KATHRYNBad trip! Ba trip! Nakakainis! Nakakaiyak!
Pano ba naman! Si Daniel since last month laging 9 pm umuuwi minsan naman 10pm tapos umaalis siya 7am tapos pag wala siya sa bahay hindi man lang siya tumatawag. Kapag pumupunta ako sa mga branch ng KDKN lagi niya ako pinapasama kay Dylan ang best friend niya. Nakakinis! Nambababae ba siya? Hmp! 9years na kami tapos ngayon pa siya mambababae?!
*Cringgggg*
Tinignan ko si Dylan pala.
M:Oh?!
Dy: Easy! Hahaha Nasan ka?
M: Condo
Dy: Naku! Pumunta ka sa ***Subdivision ngayon Dalian mo!Hintayin kita sa guard house.
M: What?! Eh 7 na eh gabi na baliw kaba?
Dy: Dalian mo nalang nandito si Daniel
At pinatay niya yung tawag what the hell?! anong ginagawa ni Daniel don?! doon ba niya inuuwi ang babae niya!
Dali-dali akong lumabas mag tataxi nalang ako dahil wala naman yung car niya dito.
Pagka dating ko sa guard house ay nakita ko si Dylan kaya lumapit ako agad.
"Dylan? Ano bang ginagawa ni Daniel dito?"
"Dalian mo, nakikipag away si Daniel ngayon at lasing na lasing."
Agad naman akong sumakay sa kotse niya dahil sa sinabi niya. Shet ka Daniel!
"Bakit ba siya nandito?"
"Birthday kase nung girl friend ni Lester kaya nagka-ayaan."
Tumango lang ako. Kanina pa ako kinakabahan.
Tumigil kami sa isang bahay bumaba ako agad. Pumasok na si Dylan ako naman ay naka tingin lang sa labas ang ganda kasi ng bahay.
"Huy! Dalian mo!!"
Agad naman akong tumakbo. Pero nagulat ako sa pag pasok namin dahil ang dilim.
"Dylan! bakit ang dilim nasaan sila?" Tanong ko
"Nasa pool area sila." Narinig ko na humakbang siya kaya humakbang din ako. Pero nakaka tatlong hakbang palang ako biglang nanlaki ang mga mata ko.
Shit.
DANIEL
Nakatayo ako ngayon at tinitignan ang naluluhang si Kathryn.
"Babe, I'm sorry kung pinakaba kita. Come here." Lumapit naman siya agad. Niyakap ko siya ganon din ang ginawa niya.
"Sorry babe."
"Bwisit ka!" Sabay hampas pa niya sakin. Natawa nalang ako. Kami lang dalawa nandito.
"Babe, wag ka muna magsalita hanggat hindi ako natatapos ha?" Tumango lang siya. At ang mga taong sobrang importante saamin ay isa isang lumalabas na hindi niya nakikita dahil naka harap si Kathryn saakin ngayon.