PROLOGUE
“Alam niyo ba? Itong si Shaneen, gay.” Nabigla ako kay Janine.
“Di nga?” sagot ni Christine.
“Totoo yun! Noong papunta kaming second floor, nauna ako ng kaunti. Nakasuot ako ng leggings kaya na shape talaga yung ass ko. Alam ninyo anong sabi niya? ‘Ang sarap naman!’” Narinig ko ang tawa ng mga kasama ko.
“’Di naman siguro. Tingin ko babae siya. Babaeng-babae.” Napalingon ako kay Burt. Nakatingin ito kay Janine pero nahihimigan ko ang sincerity nito sa pagtatanggol sa akin. Bago pa natapos ang seminar na kung saan isa akong usherette. Naipakilala ni Janine, kasama ko na usher din, si Burt at Christine nang nagkabanggaan kami nila papauwi.
Nakakahiya kasi at first time pa, eh eto pa ang pinapalabas sa akin. Narinig kong tumawa si Janine. “Alam mo, yung mga kibo hindi na mahilig mag-mukhang lalake. Marami na ngayon na uso ang mga gay na grabe ang ganda at babaeng –babae.” Naloko na! Hindi ako ganoon!
“Hala, totoo ba yan?” Nilingon ako ni Burt. “Pare!” at inlahad ang nakakuyom na kamay. Lumaki ang mga mata ko. Nakikipag fist-bump ito.
“Hindi ako ganoon. Janine, ano ka ba? Iyang pinagsa-sabi mo. Naku.” Tumawa lang ang mokong. Tawa lang ng tawa. “Halika na nga!”
Iyon ang simpleng simula ng sitwasyon kong ang hirap lamunin.
BINABASA MO ANG
Ang Karibal kong TOMBOY!
HumorAko si Shaneen. Isang simpleng babae. Magaling sa sports, matalino at maganda naman (depende sa sinong mga mata ang nakatingin. Hihihi. ). Pero pinaghihinalaan na isang tomboy. Babae AKO, iyon ang totoo. Hanggang sa dumating sa buhay ko si Christine...