KATHRYN
Ngayon ay May 13 na kaya abala sina Mama at Papa sa pagha-handa. Tumutulong rin kami ni DJ pero ngayon nandito lang kami sa Garden hinihintay namin sila Magui dahil ngayon ang dating nila Kasabay niya si Analain and Jordan sila Tita Ana, Mama Karla at Papa Romell naman ay bukas.
Naka upo ngayon si Kade sa lap ni DJ habang pinapakain ko ng biscuits hapon na rin naman and later pag dating nila Magui pupunta pami sa Plaza dahil manonood kami ng Ms. Gay
"Chubs look oh! ang taba taba mo na dikapa tumigil sa kakakain mo." Inis ni DJ kay Kade.
Tinignan lang naman siya ng Masama ni Kade tsaka kumain ulit.
"Love ayan ka nanaman, baka umiyak yan." Saway ko kay Dj. Lagi niya kasing inaasar si Kade kapag wala si Kade sa mood ay iiyak yan at hindi niya papansinin si Dj.
"Kade!!!" Tumingin kami sa sumigaw na papalapit saamin nakita namin si Magui, Analain at Jordan.
Lumapit sila samin tsaka bumeso at kinuha ni Magui saakin si Kade.
"Ate Kath samin muna si Kade ah? Namiss namin to eh." Sabi ni Magui tsaka pinanggigilan si Kade.
"Sige tutong din muna ako kina Mama. Pumasok na kayo sa loob. DJ samahan mo sila para makakain sila."
Naglakad na kami papasok ng Bahay.
"Love, Sunod ako sayo sa labas. Asikasuhin ko lang si na Magui." Sabi ni Dj bago ako lumabas.
"Okay, kain na kayo." Bago pa ako makalabas ay tinawag ako ni Jordan. Btw, 5 years ol na si Jordan pero ang liit parin haha.
"Ate Kath!!" Lumingon ako sakanya at lumapit.
"Yes bubot?" tsaka ko pinisil ang pisngi niya.
"I'm not hungry. Sama ako sayo? Pwede? Maya na ako magplay with Kade si na ate Magui at ate Analain muna." Agad ko naman siya binuhat.
"Okay, Lets go." Naglakad na kami palabas. Dito lang naman kami sa Likod ng Bahay.
Lumapit kami ni Jordan kina Mama habang buhat ko parin siya. Ki-niss niya naman sina Mama at Ate Kaye
"Nasaan si Magui anak?" Tanong ni Mama saakin.
"Nasa loob Ma, kumakain." Sagot ko naman tsaka ako kumuha ng tubig sa tabi ni Mama.
Si ate Kaye naman ay pinag loloko niya si Jordan.
"Oh? Bakit si Jordan di mo pinakain?" Tanong ulit ni Mama.
"He's not hungry daw e." Sagot ko kay Mama
"Aba! Nabubusog rin pala tong si Jordan!" Natatawang sabi ni ate tsaka niya pinanggigilan si Jordan.
"Kath, Mag-ayos na kayo aalis kayo diba? Iwan niyo nalang si Kade at Jordan saamin ng ate Mo."
"Okay ma. Jordan wait me here ha? Lilinisan ko lang si Kade." Tumango naman siya kaya tumayo na ako tsaka pumasok sa loob.
Nadatnan ko yung apat na naka-upo pero tapos ng kumain. Lunapit naman ako agad kay DJ tsaka kinuha si Kade na naka-kalong sakanya.
"Love, hindi na ako naka-sunod sainyo itong mga babae kaseng to ang aarte ayaw magpa-iwan." Naiiritang sabi ni DJ.
"It's okay. Girls, bihis na kayo. Aalis na tayo maya-maya. Bibihisan ko lang si Kade at Jordan."
"They will come with us ate Kath?" Tanong ni Magui tsaka tumayo.
"Ah, no. Iiwan nalang natin sila dito. Lilinisan ko na bago tayo umalis." I said.