Chapter 20

102 27 6
                                    

This is the final chapter of Now That I Have You. Thank you so much for reading and for letting me feel so great by supporting my story and I hope we'll meet again at one of my future stories! Standing Over The Edge, Jessica's story is up now! :)

After this is the conclusion!

---

Chapter 20

Plead

Nakakainis! Hindi niya man lang ako nilingon buong oras na sumasayaw siya!

Para na akong hinihika sa kahahagulgol. Agad kong natanaw ang fountain. Ngayon ko lang napansing pareho ito sa fountain nila Gion. Bakit kaya? Napangiwi ako sa naisip.

Really, Dana? You have time for that?

Napaupo ako at napahawak na lang sa dibdib kong naninikip. Bakit ganon? Noon, hindi niya ko magawang iwan! Bakit ngayon? Bakit?!

I cried harder. I cried for the good memories that I missed. I cried for everything that will never going to happen again. I cried for his love that will never meet mine, ever again!

"Dana?" Taranta kong pinunasan ang mga luha. Nakaupo ako ngunit nakatagilid ang ulo ko. Hindi ko siya nilingon.

"Ano?" Pilit kong pinatigas ang boses ko ngunit tunog umiiyak ito. Tinakpan ko ang labi nang mapahikbi akong muli.

"Umiiyak ka?" Agh! Lumapit siya. Ngayon ay kita na niya ako sa malapitan. Hindi ako tumingin.

"Dana..." Halos mapatalon ako sa init ng palad niyang dumampi sa braso ko. "Look at me please?" Hindi ko ginawa. Siya na ang nagharap ng aking mukha sa kanya gamit ang marahan niyang palad. Kuryoso ko siyang tinignan.

Bakit niya ginagawa ito? Bakit niya ginagawa sa akin ito?

Nakita ko sa mga mata niya ang sinseridad. Huh! Oo. Hanggang ganoon nalang diba? Dahil naging parte rin naman ako ng buhay niya? Awa na lang! Oh gosh! Awa na lang!

"Naaawa ka ba sakin?" Mula sa pagche-check sa aking mukha ay natigil siya at napatitig sa mga mata ko. "Nakakaawa ako?" Ulit ko. Napakagat labi siya.Linayo ko ang mukha mula sa kanyang pagkaka-angat saka pilit na tumawa.

"Nakakatawa ako kasi mahal pa rin kita? Damn! Oo, mahal pa rin kita!" Tinagilid ko pa ang ulo at tumingin sa tubig. Muli ay tumulo ang luha ko.

Wala na. Alam na niya!

Wasak na wasak na ako sa harapan niya! Sirang-sira na ko! Hindi pa umabot ng isang linggo, nagawa ko ng umamin! Gosh Pati pride, wala na sa akin!

Tinignan ko siya na nakatingin pa rin sa akin. May multo ng ngisi sa labi niya na ginawa niya agad na ngiti. Nginingiti-ngiti nito? Nakakatawa ako, ganon?

"Wag mo akong tawanan!" Mas lalo siyang ngumuso.

"Hindi naman, ah?" Inirapan ko siya.

"Tss." Sagot ko na lang. Umupo siya sa tabi ko. Tuluyan naman akong na-awkward nang matahimik kami. Sobrang tahimik. Nakatingin lang ako sa tubig na kumikinang.

"C-crystals ba to?" I asked. Parang tanga, Dana!

"Oo. Gusto daw niyan ni Tiffany." Bahagya akong napangiti.

"Ang sweet nila, no?" Tinignan ko siya. Nakatitig lang din siya kaya tumikhim ako. "Pasok na ako." Tumayo ako ngunit hinila niya ang kamay ko. Napatitig ako sa kamay niyang nakahawak sa akin.

"Mag-usap muna tayo." Tinitigan ko siya. Seryoso lang ang mga tingin niya kaya tumikhim ako at naupo sa tabi niya. "Kaya kong mag-explain." Nangunot ang noo ko at nilingon siya.

Now That I Have You (Nine Angels Series #1: Dana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon