Chapter 6

75 26 17
                                    

Chapter 6

Date

"You know, I always wonder what it feels like to see the epitome of beauty..." Nangunot ang noo ko at napa tingin sa kanya.

What is he talking about?

"And then, my Momma said, that beauty isn't hard to find." Tumango ako. Liningon niya ako at nginitian. "It's called love." At parang tumambol ang puso ko sa lakas ng kabog.

"It's a person." Nasabi ko. Tumango siya.

"Yeah. She told me, you won't know it the first time. You'll feel it." Tumawa siya ng bahagya. "Akala ko ang epitome of beauty si Psyche." Natawa din ako.

"Kasi diba, sabi maganda siya, nakakabulag. Kaya inisip ko kung anong pakiramdam. I was just a boy then!" Saad niya nang makita ang pagtawa ko.

"Psyche's a myth." Tumango siya.

"And then, nalaman ko, na metaphor lang pala si Psyche nang pagdedescribe sa babaeng minamahal mo." Natahimik ako.

"Dana," Omg. Liningon ko siya.

Naka direkta ang seryoso niyang mga mata sa akin.

"I know we just met... Pero ayokong maunahan..." Hinga ng malalim Dana.

Hindi ko magawang maiwas ang mga mata ko sa kanya.

He's so beautiful. As a human being. Inside out.

"Please, date me?" Hindi ko magawang humindi. "Im sorry, I probably shoc--"

Dahil alam kong gusto ko rin naman.

"Oo naman." Gulat siyang napa lingon sa akin matapos kausapin ang sarili.

"Ha?" Napa ngiti na ako ng malaki.

"Oo naman! First date ba natin to?" Napa ngiti na rin siya.

"Oo, sana." Napa iling ako sa pagpapacute niya.

"Wala ng sana. Wish granted na." Sagot ko. Matapos noon ay hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako na parang humihingi ng permiso.

Nahawakan niya na rin naman. Nag kibit-balikat ako.

"Oh my! Oh my! Ayokooo! Hindi ako bababa dyan! Baka dumausdos yung mukha ko!" Nagpapanic kong hiyawi. Gusto niyang mag skateboard ako dito sa U-shape na road or something! It's freaking me out!

Tinawanan niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Okay! Okay! Watch me, ayt?" Tumango na lang ako at kumapit sa helmet sa ulo ko. Parang papanawan ako ng ulirat sa kaba! Will he fall? Will he land safe? Will he die!? Oh, Gosh, Noooo!

Natatawa siyang nag slide pababa.

Parang gusto ko ding tumambling sa nakikita ko.

"Ahhh!" Sigaw ko nang maka punta siya sa kabilang linya.

Natatawa niyang hinawakan ang skateboard.

"Don't shout! Kinakabahan ako!" Sigaw niya mula sa kabilang panig. Tumango naman ako at pilit kinalma ang sarili. Naupo ako.

Matapos noon, puro sigaw nalang ako hanggang sa nasa tabi ko na siya at umiinom ng mountain dew.

Bigay daw sa kanya. Umupo din naman siya sa aking tabi.

"Ikaw?" Napa tingin ako sa kanya.

"Huh?" I asked.

"Wala ka bang tanong sa isip mo?" Ngumuso ako at nag isip.

"Hmm... Siguro... Ang tanong ko talaga simula pa noon... Ay kung bakit hindi pwedeng maging pantay ang bawat tao. Kasi pare-pareho lang naman tayo. Diba?" Tumango siya at umayos ng upo. Dumikit pa sakin kaya nanlalagkit din ako sa pawis niya.

"Pawis mo." Inusog ko siya. Tinawanan niya ko at inakbayan. "Uy! Ang lagkit!"

Tumawa lang siya kaya ipinahinga ko na lang ang ulo sa kanyang balikat.

It feels so good.

"Dana, kahit naman noon na pantay ang lahat ng tao, may iba na naghahangad manguna o umangat. Kaya wag mo ng isipin yan. Tignan mo si Eva, diba gusto niyang magkaroon ng kaalaman para makapantay niya ang Diyos? Ganun talaga simula pa lang." Tumango ako. Wow. Hindi ko akalaing ang deep niya pala mag isip.

"Kahit sinong lalaki pa ang magtangkang tumapat sa akin, aangatan at aangatan ko sila. Dahil seryoso ako, Dana. At sa akin ka lang dapat mahulog." Nagtaasan ang balahibo ko sa sinabi niya.

"Mababaw o malalim, wala akong pakialam. Basta mahulog ka lang." Napa angat ang ulo ko sa biglaan niyang pag seryoso.

"Makakaahon ka din sa Ryan na yan. At magiging akin ka. Akin lang."

At tingin ko...

Nahulog na ata ako.

Ng slight.

Now That I Have You (Nine Angels Series #1: Dana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon