Julia point of view;
Week has passed..
Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari, kinalimutan ko na ang lahat kahit mahirap. Kapag nagkikita kami ni Ryan sa school, wala lang para lang kaming hangin.
" Julia, okay ka lang ba? malalim na naman 'yang iniisip mo." Sabi ni Rose.
" Okay lang ako, medyo gutom lang.." Sagot ko naman, birthday party ngayon ni Jashin kaya may maraming tao sa baba.
" Kuhanan na kita ng pagkain mo, pupunta din naman ako sa may pool." Sabi ni Rose.
" Huwag na, bababa din ako mamaya. Pero mauna kana.." Sabi ko, tumango lang si Rose at lumabas sa kwarto ko.
Nag-ayos muna ako sa sarili ko dahil birthday ngayon ng kapatid ko. Bumaba ako at pumunta sa kusina para kumuha ng makakain.
Walang tao dito dahil nandoon sa pool lahat, kaya ako lang mag-isa dito sa loob ng bahay. Umupo ako sa upuan at nagsimulang kumain;
" Julia.." Sabi niya at tumabi sa akin. Tinignan ko siya at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya inilayo ko 'to.
" A-anong ginagawa mo dito?" Kinakabahan na tanong ko sakanya.
" Your Mom invited me.." Sabi niya, oo nga pala hindi pa alam ni Mama ang lahat ng nangyari.
" Ganun ba, sige doon kana sa pool nandoon ang party e, hindi dito." Sabi ko.
" Julia, galit ka pa ba sa akin?" Tanong niya.
" Ano sa tingin mo? hindi ako galit sayo?" Natatawa kong sabi.
" Kung galit kapa sa akin, sorry. Alam kong wala ng magagawa ang sorry ko dahil tapos na ang lahat at hindi na maibabalik ang dati pero Julia, open your heart at patawarin mo ako.." Sabi niya.
" I wish I could.." Naiiyak kong sabi, hinalikan niya bigla ang noo ko.
" I love you.." Biglang sabi niya at hinalikan ang cheeks ko.
" M-mahal din kita.." Biglang sabi ko at ikinagugulat ko rin.
" You love me?" Tanong niya. Bumilis bigla ng tibok ang puso ko na parang sasabog na.
Alam kong madali lang ang lahat pero mahal ko na rin si Ryan at ngayon ko lang na realize.
" Yes, I love you.." Naka-ngiti kong sabi. Niyakap niya ako bigla kaya niyakap ko rin siya pabalik.
" What's happening?" Napalingon kami ni Ryan sa nagsalita.
O_O
To be Continue..
BINABASA MO ANG
Book 1:My first love broke my heart(Now Completed)
Teen Fiction#1 at WALANG FOREVER You're my first love, I hope you would never be my last love..