Lino point of view;
Pagkatapos kong kunin ang gamit na naiwan ko sa classroom, bumalik ako sa parking lot at iba ang nakita ng mga mata ko, bigla nalang nag-init ang ulo kaya tumakbo agad ako at sinuntok si Ryan kaya natumba 'to.
" Ano 'tong nakikita ko sa inyo?" Sigaw ko sakanilang dalawa. Tinulungan ni Julia si Ryan na tumayo.
" Lino, tama na please? 'wag nating daanin sa ganito." Pagmamakaawa ni Julia.
" Julia, naguguluhan na ako a? ano bang meron sa inyo ni Ryan?" Tanong ko.
" Mahal namin ang isat-isa.." Sabi ni Ryan, kaya tinulak ko siya at sinuntok uli.
" Si Julia ka ba para sumagot? at 'wag ka ng mag-imbento na mahal ka ni Julia dahil hindi 'yon mangyayari.." Sigaw ko.
Hinawakan ni Rose ang balikat ko ng dumating siya, " Lino, tama na.." Sabi niya.
" Ang totoo kasi Lino, m-mahal ko si Ryan at mahal din niya ako at sinagot ko na siya." Sabi ni Julia.
" So, ginawa niyo pa akong tanga?" Tanong ko.
" Hindi sa ga-.." Hindi ko na pinatapos si Rose na magsalita, sumakay na agad ako sa kotse ko at umalis na.
To be Continue..
BINABASA MO ANG
Book 1:My first love broke my heart(Now Completed)
Teen Fiction#1 at WALANG FOREVER You're my first love, I hope you would never be my last love..