Chapter 11

73 26 7
                                    

Chapter 11

Closure

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Ang kinakatakutan ko nangyari na! Hindi kami nag-aaway kaya ngayon? Sobrang sakit naman nito!

Patuloy ang buhos ng luha ko habang inaalala ang nangyari.

May past sila ni Jessica at mukhang hindi pa ayos yon. Alam niya bang half-sisters kami? Linoko niya ba ko? Si Jessica pa rin ba? Ginamit niya ba ako? Ewan ko. Hindi ko alam! Dahil nasaan siya? Wala!

Sumandal ako sa inuupuan ko at pinanuod ang mga nagbi-bike dito sa park.

"Sabi na nga ba, ikaw eh." Malungkot akong napangiti. Sa dinami-rami nang tao.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa aking tabi. I looked at him.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nagkibit-balikat siya.

"Nagpapahangin?" Sagot niya. Napailing ako.

"Wala bang mananabunot sakin dito?" Natawa siya doon.

"Wala naman." Napangiti na din ako.

"Sana tayo pa rin." Nasabi ko na lang. "Kasi hindi ko kaya yung ganitong sakit." Tinignan ko siya na nakatingin sa harapan. "Hindi ko kayang tanggapin na yung mahal ko, ginamit lang ako." Napailing ako.

"Atleased ikaw diba, nambabae ka lang. Pero ako pa rin. Eh siya? Ako ba talaga yung gusto niya?" He heaved a breath and pat my head. Muling tumulo ang mga luha ko.

"Sobrang mahal ko si GD. Hindi ko alam kung tama pa ba ito pero pakiramdam ko, mauubos ako kapag nawala siya. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin." Napahagulgol ako at sinandal niya ako sa kanyang balikat.

"Hush. Tahan na. Makakaya mo yan, Dana. Ikaw pa. Matatag ka kaya." Hindi ko alam kung bakit hindi ako pinalakas ng sinabi niya. Kung si GD siguro ang nagsabi sakin niyan, tumahan na ako.

Kaso oo nga pala, siya pala ang dahilan ng mga luha ko.

"Nag-usap na ba kayo?" Tanong niya. Binigyan niya ako ng ice cream. Umiling ako.

"Pag-usapan niyo. Nanggaling ka na sa relasyon dati. Yung satin. Kulang tayo sa pang-unawa. Hindi natin sinasabi sa isa't-isa yung problema. Gusto mo bang matulad yang ngayon sa dati?" Napaisip ako doon.

Hindi. Hindi ko kaya. Hindi maaari.

"Salamat, ha?" Nginitian ko siya. Hinaplos niya ang gilid ng mga mata ko. Natigilan ako doon. Dahil nakita ko sa mga mata niya... Na ako pa rin.

At nalulungkot ako para sa kanya dahil hindi ko na masusuklian pa ang pagtingin niya. Si GD na ang mahal ko. At siya lang ang gugustuhin ko. Kung hindi siya ay wag na lang. Di bale na lang.

"Kahit ano... Para sayo..." Nginitian ko na lang siya at nagpaalam na. Totoo nga ang sabi nila. Sa bawat trahedya, mayroon pa ring mabuting nangyayari. Sa paguusap namin ni Ryan. Nahanap ko ang kapayapaan.

Ang closure.

At alam kong natulungan ko din siya sa kanyang dinidibdib.

Naglakad ako patungong School. 15 minutes lang naman yun. Isa pa, kailangan ko din ang oras na yon para mahimasmasan ng lubos. Papasok na ako ng School ng makita ko si GD na palinga-linga. Natigil ang pag-galaw niya at sumeryoso ang nag-aalalang mukha nang magtama ang paningin namin.

Unti-unti akong lumapit sa kanya. Nagtitigan lang kami. Galit siya. Napanguso ako para mapigil ang pag-iyak saka yumakap sa gilid niya.

"Sorry na." Nakakainis. Nalaglag ang mga luha ko. "N-nainis lang ako. Naghalo-halo lang yung iniisip ko. Please, sorry na." Sinabi ko habang nakapikit at humahagulgol sa kanyang braso. Basa na ang manggas ng shirt niya. Nakakahiya naman ako.

Naramdaman ko ang pagyakap ng isa niyang kamay sa akin. Halos makiss ko na tuloy yung kili-kili niya! Pero okay lang. Mabango nga eh.

"Hush. It's alright." Ahh! Bakit ba ang understanding niya? Mas lalo akong naiyak. Pakiramdam ko, hindi ko deserve yung pagmamahal niya.

Napaka-selfish ko.

Kung anu-anong sinabi ko s akanya kanina. Pinag-isipan ko pa siya ng masama!

"Calm down. We'll talk later. Manuod muna tayo ng game ni Top." Naramdaman ko ang labi niya sa bunbunan ko. Tumango ako at tiningala siya.

Huminga siya ng malalim at pinunasan ang mga luha ko.

"Tahan na." At napapikit ako nang halikan niya ang noo ko. "Mahal kita. Ikaw lang, Dana." Napatango ako habang nakapikit at mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Isang minuto rin kaming nagyakapan bago ko naisipang kumalas. Napatingin ako sa mga taong nakatambay.

Konti lang naman. Ugh! Baka isipin nila, obsessed ako kay GD! Nakakahiya talaga!

"Tara," hinawakan ko ang kamay niya. Napangiti ako nang makita ang magkahawak naming kamay. Nginitian ko siya. Nginitian niya din ako.

Haay.

Wala na.

Siyang siya na talaga!

Now That I Have You (Nine Angels Series #1: Dana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon