“Halika na nga.” Naku naman. Nakakairita na itong babaeng ‘to. Ano ba ang nagawa ko at na ka-karma ata ako.
“Teka nga. Tigilan mo nga ako. Baka maputol pa itong kamay ko. Pambihira ka naman.”
“Honey naman.” Isa pa itong pag tawag tawag sa aking honey. Tuwing sinasabi nito iyon nagsi-sitayuan ang aking mga balahibo. Hirap pala talaga pag babae ang tumatawag sa iyo ng ganun.
“Huwag mo nga ako matawag-tawag na honey!”
“Aiish. Sige na nga. Init ng ulo mo ngayon ah.” Hinila niya ulit ako. Sumunod na lang ako. Ngumisi ito. “Oh, sige simulan na natin?”
Ayan! Kaya ayaw ko. Gusto pa kasi nitong ipagsigawan sa mundo na kami na kamo. Dalawang linggo na ‘kami’. Pero sa loob noon, walang ginawa ang babaeng ito kung hindi magplano. Una daw naming dapat gawin ay ipakita ng iba na palagi kaming magkasama. Kaya parang butiki na nakadikit ito sa akin. Kailangan daw para maniwala ang iba.
Papunta kami sa isang birthday party ng isang kaibigan namin. Ito na daw ang time na ‘lalabas’ na kami. Hay, naku naman ang hirap pala. Nakasakay na kami sa kotse nito. Hindi marunong itong mag drive at dahil alam kong matabil talaga itong isang ito, nag boluntaryo akong magdrive at iwan na lamang ang driver nila.
“Pagdating natin doon, dapat mawala na iyang kunot sa noo mo ha? Baka hindi maniwala.”
“Oo na.” Nag turn ako. Malapit na rin kami. Kasi naman dahil sa galit ang bilis kong pinapatakbo ang kotse.
“Ayan. Sayang naman kasi, ang seksing-seksi mo ngayon. Ganda kaya natin, bulabugin natin sila. Dapat huwag mo akong iwanan. Tabi lang kita. Pag may lalaking lalapit. Smile. Tapos mag acting kang possessive ka sa akin.”
Hindi ko nalang siya sinagot. Pinark ko na ang sasakyan sa labas ng mansyon ng kaibigan namin. May pagka sosyal kasi iyon. Anak mayaman. Ang party ay nasa lawn. Maraming tables. Semi formal kasi ang theme. Kaya eto ako smile ng smile (kahit ayaw) nakadress ng peach na cocktail dress while si Christine pink. Maganda ng hubog ang katawan ni Christine, pero hindi naman nagpapahuli iyong akin.
“Uy heto na pala ang ang mga barbie babes!” Si Burt and nagsalita. Kumakaway ang mokong tapos ang laki pa ng ngisi nito sa labi. Kasama nito ang mga barkada nitong si Ada, Luke at Jacob. Meron ding umaaligid na mga babae. Naman kasi, rich kids at puros gwapo. Kasali silang tatlo sa basketball team ng unibersidad namin puros din mga business administration students.
Barbie babes? Nang makalapit na kami, hinalikan ni Burt si Christine sa cheeks. Pinalakihan ko iyong mata ko. Kasi nga diba? Selosang girlfriend daw dapat ako. “Oh. Bakit nang-iirap ka jan. Gusto mo rin?” Pilyo pang sabi nito.
Aakmang hahalikan niya rin ako pero tinaas ko yung kamay ko para harangin ito. “Huwag na. Baka may rabis. Christine pahiran mo yang pisngi mo. “ Inabutan ko ito ng panyo. Humalakhak ang nasa grupo.
“Ikaw talaga. Palaging nagbibiro.” Nagbibiro? “Oo nga. Upo na tayo may table na kami. Sama na lang kayo sa amin.”
Nakaupo na rin kami. Di nagtagal nagsimula rin ang program at nang natapos ay nakakain rin. Si Elise ang birthday girl at naglilibot-libot para kausapin ang mga bisita. Nang makalapit sa amin, nawala ang ngisi nito. Nandoon kay Burt nakatutok ang mata. Naggreet kami dito. “Dahan-dahan Burt baka tumaba kang ng sobra. Mahirap na.”
“Ay, alaga talaga ako ng babe ko. “
“Anong babe iyang pinagsasabi mo? “
“Ay mainit si madam. Hoohh. Cool lang. Birthday mo pa man din.”
“Ewan ko sa iyo.” At tuluyan na ding hindi pinansin ni Elise si Burt. Nilibot ang mga mata at nang makita kami ang ngumisi ito. “Uy, nandito na pala kayo! Oh em gee! Buti ako yung una ninyong sinabihan!”
Nilingon ko itong nakakunot-noo. Ano daw? Nilingon ko si Christine. Ayun, sabi na nga ba. “Sana maintindihan mo.” Sabi nito kay Elise.
“Ay, oo naman. Etong si Shaneen matagal na akong nagdududa. Pero hindi ko inaasahan na ikaw din pala. Ang ganda mo!” Excuse me? “At ex-boyfriend mo pa si papa Duke! Ngayon kayo na pala.”
Napa-ubo ang mga kasama namin sa table. Lahat sila napatingin sa amin. Nilingon ko din ng mga ito. Si Christine naman apologetic ang mukhang tiningnan ang lahat. “Sorry, hindi namin nasabi agad ni Shaneen. Kasi naman yung Wednesday pa kami nag-on.”
“M-mag-on?” Bulaslas ni Burt.
“Oo. In other words kami na po. In a relationship. Lesbian relationship that is.” Sabay yakap sa akin. This is it!
“What?!” Sila lahat napasigaw.
“Teka. W-wait, sandali. Paano nangyari iyon.” Tanong ni Burt.
“Eh, di naman namin inaasahan. Malay ko, isang araw nalang nagising ako, siya na ang nasa isip ko palagi.” Sabi ko. Oh, follow the script. “’Di ko naman sana ito papansinin kaso itong isang to mapilit.”
“Ay galit ka pa ngayon.” Sabi ni Christine. Part of her plan talaga ito. Parang naglalambingan lang ba kami.
“Eh, hindi naman ganoon. Eh, paano ba to. Kasi naman eh.” Nilingon ko ang iba. Naniniwala kaya ito?
Tumikhim si Burt. “My goodness. Congrats pare!” iniabot nito iyong kamay niya. “Totoo pa la ang sabi ni Janine sa akin noon. Iyong mga magaganda pa ang nagiging gay.” Nagcongrats din sa amin ang iba.
Hay, salamat, buti at naniwala. Naging masaya din ang gabi. Nagkakatuwaan kami. paminsan minsan may nag-jo-joke sa amin.
“Kiss! Kiss!” sigaw nila sa amin. Yuck paano ba to? Tiningnan ko si Chirstine na nakangisi. Patay, parang mapapasubo ata ako dito. Biglang tumahimik ang lugar. Si Christine napalingon bigla sa likod. Naramdaman kong may humawak sa aking braso. At hinila ako paharap nito. Ang lakas pa naman.
#etonamagkikitanasilafinally?!!!! bangan ...
BINABASA MO ANG
Ang Karibal kong TOMBOY!
HumorAko si Shaneen. Isang simpleng babae. Magaling sa sports, matalino at maganda naman (depende sa sinong mga mata ang nakatingin. Hihihi. ). Pero pinaghihinalaan na isang tomboy. Babae AKO, iyon ang totoo. Hanggang sa dumating sa buhay ko si Christine...