SIAB 2: Prank him

60.9K 713 133
                                    

<Tris' Pov>

Unang una sa lahat, sorry Thania kung lahat ng alam mo ay puro sinungaling.

Mukhang nagiba na ang aura ko ngayon dahil mas seryoso na ang paguusapan namin ni Mommy.

"Yes mom? What's the update?" pumunta na ako sa aking kwarto dahil baka marinig pa ni Thania ang pag-uusapan namin.

"Kinukuha na si Thania. You know what that means, Anak. Ano na bang gagawin natin? Ngayon na't malaki na siya, kaya na nila magawang bawiin si Baby Thania. Di naman natin kayang itago ang ka isa-isang anak na babae ng presidente." Namilipit sa sakit ang puso ko ng marinig ko ang sinabi ni Mommy.

Well...

This is the truth. We're not related not even blood or sperm. Dahil siya lang naman ang kaiisang anak na babae ng presidente. Gulat din ako ng malaman kong siya nga ang anak ni Mr. President at bata pa lang ako alam ko na. Kaya masyado akong protective sa kanya.

"Kaya anak gusto ko muna habang maaga pa... still, protect her and take your time na makasama siya lalo na't wala kami jan. Eto nalang muna ang magiging responsabilidad mo habang di pa siya kinukuha. We're given a month to do that and by the next two weeks uuwi na kami agad. Always remember that never let her go inside the basement. Ayaw kong maalala niya ang mga masasaklap na nangyari sakanya."

"I will, Mother." madiin kong sagot.

Ang Basement na nasa bahay na 'to ang dahilan kung bakit pinagkakait sa kanya ang alaala niya. Pagmamayari ng Tatay ni Thania ang bahay na 'to ng hindi pa nagiging presidente ang tatay niya.

At itong bahay na 'to ang rason kung bakit sa lahat lahat ng kinatatakutan namin na bumalik sa kanya ang alala kung paano namatay ang kanyang Nanay.

And that sala was a glass living room before, connected to the basement. Isang beses ng gumuho iyon at dahil sa nanay ni Thania, sinakripisyo niya ang buhay niya para lang hindi si Thania mapahamak.

Ng matapos ang lahat ng yun. Which is 15 years ago, nalaman ko nalang na magiging kapatid ko na siya. And she's right here, right inside her own room with her lost memories.

Alam niyo ba kung bakit hindi pa rin inilalayo si Thania sa bahay na ito? Dahil sa ayaw ng Tatay niya ilayo si Thania kung saan huli silang nagkita ng Nanay nila. Nang malaman ng Tatay ni Thania na namatay ang kanyang asawa, para siyang nawalan ng karapatan sa pagiging ama ni Thania. And that part, I don't know that reason.

Kaya sa akin pinapaalam ang lahat ng ito dahil sabi ng Tatay ni Thania, ako daw ang tumayong kuya sa buhay niya.

Humihingi talaga ako ng patawad kay Thania, dahil ako ang may alam sa mga nangyari sa kanya. Parang pinagkakait na namin ang lahat sa kanya. Well we'=re doing this for her. Sana mapatawad niya pa ang daddy niya.

Next Day...

<Thania's Pov>

Eto ako ngayon nasa kwarto ulit ni kuya. Hihi, Di ko talaga alam kung bakit ba nakasanayan ko sa kwarto ni kuya. Siguro mas malambot lang talaga higaan ni kuya Hahaha oh baka iba na nahihigaan ko. HAHA!

Kakagising ko lang ng may maramdaman akong mabigat na nakapatong sa binti ko. Ang bigat ng binti ni kuya. Sino pa nga ba?

"Uy! Kuya! Gising! Papasok pa tayo!" bumangon ako at inalog alog ko siya kaso di parin nagising. Buhusan ko kaya to ng tubig. Mukhang nanaginip pa ang isang to.

"Shhh..." hinila niya ako ulit kaya napahiga ako. Pagkami nalate ako pa sisihin nitong lalaking to na hindi siya ginising.

"Kuya..." nakaharap ang mukha ko sakanya habang siya naman ang himbing himbing parin ng tulog. Maamo talaga ng mukha ni kuya pag tulog at paggising naman at ginalit di mo na maamo ulit, para ng demonyo.

Siblings In A Bed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon