<Thania'sPov>
Unti unti kong nararamdaman ang pagkakalas ng kamay ko. Wala parin akong maaninag dahil sa gabi na at medyo madilim ang kwarto.
"Sh!t. Blood..." kinig kong bulong nung nagtatanggal ng kadena sa kamay ko.
"Sir. Sir. Si Thania po nagdudugo. Nabaril ata sir?" Gagi. Anong nabaril. Putspang yan e, dapat lalaki nalang ang nagkaroon ng mens ng maranasan nila ang sakit! Bwiset! Nakakahighblood!
"What?! Anong nabaril?! G*g* kanina ko lang kausap yang asawa ko anong baril ang pinagsasabi mo-Oh freak. She has." dali daling tumakbo papalapit si Tris sakin habang ako naman namimilipit sa sakit.
"Shhh..Tahan na babe. Sorry di ko alam." hinawakan niya pa pisngi ko pero tinabig ko lang ito.
"Don't..touch me." I said in a low voice. Galit ako sa mga kalokohang pinagagawa niya. AND! I still need explanation about what's happening around.
"Sorry. Fine, I will explain later but please...let me clean you first." sinubukan niya akong i-bangon pero kinaya ko nalang magisa at ako na mismo ang tumayo at hinanap ang Cr.
"Ahhh!" pagkasigaw ko nun sumakit ang tiyan ko para akong pinipiga ng milyon milyong beses.
Napatakbo naman agad si Tris at inalalayan ako. Isa pa to, may kasalanan pa siya sa akin.
"Sabi ko sayong tututulungan na kita e. Kahit ngayon lang please let me help you." di ko na kinaya ang sakit kaya napatungo nalang ako at inalalayan niya akong makalakad papuntang Cr.
Pagdating namin ng Cr umupo agad ako sa bowl ng di tinatanggal ang uniform attire ko. Binigyan ko lang ng tingin si Tris na umalis na at kaya ko na sarili ko.
Paglabas niya nakinig ko pa siyang sumisigaw.
"Maid! Pakilinis tong higaan! Magdala din kayo ng maiisuot ng asawa ko!"
Natigilan ako sa pagbaba ng suot ko ng makinig ko ang salitang binitawan niya. "asawa ko" ? Akala ko ba kasal na siya? At magkakaroon na sila ng anak? Bat ngayon pa at kaya ko ng buhayin ang sarili ko saka lang siya babalik? Masakit man isipin pero yun yung katotohanan e. Isa lang akong kabit...totoo nga ba?
<Tris' POV>
Pagkalabas ko ay inutusan ko na agad ang maids na gumalaw sa mga inutos ko at nagantay naman ako sa labas ng kwarto para bigyan ng space si Thania.
Opps. Kailangan pa nga pala niya ng napkin.
"Guard! Bili nga kayo sa tindahan ng napkin. Gusto ko yung modess!" utos ko sa gwardya at gumalaw naman agad ito.
Natatandaan ko pa noon na ang paborito niyang napkin at tuwing magkaroon siya ako lagi ang pinanglalabasan niya ng galit o di kaya pagnagkakasakit, sasabunutan niya lang ako hanggang sa makatulog nalang siya. Tanda ko pa nung mga araw, kahit ngayon namimiss ko pa din ang dati naming gawi.
Mga ilang minuto na siguro nun ng pinasok ko na ang kwarto. Malinis na muli ang higaan at handa na ang kanyang damit. Nilagyan ko na din ng napkin yung panty niya.
Pagpasok ko ng cr inilagay ko na sa gilid yung masusuot niyang damit. Sisilipin ko pa sana siya kaso isang masakit na bato ang ibinigay niya sakin. Grabe, sadista talaga tong babaeng to pati sabon dinamay.
BINABASA MO ANG
Siblings In A Bed
RomantizmAkala ko hanggang kapatid nalang ang magiging tingin namin sa isa't isa. Nagkamali ako dahil maling hinala ang gumambala sa utak ko. - Kilalanin si Thania Melmorn, ampon, at nagkaroon ng napaka-malambing, mabait, marespeto, gwapo slash manyak na ka...