Chapter 13

66 29 7
                                    

Chapter 13

Deal

Ayokong pumasok. First time sa tanang buhay ko itong naramdaman.

Dahil kay Jessica. May pakiramdam akong hindi niya ako titigilan hanggat nasa paningin niya ako. Pero malaki ang tiwala kong hindi ako iiwan ni GD. May tiwala ako sa kanya. Kaya naman tumayo na ako at naghanda.

"Ate," Nilingon ko si Wendell na nasa labas ng kwarto ko.

"Oh?" Tanong ko.

"Sorry." Bahagya akong natawa at hinampas siya. "Hayaan mo na. Alam ko namang baliw na baliw ka sa babaeng yun." Napangiti siya.

"Salamat, Ate. Medyo gulat din kasi ako sa nangyari." Tumango ako at nginitian siya.

"I understand." Sabay na kaming bumaba para sa breakfast.

"Ate," Tawag niyang muli.

"Hmm?" Tanong ko habang ine-enjoy ang bacon.

"Si... Ate Jessica daw..." Natigilan ako. Tumango ako.

"May ginawa ba siya sayo?" Umiling ako sa kanyang tanong.

"Wala namang pisikal. Isa pa, kasama ko si GD." Tumango siya.

"Okay talaga siya, no?" Naguguluhan ko siyang tinignan.

"Sino?" Nginitian niya ako.

"Si GD." Ngumiwi ako. Ang weird nitong si Wendell!

"Bakit naman?"

"Ate, sana kayo na talaga. Alam kong mahal ka niya. At alam kong ganoon ka din. Pero Ate, priorities ha. Masasapak ko yun pag... Alam mo na." Sinimangutan ko nga. Tinawanan niya ako.

"Naniniguro lang."

"Che!"

"But on the serious note, Ate." Itinaas ko ang ulo para matignan siya.

"We have to understand Ate Jessica." Tumango na lang ako.

Sumabay naman ako kay Wendell patungong School. Lumiko na ako sa building ko since freshie pa naman siya at iba ang building.

"Babe!" Huh? Naguguluhan pa ako nang may tumawag sakin at kaboses ni GD. Luminga-linga ako at nakita ko naman siya sa gilid, nakasandal sa room. Naguguluhan ko siyang nilapitan.

"Bakit nakangisi ka lang dyan? Hindi mo ako linapitan?" Nagtataka kong tanong. Eh eto pa! Sobrang parang linta kaya to. Ngumisi siyang muli.

"May sakit ka ba?" Hinipo ko ang leeg niya dahil parang matamlay siya. "Wala naman ah?" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong yakapin at halikan.

"Uy, Gion! Ano ba!" Tinulak ko nga. Tawa naman siya ng tawa.

"Magtigil ka, ha." Ngumisi siya at hinawakan ang kamay ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nag-uusap tungkol sa dinner ng bawat isa kagabi.

"Well, that's delicious. Let's try it later. Pasta here I cooomeee," Nakangisi siya ngunit hindi na ako makangiti. Natigil na rin ako sa paglalakad.

Napagtanto niya ang seryoso kong aura kaya napalingon din siya sa harapan namin.

"Well, still here, eh? I'll talk to Dad later." Binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

"Oh, by the way, this is Eury and Eula. My friends." She emphasized the word "my"

"Baka kasi agawin mo rin." Nagkibit-balikat siya at inirapan ako.

"Hmm, girls, siya yung step-sister ko na may mang-aagaw na Mom, kaya ayan siya, mang-aagaw ng friends. Look, pati ex ko hindi niya pinalampas." Tinignan ako nung Eury mula ulo hanggang paa habang yung Eula ay tahimik lang na naka-tingin sa akin.

"Jessica, mag-usap na lang tayo mamaya. Pumunta ka sa baha-"

"Like eew? Ayoko. Sa restaurant tayo mag-uusap. I'll call Dad. And you will leave Philippines as soon as possible." Kinalma ko ang sarili at pinanatili ang seryosong itsura.

"Okay. Papasok na ko-" Nagulat ako nang pigilin niya ako sa paglalakad. Hinawakan niya ang siko ko.

"No. You will not go to your class. Magpaalam ka na sa teachers mo." Itinulak ko siya.

Gulat syang napa-atras at naalalayan ng dalawang kasama.

"Manahimik ka." Malamig kong saad. Tinignan ko si GD na nagulat din.

"Gion," tumango naman siya agad at sumunod.

Ayokong umalis.

Pero sasama naman siguro siya sa akin, diba?

Now That I Have You (Nine Angels Series #1: Dana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon