Nung una kita nakita sobrang nayabangan ako sayo. Lalo na nung nag simula ka ng mang asar. Araw araw binabad trip mo ako.
Pero nung umamin ka saakin aaminin ko, nag dalawang isip ako kung maniniwala ba ako o hindi. Baka kasi ginu-good time mo nanaman ako e.
Nung pinakita mo saakin sa mga galaw mo na totoo nga ang sinabi mo ay unti-unti na rin akong nahulog sayo. Totoo nga ang sinabi ni DANIEL PADILLA, Action speaks louder than words.
Lalo kitang minahal nang makita ko sayo kung gaano mo galangin ang pamilya mo at ang pamilya ko. Sabi nga nila ikaw na daw talaga ang Ideal man.
Nung dumating si Kade sa buhay natin, kahit na nabawasan ang oras ko sayo, kahit na lagi mong sinasabi na, Inaagaw mo naman si Mommy mo kay Daddy e. Youre still finding a way to have time with me.
Maraming salamat sa lahat, Daniel.
You and Kade are my sunshine.
I love you, Daniel & Kade.
Hi guys! Thank you so much!! Advance merry Christmas and a happy new year!! Keep spreading the blue hearts!!!💙💙