CHAPTER 21

5 0 0
                                    

SIDNEY'S POV

After ng magpunta kami sa restobar di na naman kami nag usap ni Xyronne. Di ko rin sya nakikitang kasama ni Natalie. Ano kayang nangyari dun?

"Hoy? Di mapakali?" Tiffany.

"Ha?"

"Kanina ka pa palinga-linga dyan? may hinahanap ka ba?" tanong ni Chloe.

"Wala, hinahanap ko lang si Natalie. nasan ba un?" palusot ko.

"Ako nga ba talaga hinahanap mo o ung pinsan ko?" tanong ni Natalie na kakarating lang.

"Anong sinasabi mo dyan? Bakit ko naman hahanapin ung pinsan mo?"

Nasan ba kasi un? -_- Nakakainis naman hindi ako sanay na walang mokong sa paligid

"Aminin, miss mo?" pang aasar ni Tiffany.

"Sinong namimiss ko?"

"Ewan ko sayo ,Sidney. Parepareho nating alam na gusto mo na si Xyronne. Halata naman eh!" sabi ni Tiffany.

Halata ba?

Teka? Gusto ko na ba talaga sya?

"Tumigil nga kayo."

Nagfocus na lang ako sa pasesurf sa facebook ko. Hmm.. Nakaonline kaya sya? Mapuntahan nga ung timeline nya?

Nagpunta ako sa timeline ni Xyronne, wala naman akong nakitang post nya puro nakatag lang sa kanya. Nagpunta ako sa mga pictures nya

Gwapo sya kahit papano..

(a/n:kahit papano?)

Oo na! Gwapo na sya! happy? Inaamin ko na! Sya na! Sya na charming! Sya na sexy! Sya na ang may abs! Sya na iniisip ko nung mga nakaraang araw! Sya na ung dahilan kaya di ako makatulog! Sya na hinahanap ko! Sya na!

(a/n:sya na ang mahal mo?)

Oo—hindi! -_-

(a/n:yieh!!! >:D)

Tse! Ang epal mo!

Tinitigan ko ung isang picture nyang natutulog. Di ko alam kung anong sumapi sakin at sinave ko ung picture.

"Ang gwapo ng pinsan ko noh!"

"Ay! Baklang kabayo! Natalie?!"

Tsk! Muntik ko ng maitapon ung cellphone ko -_-

"Yan ang hindi namimiss pero nang iistalk?" Tiffany

"Yan ang di namimiss pero nagsave ng picture?" Chloe

"Yan ang hindi namimiss? Galing.." Natalie

"Di naman talaga! Tsk! Dyan na nga kayo!"

Umalis na ako at umuwi na sa bahay. May lakad pa ko bukas, ayoko naman magmukhang zombie bukas pag di ako nakatulog ngayon.

*❤*❤*❤*❤*

WHAAAAH!!!

BWISIT KA! BWISIT KA!

BWISIT KAAAAHHH!!!

"Langya naman.. Patulugin mo naman ako ngayon. Please naman.. ngayon lang.." pagmamakaawa ko sa picture ni Xyronne na sinave ko kanina.

It's 3 in the morning pero di pa rin ako makatulog, halos tumambling na ko lahat lahat pero langya naman! pumapasok sya sa isip ko >.<

"Oo na.. Alam ko na.. Sinabi ko na.. Inamin ko na.. Gwapo ka na, kaya tigilan mo na ko patulugin mo na ko, tigilan mo na pagpapaalala sakin yang mga ngiti mo. Please naman huhuhu gusto ko ng matulog"

PRISONERS OF THE PASTWhere stories live. Discover now