Julia point of view;
Kasalukuyan na akong inaayusan ngayon ni Mama, dahil malapit na ring dumilim.
" Matanong ko lang anak, bakit ganito ang sout mo e party naman ang pupuntahan mo?" Tanong ni Mama.
" Si Ryan kasi Ma e, ayaw akong pasuotin 'nung binili kong damit dahil sexy daw." Sagot ko.
" Sayang naman pala 'yon. Pero okay lang 'yan anak, kahit anong isout mo maganda kapa rin." Sabi ni Mama, ngumiti naman ako.
" Salamat Ma." Sabi ko at yumakap sakanya, isinout ko ang glasses ko.
" Anak 'wag mo ng soutin 'yang eye glass mo." Sabi ni Mama.
" Ma naman, kailangan ko 'tong soutin." Sabi ko naman.
~ Beep!Beep!Beep! ~
" Hala sige, mag-ingat ka doon a?" Sabi ni Mama.
" Opo Mama.." Sabi ko at humalik sa pisngi niya.
Lumabas na ako ng bahay at nakita ko ang isang lalaki na binuksan ang pintuan ng kotse.
" Good evening po Ma'am, ako po 'yung inutusan ni Sir Ryan para sunduin ka." Sabi niya.
" Magandang gabi din, salamat.." Sabi ko at pumasok nasa kotse. Makalipas ang minuto, huminto kami sa malaking bahay na maganda.
Pinagbuksan ako ni Manong at lumabas naman ako.
" Ma'am, dito po tayo.." Salubong sa akin ng isang babae. Sumunod ako sa babae at dinala niya ako sa isang kwarto.
" Sabi po ni sir Ryan, pumasok ka nalang sa kwarto niya.." Sabi 'nung babae.
" Salamat po.." Sabi ko, iniwan ako 'nung babae. At ako naman pumasok na sa kwarto niya at sobra 'tong dilim.
" Asan ba ang ilaw dito?" Bulong ko sa sarili ko, kinapa ko ang switch at bumungad agad sa akin ang white and gray na kulay ng kwarto ni Ryan.
Inilibot ko ang paningin ko pero wala si Ryan, kaya umupo muna ako sa kama niya pero bigla nalang akong naantok dahil sa lamig ng aircon at sa lambot ng kama niya. Humiga ako sa kama niya ng patagilid at ipinikit ang mga ko ng bigla nalang may yumakap sa akin.
" Kanina ka pa bebelabs?" Tanong ni Ryan sa akin.
" Hmm.." Sabi ko at tatayo na sana pero hinila niya ako kaya ngayon nakaharap na ako sakanya.
" Mamaya na tayo pumunta sa party?" Tanong niya.
" Ano kaba! birthday ngayon ng Mama mo, kailangan nating pumunta." Sabi ko.
" Eh, ayaw ko." Sabi niya.
" Ryan, hindi 'to honeymoon okay?" Sabi ko, natawa naman siya kaya ako rin.
It feels good when you laugh with your special someone..
"Please..Matulog na muna tayo?" Pagmamakaawa niya at wala na naman akong magawa.
" Sige na nga.." Sabi ko, hinalikan niya ang noo ko at pumikit na siya ganun rin ako.
To be continue..
BINABASA MO ANG
Book 1:My first love broke my heart(Now Completed)
Teen Fiction#1 at WALANG FOREVER You're my first love, I hope you would never be my last love..