Chapter 16

66 30 6
                                    

Chapter 16

Without Him

Sa simula lang ito masakit. Kalaunan ay masasanay rin ako.

Anim na taon na at sinasabi ko pa rin yan sa sarili ko.

Sino ba ang nagkamali?

Ako ba?

He did not contact me. He did not even reach out for me.

"Hey, Dana, you free tonight?" Ni wala akong naging kaibigan.

"No." Malamig kong sagot. Nagkibit-balikat ito at umirap saka umalis.

Huminga ako ng malalim. How is he?

"Dana Mitch! Lets go, party! Tonight at Laurel's, 7:30." Umiling ako. Balang araw, makakalimot din ako. Patience, Dana. Kapit lang.

Pero sino nga bang linoloko ko? Ilang taon na. Kahit isang hakbang, hindi ko pa nagawa. Paano ba mag-umpisa gayong nagaalinlangan ako? Dahil umaasa pa rin ako. Na balang araw, magkakaharap at magkakaayos din kami.

"Pst." Ano na bang nangyari sa kanya? Hindi naman nagsasabi si Tiffany.

Noong una kong dating dito, lagi siyang nag-uupdate pero binababaan ko siya o kaya pinipigilan hanggang sa tumigil na lang siya.

Sabi niya, wala daw alam si GD na umalis ako. Paano niya malalaman, eh hindi nga siya sumasagot sa mga tawag ko. Wala namang ibang sinabi si Tiffany kundi mukha daw hindi nakakatulog si GD. Hindi rin naman kasi sila close. Ang last na balita ko, bumagsak siya kaya hindi siya nakagraduate.

That was the same year I went away. Naging repeater siya ng third year sa college.

Ano kayang posibleng dahilan? Dahil ba sa akin? Pero bakit hindi niya ako pinuntahan? Umulit din ako dahil... bumagsak. Tatlong taon ako sa third year at dalawa sa fourth. I don't really care.

Ang umaga ko ay para sa pagtatrabaho sa isang restaurant. In my day offs, I would paint. I would release the pain through art. Puno ng paintings ang condominium unit na aking tinutuluyan. I plan on selling them. In time. Then at night, I sing at a local bar. I drink and when I get tired, I drive. Kung gusto ko namang lasingin ang sarili, sa condo ako umiinom. Or... I stay at someone's pad.

Wala akong ibang tinanggap mula sa mga magulang ko kung hindi ang kotse na regalo sa akin noong 18 ako. I love my car kaya hindi ko maiwan. The rest, sariling pera. Nagsikap ako. Gusto kong patunayan na kaya ko.

"Dana," Natigil ako sa paglalakad at napatingin sa kamay na nagpahinga sa siko ko.

"Let go." Hindi siya bumitaw. Pagod kong tinignan si Dean. "I'm tired, plea-"

"I know." Nangunot ang noo ko. "Lets go somewhere relaxing. Please, Dana. Kahit ngayon lang. It's been 5 years at hanggang ngayon, hindi mo parin ako pinapansin." Pagsusumamo niya.

Isang taon nang pagaaral dito ay nakilala ko siya. Transferee mula Manila.

"Ano bang ginagawa ko? Hindi ba pinapansin naman kita?" Huminga siya ng malalim.

He's tired. Pagod na rin siya kakasunod sa akin. He's my companion whenever I need one. Gusto ko mang sabihing hindi ko kailangan ng kahit sino, darating naman ang pagkakataon na mapupuno ako and I wanted someone to listen to me. Listen.

Dahil hindi iyon nagawa sakin ng pamilya ko.

He loves me. And he's tired but still, pursing me. Something that GD never did before I left the country.

Ngunit kailan nga ba natin napigilan ang pagmamahal? Hindi ito namimili. Kaya kahit ayaw mo, kahit hindi mo gusto... Wala kang magagawa kundi magmahal. At habang nagmamahal ay kailangan mong maging handa na masaktan.

Dahan-dahan niyang hinila ang siko ko. I let him. Ganoon naman ako sa kanya. Noong unang taon, hindi ko talaga siya pinapansin. I won't even look at him. Ngunit isang pangyayari ang nagpabago ng lahat. One day, I was so drunk while walking on the streets. Nakakita ako ng isang tao na kaparehong pumorma ni GD. I thought it was him so I shout at him. I shout and shout. Scream and scream. And then he stopped me. He was working at the bar where I just got out to. He's a singer in there. Doon din ako nagtatrabaho ngayon.

Dinala niya ako sa isang lugar kung saan kitang-kita ko ang buong syudad. Maraming nagnanais makatungtong sa USA. Maganda dito. Masarap ang simoy ng hangin. Ngunit hindi naman lugar ang nagpapagaan ng loob mo. Kundi tao. Taong nais mong makasama.

"Salamat." Sinabi ko matapos ang dalawang oras na pananahimik. Nag-aagaw na ang araw at buwan.

Napangisi siya. "Gulat nga ko't pumayag ka." Bahagya na lang akong napangiti. Hindi ko alam kung kailan ang huling beses na ngumiti ako. Basta ang alam ko, dahil yun sa kanya.

Dahil kay GD. At ang pagngiti ko ngayon ay hindi katulad ng noon.

Namimiss ko na siya.

Napapikit ako nang maramdaman ang pagbuo ng mga luha sa aking mata. Mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap sa tuhod at pagbaon ng mukha.

"Lalaki?" Napangisi ako at napailing sa term niya. Dumilat ako at sinalubong ng aking mga mata ang city lights. Pinapaalala nito ang mata ng lalaking sobrang mahal ko.

Shinning... Shimmering... Glimmering...

"Hindi lang basta lalaki." Nilingon ko si Dean.

"Ikaw? Bakit nandito tayo?" Ngumiti siya. Isang malungkot na ngiti. At parang ayaw ko nang marinig ang isasagot niya. Alam ko. Alam ko na.

"Malungkot ka kasi eh." Huminga ako ng malalim. Sobrang layo namin sa isa't-isa na kahit iangat ko pa ang kamay ko, hindi ko siya maaabot kaya hindi na ako nag-abala pa.

"Ibaling mo na yan sa iba. Balang araw, sasaya ka rin." Tumango siya kaya mas lalo akong napangiti.

"Maniniwala ako sayo, Dana. Alam mo namang lahat ng sinasabi mo pinaniniwalaan ko." I smirked.

"I'll see you soon." Saad niya. Pinunasan ang luhang kumawala. Luha para sa lalaking nasa harapan ko. Dahil hindi ko siya kayang mahalin katulad ng nais niya.

Luha para sa sarili ko, dahil nakikita ko sa kanya ang ginagawa ko. At luha para sa nakaraan. Para sa lalaking nais ko para sa kinabukasan. Luha para sa mga nawala. Luha para sa lahat ng sakit na matagal ng naninirahan sa puso ko. At sa buhay ko.

"Yeah. Soon" Dahil siya lang ang meron ako... noong kailangan ko ng makakapitan sa buhay ko.

Now That I Have You (Nine Angels Series #1: Dana)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon