CHAPTER 11: END GIFT

22 0 0
                                    

sorry at natagalan akong nakapag-update. . eto na po. ngunit bago pa man gusto kong mag pasalamat kay rain_18 sa cover para sa iyo to my soon to be lawyer friend *wink* *wink*

_----------------------_

Nakatingin ako sa bintana ng cottage ko. Maganda ang tanawin dulot ng pagsikat ng araw at ang mahinang ambon ng ulan na nagdudulot ng lamig sa paligid. Ang dagat ay kalalimang bughaw ang kulay.

Hawak ko ang isang kahon. Medyo kalumaan na ito ngunit maganda pa rin tingnan. Naalala ko ito bago ang trip at kaya ko dala ito kasi gusto ko sanang bitiwan ito sa dagat at ang alaalang dala nito.

Nasa loob nito ang isang quantum necklace. Hindi ko masasabing binigay ito. Parang napwersa lamang kaya napasaakin. Napangiti ako at napailing.

Pang last ko na itong araw na isusuot ko ito. Pagkatapos ay bibitiwan ko na ito pati na rin ang nakaraan ko. Daling sabihin hirap gawin.

Tumayo ako at nilapitan ang nag-iisang malaking salamin sa loob ng cottage. Matagal na ring panahon na naka maong shorts ako at naka see-through na shirt at black na bra. Parang may kumirot sa puso ko ng matapos kong ilagay ang necklace sa aking leeg at tingnan ang kabuuan ko.

"Wow. Hi miss pwdeng magpakilala? A-ai, Shan ikaw pala. " Nauutal na sabi ni Baron.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Aaminin kong iba talaga ang dating ko ngayon. Parang bumalik ako nung college pa ako. Ang nagkaiba lang ay medyo payat na ako ngayon at meron na rin kaunting wrinkles.

Nagmamadaling lumapit sa akin si Christine. "Honey, bakit ganyan ang suot mo ngayon?"

"Ahh. Bakit? Ayaw mo ba sa suot ko? Surpresa ko to sa yo eh."

"Ay, siyempre gusto ko. Pero sana yung akoa lang ang nakakakita. Alam mo na baka agawin ka pa ng iba diyan."

"No problem. Alam mo naman na ikaw lamang ang espesyal na tao sa buhay ko."

"Ay, ikaw talaga. Kinikilig ako tuloy. Halika na nga kumain na tayo at ginugutom na ako."

Malapit na kaming matapos ng dumating si Duke na bagong ligo at basang-basa pa ang buhok. Di ko maiwasang humanga sa kagwapuhan nito. Iba talaga basta ito ang pinag-uusapan. Kahit siguro basura, gwapo pa rin tingnan ito.

"Couz, where have you been? Did you get knocked up?"

Tinapunan ni Duke si Earl ng tuwalyo nitong dala.

"Shut up, man. You're gonna get me into trouble with that mouth of yours."

"Pare walang ganyanan. Hirap mo namang kausapin ah."

"Sorry, medjo pagod lang. Nagdiving kasi ako kaninang umaga."

"Di ka man lang nag-invite." Tampo ni Marquess.

"I wanted to do it alone. This place kind of makes one to do so." Nilingon niya ako. Di ko mapigilan ang pagkagulat ko. Ngayon lang kasi niya ako pinansin na maraming tao. "Am I right, Shan?"

At nagsalita pa sa akin. "Basta naman resort na tago at walang gaanong tao di mapigilan ang ganyan."

"Hmmmm." Iyon lang ang sagot nito. Nagsimula na rin itong magkuha ng pagkain at nilagay sa plato at walang pahintulot na umupo katabi ko.

Tinitigan ko ito sa mata at sa aking pagkamangha nagWink ito sa akin. What the? Anong pumasok sa utak nito.

"Duke, pupunta kami sa tuktok ng bundok na iyon." Sabi ni Christine habang tinuturo ang bundok malapit sa amin. Parte iyon ng resort at plano kong gawing pang attract ng mga tourist. Kaya lang kailangan ko pa tingnan kung safe kasi sabi ng dating may-ari medyo mahirap akyatin iyon dahil sa kahoy at mga bangin.

Ang Karibal kong TOMBOY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon