-share  na lang Rommel." Uel insisted.

Napakamot na lng ng ulo si rommel. " Sige kuya pero ako na lang matutulog sa lapag."

"But-"

"Okay na, sa lapag matulog si Rommel may extra matress naman.
Sige na Rommel. Tulungan mo na si nanay maglinis ng kuwarto mo."

"Ako naman ay kukuha ng malinis na kumot at punda na magagamit ni Uel. Walang gripo dito Uel kung gusto mo maglinis ng katawan, ipangiigib kita ng tubig sa poso."

"Huwag na po ninyo akong intindihin."

"Tara na kumain na tayo, pag pasesnsiyahan mo na iyong ulam natin, niluto  ni nanay iyon dahil paburito ko iyon.

"Masarap pala ang adobong tulingan,  ngayon lang ako nakakain niyan." Anito at dumighay sa kabusugan.

"Ginagata din iyan, masarap din iyon. Tiyak bukas madami kang makakain dahil anihan ng palay. Magluluto sila nanay para sa mga mag aani."

"Tapos na kayong dalawa?" Wika ng nanay niya.

"Opo, napadami kain ko, masarap po kayong mag-luto Nay." Ani uel.

"Sus, huwag mo na akong biruin bata ka, siya iwan ninyo na iyan at ako na magliligpit niyan. Katherine maiwan ka muna at may sasabihin ako saiyo anak." Nakita niyang pagkabalisa sa mukha ng nanay niya, mukhang alam na niya kung ano iyon.

"Hatid ko muna si Uel sa silid ni Rommel nay."

"Is there something wrong?"

Isang iling ang sinagot niya dito. "Wala, mag pahinga ka na, pasensihan mo na iyong kuwarto ni Rommel. Electric fan lang meron kami. Walang aircon." Nakuha pa niyang mgbiro dito.

"Hey, ano ag problema? You look worried."

Isang iling lang ang sinagot niya dito. "Wala ito, sige na magpahinga kana."

Uel bend his head and surprisingly kissed her forehead. "Everything gonna be fine. Kung ano man iyan.  Goodnight."

Kinabukasan ay hindi niya mahagilap si Uel, tinanghali siya ng gisng kakaisip ng solusyon sa problem nila. Balak niyang kauspin ang tiyahin niya ngayong araw na bigyan siya ng isang buwan pa ulit para makahanap siya ng mahihiramn ng pera. Kahit mag makaawa siya a tiyahin. Mahalaga a magulang niya angl lupang ito at hindi niya hahayaang mwala iyon sa kanila, dito sila pinanganak at lumaki na magkapatid.

"Nay nakita ninyo po ba si Uel?"

Her Happy Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon