Chapter 12

76 29 10
                                    

Chapter 12

Talk

Tahimik kaming naglakad papasok sa subdivision namin.

Ewan ko dito kay GD. Feel niyang maglakad kaya mula school hanggang dito, tahimik kaming magkaholding hands. Nakasandal ako sa balikat niya.

"Let's talk first." Natigil ako sa pag-eenjoy nang magsalita siya.

"Huh?" Medyo wala pa ako sa ulirat nang umahon mula sa pagkakasandal sa kanya. Agad din namang nag-sink in sa akin ang sinabi niya. Napansin niya iyon kaya nginitian niya ako.

Marahan niya akong hinila patungo sa playground. Naupo kami sa swing ng magkawak pa rin ang mga kamay.

"Nang mameet ko ang parents mo, alam ko na agad na magkapatid kayo. Dahil sa Papa mo." Napakunot ang noo ko. Doon niya lang nalaman?

"Ex ko si Jessica. Last year lang." Natahimik ako.

Last year lang.

"Believe me, ikaw ang mahal ko. Yung naramdaman ko sa kanya, infatuation lang. Unang kita ko pa lang sayo, alam kong magiging malaki ang parte mo sa buhay ko. Unang kita ko pa lang sayo, alam kong ayaw kong maging kaibigan ka. Gusto ko higit pa. Alam ko na magugustuhan kita. Naramdaman ko. Parang may humahatak sakin papalapit sayo." Natahimik ako at napatingin sa mga damo.

Unti-unti akong kumalas sa hawak niya.

"Dana?" Nahimigan ko ang pagkataranta niya. Napanguso ako. Nanghihina lang naman ako kaya ako bumitaw. Ex niya si Jessica, infatuation lang yon pero nameet niya na ang Dad ko noon?

Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang mga kamay ko. And then I met those hopeful eyes.

Napangiti ako.

I know now. He's GD. May respeto siya sa mga babae kaya ngayon alam ko na. Malamang ay pormal niya ring hiningi ang kamay ni Jessica kay Dad. Knowing his family's history, kaya siguro ganoon siya and I love him more for that. Hindi talaga ako nagkamali sa kanya.

"Anong dahilan?" Kumunot ang noo niya. "Bakit kayo naghiwalay?" Tanong ko pa. Huminga siya ng malalim at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"She cheated." Bahagya akong nagulat. "And said she wanted me gone." Napaisip ako doon.

Ganoon ba talaga si Jessica? Kung ayaw niya sayo gusto niyang malayo ka sa kanya? Somehow, hindi ko na talaga maintindihan ang kapatid ko. Kung noong mga bata kami ay nauunawaan ko pa siya... Ngayon ay nalalabuan na ako.

"Ah. Kaya nandito ka?" Huminga siya ng malalim at muling diniinan ang hawak sa kamay ko.

"Yes, I moved in here because of her but I'm staying because of you." Tinitigan ko siya ng mabuti.

"Mula nang ligawan kita kinumbinsi ko na si Mom na dito na tumira. Because I don't want to be away from you." Mapait akong napangiti.

"So if I moved out... Will you come with me?" Natigilan siya doon.

"Aalis ka ba?" Huminga ako ng malalim habang malungkot na nakangiti.

"Kailangan eh. Deal yun." Kumunot ang noo niya doon. "Mula mag-10 kami ni Jessica, pinaglayo na kami dahil nag-simulang mainis sa akin si Jessica. Simpleng alitan... hanggang sa lumaki." Bumagsak ang tingin ko sa baba habang inaalala ang nakaraan.

I love Jessica. She's my sister. At naaawa ako sa kanya dahil alam kong naliligaw lamang siya ng landas. She's lost. Maybe more lost that I could ever be before I met Gion. I wanted to help her. But she just wouldn't. At I don't think makakasundo ko pa siya gayong nais niyang kunin sa akin ang lalaking mahal ko.

"Siya ang masusunod sa lugar. Kaya sa states ako lumaki, dahil iyon ang gusto niya. Ngayon naman... Wala akong choice eh." Nakita ko ang lalong pagkunot ng kanyang noo.

"I don't understand." Napangiti akong muli.

"Ang Mama ni Jessica, si Tita, ang totoong mahal ni Daddy. Kapatid siya ni Mama. They're step-sisters. Pero naka-takdang ikasal si Daddy kay Mommy. Hindi ko alam ang buong kwento but all I knew is that our Father is inlove with my Aunt." I smiled bitterly.

Matagal ko nang natanggap ang nakaraan ng pamilya ko. My Father always tells me their story. On his point of view. He loves Auntie Rizelle so much. So much that he always feel the pain everytime he wakes up. But he also told me that what keeps him going is because of us. Me and Wendell. Now that I grew older, ang sinasabi na lang sa akin ni Daddy ay kahit papaano, minahal niya na din si Mommy. Hindi man pumantay sa nararamdaman niya kay Auntie ay mahal niya naman si Mom. And he's sorry. Dahil siya daw ang dahilan kung bakit ganoon si Mommy. Cold and distant. A perfectionist. Dahil hindi niya nakamit ang pag-ibig na sana ay perpekto para sa kanya.

"Kung naayos lang sana ang lahat." Tinignan ko ang lalaki sa harapan ko na nakikisimpatya sa akin.

"My family... Is a mess. Hanggang ngayon, hindi pa rin okay sila Mom and Dad. At si Tita? Hindi rin sila okay ni Mommy. Everything is a complete disaster." I wiped the tears that fell.

"Jessica wants to ruin me. Dahil sinira daw ni Mommy ang buhay nila. I-I don't know what to do. I just want everything to be fine." Napailing ako sa sakit na nadarama.

Unti-unting tumayo si GD. Maya-maya ay nag-swing ang inuupuan ko.

"I've been roaming around always looking down at all I see." Natahimik ako nang mag-simula siyang kumanta.

"Painted faces fill the places I can't reach.

You know that I could use somebody."

"Someone like you,

And all you know,

And how you speak.

Countless lovers

Undercover of the street.

You know that I could use somebody.

Someone like you." Nang matapos niya ang kanta ay huminahon na ako.

Naglakad na kami papunta sa bahay.

"Hmm, ayos ka na?" Tanong niya nang nasa tapat na kami ng gate.

Tumango ako at yinakap siya. Yinakap niya din ako.

"Thank you. Sa lahat." Mahina siyang tumawa.

"Mahal kita." Napangiti ako sa sagot niya. Hinarap ko siya at kinulong ang kanyang mukha sa gitna ng aking mga palad.

"I love you din po." Napangiti siya ng malawak doon. Pinatakan ko siya ng mababaw na halik sa labi.

"Pasok na." Bulong niya. Natawa naman ako at lumayo.

"Mag-ingat ka ha." Tumango siya. Pumasok na ako at sinara ang gate. Kumaway ako nang paakyat na.

"Goodnight." Marahan kong saad. Tumango siya.

"Goodnight." Napangiti naman ako sa kanyang sagot.

Now That I Have You (Nine Angels Series #1: Dana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon