Chapter 17

70 26 5
                                    

Chapter 17

Call

"Danaaa!!!" Lukot mukha kong linayo ang cellphone sa tenga at linoud speaker na lang ito.

"Oo, Tiffany. Nandito ako." Makatotohanan at sarkastiko kong sinabi.

"Ehh, haha. Sorry, kasi baka hindi ka umuwi. Ipapatigil ko talaga ang party pag hindi ka nakauwi!" Huminga ako ng malalim at napairap.

"Oo na. Ano ba kasing party yan? 24th birthday party mo?" Panunuya ko at natatawang umiling.

"Hindi, gaga! Basta!" Sa bawat pagdaan ng taon, nag-iiba din si Tiffany. I think, kung sino mang boyfriend niya ay good influence. Pero ang pagiging isip bata ay nandyan parin. Hindi nga lang tulad noon na naglulupasay siya sa sahig.

"Oh sige." Inayos ko ang mga dadalhing gamit. Tapos na ako.

"Si Ivy nandito na, kasama jowa niya! You better be here! I hate you na pag di ka umuwi!" Ang kulit talaga.

"Oo na nga." Tinignan ko ang envelope na binigay sa akin kahapon ni Dean bago niya ako iwan pagkatapos ihatid. It's a letter alongside is our picture together kung saan nakangisi siya at ako ay nagmamasid sa kung saan.

"Maganda ang weather, walang problema. Kaya wala kang dahilan para hindi makauwi!" Daldal niya pa.

"I promise. Walang kung ano man ang makakapagpigil sa akin sa pag-uwi. Please tumigil ka na, okay? Pangako." Humagikgik siya.

"Okay!!!"

"By the way!" Pahabol niya nang puputulin ko na ang linya.

"I invited, Jessica too." Natigilan ako. "She's in Europa, but she promised she will be present. Kaibigan ko pa rin naman siya, Mich. So I hope its fine with you. Sobrang importante sakin ang araw na yon. Mich." Tumango ako.

"Yeah, yeah. Sure." Pinilit kong paghilumin ang mga sugat. Nabuhay ako mag-isa. Hindi ako nagrerebelde. Gusto ko lang ipakitang kaya ko. Para sa susunod na kailangang mag-desisyon ni Dad, kaya ko nang lumaban. Na hindi ako basura na ipapatapon sa ibang lugar dahil lang may taong nasasangsangan sa akin. Na tao din ako. At may pakiramdam. May puso na tinatapak-tapakan at dinudurog ng pinung-pino. Sa huli ay nagsisi ako.

My father died.

Dahil pinutol ko ang koneksyon ko sa kanila sa loob ng isang taon ay hindi ko agad nalaman. Hindi ko siya napuntahan. New year, babati sana ako nang isang tawag mula kay Wendell ang natanggap ko.

"Ate," Nahimigan ko ang kaba, takot, pag-aalinlangan, galit ngunit higit sa lahat... pangungulila. Biniyak na naman ba nang babaeng yon ang puso ng kapatid ko?

Iyon ang akala ko.

"D-Dad's gone." Nanatiling seryoso ang mukha ko. Huminga ako ng malalim.

"Wow. Happy new year din." Agad kong binaba ang tawag. Dahil alam ko, hindi marunong mag-biro ang kapatid ko. Ni tumawa ay pahirapan pa.

Bagong taon, bagong sakit. Ibang klase. Umuwi ako matapos mahimasmasan. Hindi ko alam kung ilang araw ang lumipas basta nang kaya ko na ay umuwi ako.

Cancer.

Ilang tao ba ang namamatay ng dahil sa cancer? Hindi ko alam. Pero bakit nasama doon ang Daddy ko?

Tumayo ako sa pintuan at tinatanaw ang ataul. Is my Dad in there? Sure.

Iniwas ko ang tingin at sa paglibot ng aking mga mata ay pamilyar na nagliliwanag ang nakita ko. It's looking intently on me too. Ewan ko. Pero hinintay ko ang paglapit niya. Kahit ngayon lang. Please.

And then he walked towards me. He run. And I cannot take it. I hurriedly welcomed his embrace. I hugged him with all my might and cried my heart out on his arms.

"Hush." Wala siyang ibang sinabi.

Alam niyang walang kwenta ang mga "comforting lines" na kung sakali ay iuusal niya. Dahil paano nila nasasabi iyon? Sinabi ba sa kanila ng Daddy ko? Ng Panginoon? Iyon ang mahirap sa tao. Magaling mag-marunong gayong wala naman silang alam. Pinaupo niya ako at isinandal sa balikat niya.

"Nandito lang ako." Nakatulog ako matapos noon.

Nandyan siya ngunit nang ilibing si Daddy ay kinausap ko siya. Sa kanya ako sumabay at nasa tapat na kami ng bahay pero hindi pa rin ako bumababa. "Bakit nawala ka?" Alam niya na agad ang nais kong iparating. Huminga siya ng malalim at tulad ko, nanatili siyang nakatingin sa harapan.

"May sakit kasi si Dad. Okay na siya ngayon." Tumango ako. Oo. Naintindihan ko agad.

"Kung ganoon..." Hinarap ko siya. "Pwede ka na bang sumama sa akin sa States?" Hirap niya akong nilingon. Hinawakan niya ang kamay ko at agad ko itong kinalas.

Iniwas ko ang tingin at umayos ng upo.

"Bakit ang sakit pag ikaw na?" Nasabi ko. "Ang sakit pag-ikaw na ang tumatalikod-"

"Hindi kita tinatal-"

"Oo!" Putol ko pabalik. "Anong dahilan? Gion, kailangan kita doon! Mababaliw na ako! Isang taon! I hardly survived!" Halos magmakaawa ako. Natahimik siya.

"Mahirap kapag ang taong dahilan kung bakit ka nagpapatuloy ang dahilan ng pagbagsak mo!" Tumulo ang panira kong luha.

"Mahirap na kumapit sa taong bumibitaw sayo-"

"Hindi kita bin-"

"Pwes ngayon bitawan mo na ako!" Gulat niya akong tinignan. Maging ako ay nagulat ngunit paninindigan ko ito. Kailangan. Para maiwasang lumagapak ng husto. Mainam na ang isahan kaysa paulit-ulit.

"Pakawalan mo na ako ng tuluyan kung hindi mo ako kayang damayan." Umiling ako. "Itigil na natin to." Namuo ang luha sa gilid ng mga mata niya.

"Dana, pleas-"

"Naglolokohan tayo eh. Mahal mo ko pero hindi pwede? Hindi mo kaya? Bakit? Gion, bakit!?" Umiling siya. "Sagot!"

"Naimbitahan ako sa PBA." Nangunot ang noo ko. "Once in a lifetime oppurtunity ito, Dana. Pupuntahan naman kita eh. Nandito pa rin ako-"

"Nandito ka! Sa Pilipinas! Habang ako, nasa ibang bansa at nababaliw! Ako pa ba ang mag-aadjust sayo!? Umiling siya.

"Nakapirma na ako-"

"Bullshit!" Sigaw ko sa inis. "Eh wala ka pa lang kwenta eh!" Bababa na sana ako nang hawakan niya ang siko ko.

"Dana-"

"Gion, pwede ba! I lost my Dad! Si Wendell, ayaw akong samahan and my Mom-" Natigilan ako nang gumuhit ang mukha ni Mommy sa isip ko. "She is so lost." Mahina kong saad.

Magiging ganoon din ba ako kapag nawala sa akin si GD? Makakaya ko bang palayain siya? Parang gusto kong umurong. Ngunit hindi niya pinapadama na mahal niya ko. Pinipili niya ang pangarap niya.

"Dana, please."

And I know how selfish I am right know ngunit kailangan ko siya. I just need him so bad!

"Alam mong matagal ko ng pinapangarap to." I know. I know, alright? Pero ang akala ko, pipiliin niya ako sa kahit na ano. Sa kahit na sino. Mababaw lang pala ang pag-ibig niya. Kaya niya akong ipagpaliban.

Sa loob ng isang taon na halos magtago ako sa ataul at paglamayan, nandito siya at nagta-try out?

Hindi ko kaya. Hindi ko kailangan ng pag-ibig niyang parang posporo na mabilis nasusunog at namamatay. Na pagsinindihang muli ay mabilisan pa ring mamamatay. Masusunog at mawawala. Alam ko ang halaga ko.

"Tama na." Iyon ang sinabi ko at tuluyan nang lumabas.

Handa na ba akong umuwi?

Now That I Have You (Nine Angels Series #1: Dana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon