Chapter 19

62 28 5
                                    

Chapter 19

Nawala

"Hoy, Gion! Ang kapal naman ng mukha mo, ano! Bahay ko to!" Inis na liningon ni Tiffany ang fiancé niyang tulala sa aming tatlo.

"I-Isa pa, nandito na siya." Napanganga ako sa sinabi ni Top.

Great. Just great.

"Huh? Anong-" Nilibot ni GD ang paningin sa kusina at huminto ito sa kinaroroonan ko. Nalaglag ang kanyang panga.

"Dana..." Nag kibit-balikat ako matapos niyang ngumanga.

"Tif, uwi muna ako." Agad siyang tumango.

"Oh sige, sige. Pahatid kita kay Manong Jules. Manong Jules!" Parang halos tatlong minuto na siyang tumitilaok at tatlong minuto na rin kaming nakatingin sa kanya ngunit walang dumating na Manong Jules.

"Ah! Uh, hehe." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Nakalimutan kong pinag-day off ko lahat maliban sa guard." Ano daw?

"Huh?" Ano na namang klaseng topak ang dumapo dito kay Tiffany?

"Eh kasi, nakakainis si Toffer! Pinahirapan ko. Ngayon, magluto ka nga at wag puro lamon diyan!" Baling niya sa mapapang-asawa. Liningon niya ako matapos sigawan ang fiancé niyang nakanguso. Nginitian ko siya.

"Pahinga ka muna, Mich. Sa kwarto?" Umiling ako kay Tiffany at sinulyapan ang nakatulalang si Gion.

"Sala muna ko." Huh. Bakit nga ba ako aalis, eh bahay to ng bestfriend ko. Siya dapat ang umalis, ah!

Muli ay naupo ako at nagtingin sa mga magazines.

"Tamang tama! Find a dress to wear, Dana! Libre ni Gion!" Ngisi ni Tiffany. Nakakalimot yata ang isang to. Tinaasan ko siya ng kilay.

"What?" Labi niya. Umirap ako. Sabi na eh!

"Wag mo akong tatalbugan, ha! Iiyak talaga ako!" Tumango na lang ako. Wala naman kasi akong interes sa mga fashion fashion nay an. Basta ay disente akong tignan at kumportable ako sa damit na isinusuot ay ayos na ako.

Lumipas ang isang oras at bored na bored na talaga ako. Saktong pagtayo ko ay ang paglabas ni Gion kung saan. Napataas ang kilay ko nang matigil siya sa pag-aayos ng buhok. Napalunok ito. Nag-iwas naman ako ng tingin.

"Uuwi ka na?" Tanong ni Tiffany. Binalingan ko siya.

"Yep." Tinignan ako ni Tiffany na hindi parin tapos sa pamimili. Ako ay kanina pa, ipadadala niya daw mamayang gabi.

"Oh? Sige. Ingat ka, ah? Trent, magpatawag ka ng taxi!" Nilingon ko si Trent na pawis na pawis, galing kusina.

"Huh? Luto na!" Napangisi ako. Under pala ang isang ito.

"Hatid kita?" Nawala ang ngiti ko at tinaasan ng kilay si Gion.

Hmmm... Whatever.

Tumayo ako at kumaway kay Tiffany. This is going to be one hell of a ride.

"S-saan?" Tumikhim ako at nilingon siya. Hindi niya pa binubuksan ang kotse.

"Bahay namin." Tumango siya at binuksan na ito. Agad akong pumasok. Nang makapasok siya ay dahan-dahan niya pa akong nilingon. Agad ko siyang tinignan ngunit agad ding nag-iwas.

Tahimik ang byahe. Nang makarating ay hindi ko alam kung bakit ako naiirita. Siguro dahil kasama ko siya. Agad na akong lumabas at kinuha ang maleta kong linagay niya sa likod.

"A-ako n-" pinutol ko siya at mariing tinitigan.

"Ako na." Malamig kong turan at binaba ang bagahe. Sumunod siya.

"Ak-" Muli ay pinutol ko siya.

"Hawak ko na." Napailing ako at pumasok na sa gate.

Kinabukasan ay natulog lang ako. Gumising ako nang ala-una at nag-ayos. Andito na daw ang black knee lenght dress. Alasais ang party. Agad akong naligo at nag-ayos. I did my make up. Pinares ko ito sa aking isusuot. Medyo dark. Naglipstick akong nude at tinaas ko ang buhok.

"Wendell, aa-" Nahinto ako sa hagdan at nangunot ang noo. Itinuloy ko ang paglalakad upang masiguro ang hinala ko. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata.

There! Kausap ni Wendell si Gion!

"Gion!" Inis kong tawag." Anong ginagawa mo dito?!"

"Ihaha-"

"I have a car!" Ngumiwi ang tumayo naring si Wendell.

"Ate, just be nice. Kakauwi mo lang kaya mas magandang hindi ka na muna mag-drive." Hinarap niya si Gion habang nalaglag na lang ang panga ko. "Ikaw na ang bahala, Kuya." Tumango naman ang balasubas. Umirap ako.

"Oh siya, halika na!" Agad akong lumabas. Maya-maya ay nasa likod ko na siya. "Bagal bagal..." Bulung-bulong ko. Shit naman kasi! Matatrap nanaman ako sa kotse niyang punung-puno ng memories?! Ugggh!

"Wala ka bang ibang kotse?" Busangot ako. Hindi ko siya nilingon at dire-diretsong naglakad.

"Meron naman... Ayaw mo ba niyan?" Tss. As if papalitan mo pagsinabi kong ayaw ko?

"Buksan mo na!" Agad niya naman akong sinunod. Nang nasa loob ay sinulyapan niya pa ako.

"Ano?!" Umiling lang siya. "Tss..." Sa bintana na ako tumingin dahil nangingiti na ako. Halata naman kasing kabadong-kabado siya. Napapatalon pa tuwing nagsasalita ako!

Tahimik lang kami hanggang makarating sa party. Nanatili akong nakaupo hanggang sa makarating si Tiffany sa aming pwesto. Agad din itong nagpaalam dahil ipakikilala na daw sila.

"You are here to witness the engagement of Miss Tiffany Diosana Ybarres Young to Mister Toffer Daniel Kustudio Villalobos!" Umakyat sila at doon lang ako tumayo para pumalakpak.

Nakita ko pa si Jessica na tinignan lang ako. Hindi siya ngumiti at ganoon din ako. She seems fine though. Ang huling balita ko sa kanya ay siya ang umaasikaso sa kumpanya ni Dad since Wendell's just graduating. Hindi ko na inalam kung paano sila nagkasundo ni Mommy.

I don't really care so...

Katabi ko si Gion ngunit maya't-maya may lumalapit. Napapairap na lang ako sa mga babaeng nagpapapicture. Oo nga pala! PBA star siya.

"Gion, madalas ka sa BGC, ah? I never get the chance to talk to you... Let's dance? Please?" Iritado kong nilingon ang babaeng sinulyapan lang ako. Tumawa lang si Gion at naglahad ng kamay.

Shit! Yun yon eh! Dati, kahit sinong kumausap sa kanya, basta kasama ko siya, hindi niyo ito papansinin! Ngayon? Siya pa ang naglahad ng kamay! Pinanuod ko ang pang-17 na babaeng sinayaw niya ngayon gabi. It's 9:34 at hindi pa rin siya napapagod kasasayaw.

Nang maramdaman ko ang luhang nagbabadyang tumulo ay agad na akong tumayo.

Tuluyan na ba siyang nawala sa akin?

Now That I Have You (Nine Angels Series #1: Dana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon