BAYARAN

29.1K 243 22
                                    

Prologue

Hindi ka makakapaniwalang may isang babae na mas pipiliin ang sex as her job to earn salaries, mas pipiliin ang sex as her job kaysa sa future dreams niya. Bakit nga ba?

She was a girl, a promdi girl, from the province of Bulacan, who's physically and mentally attracted to drugs. Gagawin niya ang lahat para lang makatikim ng drugs. Hindi siya mabubuhay kung walang kung wala ito, kaya naman humantong siya sa sitwasyong halos walang wala na talaga siya.

Lagi busy ang magulang niya, kaya nagagawa niya ang gusto niya. Why? because busy ito sa kanilang family business sa ibang bansa. Hindi niya inakalang dahil sa isang lalaki ay masisira ang buhay na at mulululong siya sa droga, wherein wala na siyang mahanap na trabaho aside sa ibenta niya ang sarili niyang katawan.

Nawala na lahat sa kaniya, kaibigan, tiwala at suporta ng magulang, lahat.

Ilang beses na din niyang sinubukang humanap ng lalaking bibili ng katawan niya ,upang maipambili lang din niya ng droga, dahil sabi nga nila, once na nakatikim ka, hahanap-hanapin mo na ito kahit walang wala ka nang pangtustos nito.

Since alam mo na ang background niya, let's see kung kaya mong tiisin ang mga pangyayaring magaganap sa kwentong ito.

PANGAABUSO NG SARILING KATAWAN

PAG DO-DROGA

PAGBENTA NG SARILING KATAWAN

"My life is so boring without drugs. yes, drugs."

Im Katrissa, Katrissa Rodriguez. I came from a rich family, yes a very rich family. Wala na akong masabi sa buhay ko ngayon. My parents are always busy on our business, kaya naman wala sila parati sa bahay namin.

You know, I'm very thankful kasi binibigay nila lahat ng gusto ko. Kaya when I wanted something, they could easily give it. Kasi siguro that's the best way para iparating nila yung pagmamahal nila saakin. Kasi naman, wala na silang inasikaso kundi yung business, kinalimutan na nilang may anak sila, edi sana hindi nalang ako iniluwal ni mommy. Pero, siguro they think that enough na yung mga binibigay nila saakin para ma-fulfill yung hapiness ko.

Dati, parati akong iyak ng iyak, gabi gabi, I always wanted to be with them kahit one night stand lang, pero it can't be.

Dati, nagsisisi ako tuwing walang magsusuklay ng buhok ko, tuwing walang magpupusod nito kapag papasok na ako sa eskwela.

Dati mas gusto ko nalang bumalik ng Bulacan, kaysa nandito ko sa Manila kung saan walang kabuhay-buhay, nakakulong dito sa mansyon, minsan nga naisipan ko naring tumakas nalang.

Well, have you noticed something, something different?

Napansin niyo bang puro dati ang talak ko?

Why?

Kasi, well, I didn't expect na sa Manila ko pala mahahagilap yung tunay na buhay ko, dito pala ko mas magiging komportable.

Kahit wala sila? Oh, I don't care anymore. Mas better pa ngang wala sila. So, magagawa kong clubhouse yung bahay namin.

Lahat ng maid namin, sinukuan ako, hindi sila nakatagal sa mansyon. Why? Kasama na kasi sa kagagahan ko yung papakainin ko sila ng dog food, lalagyan ko ng napakadaming vetchin yung kanin nila, hanggang sa bumula yung bibig nila, nilalagyan ko ng pampasakit ng sikmura yung kape nila, tapos all day long, nakahiga lang sila sa sobrang sakit ng tiyan nila.

BAYARAN #WATTYS2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon