One week. Isang linggo na ang nakalipas. Wala kaming naririnig mula kay Duke. Buti naman. Ang sabi saakin ni Christine umalis na daw papuntang Sydney para mag-aral ng Masters Degree ng Business Administration.
Nakakalito. Papaano ba nalaman ni Duke kung sino ako?
“He has his ways. We have been inseparable for two whole weeks. At noon pa naman, siguro narinig niya ang balita tungkol sa iyo. One year older lang naman siya sa atin. Alumni tapos friends din niya ang faculty. Baka dun nakipagtsismis.”
“Sa party. Kung makaakto siya para siyang boyfriend mo pa rin.” Tinitigan ko si Christine. Kalma lamang ito pero hindi naka focus sa akin ang mga mata.
“Ganun talaga iyon.”
Bigla akong napaisip. Nilingon ko si Christine. “Why did you guys break up?” Biglang namuti si Christine. Tatangka sana itong umalis pero nahawakan ko na ang braso nito. “I want to know what I’m getting into. That’s all.”
“I-I asked him to marry me.” Mahinang sabi nito.
“What?!” kasal? Nakaya ng kaibigan niya iyon?
“Natakot ako. Ang daming umaaligid na babae dito. Mapabata man o matanda. Sobra pang ganda. At kung makaakto parang kakainin na nila ng buhay si Duke.”
“So the most logical thing you could think of is ask him to marry YOU?”
Ngumit ito ng maasim. “Kung para sa pag-ibig, you can do a lot of illogical things. At that time, sobra akong nagselos. Dahil doon palagi kaming nag-aaway. Tapos pumunta pa siya sa labas para mag-aral. Grabe akong natakot kaya ng dumating siya ng magsem-break sila, tinanong ko siya.”
Napailing ako. Eh ayun pala. Tinakot naman pala ni Christine si Duke. Ikaw ba naman tanungin agad na magpakasal. Nakakabawas sa pagkalalake. “Dapat nagtanong ako bago ako pumasok sa kaguluhang ito.”
“Kahit naman sinabi ko noon ay sigurado akong tatanggapin mo pa rin ang alok ko. Kahit hindi mo sabihin alam ko ang totoong pakay mo.” Nagsalubong ang aming mga mata. Imposible, walang nakakaalam sa istorya ko. Ngunit bakit pakiramdam ko.... Ako ang unang nag-iwas ng tingin.
“Forget it. We have a lot to do before graduation. Look at this.” Inilapag ko ang brueprints at layouts.
“Oh, hija! Nandito ka pala.” Sabay kaming napalingon sa nagsalita. It was Christine’s mon.
“We were descussing the layouts and other stuffs Tita.” Sabi ko sabay halik sa pisngi nito.
“Good. Good. Talagang mabuti kang impluwensya sa anak namin. Sus ko, ang tanging alam nitong gawin noon ay ang maghabol ng lalake. Now that her taste has changed I can’t help but be grateful.” Sabay wink sa akin.
Bago kami ‘lumabas’ ni Christine, sinabihan namin ang parents nito. Dahil malalapit ito sa buhay ni Christine, kailangan din naming lokohin ang mga ito. Buti nalang at maintindihin ang mga magulang nito at buong puso akong tinanggap. Pero di mawala ang nararamdaman kong guilt.
“Mom, where’s Dad?”
“Ay naku. Ayun at umalis papuntang Sydney. May nasunog daw na isang warehouse dun na parte ng negosyo nila ng kanyang kumpadreng si Tito Desmon mo. Kailangan siya dun ni Duke para sa mga papeles.”
“Bakit si Duke?”
“Kasi naman nagkasakit iyong Tito Desmon mo. Si Duke na ang namamahala sa negosyo nila roon habang nag-aaral. Alam mo naman ang batang iyon. Sobra din pagdating sa negosyo. Oh sige kailangan ko munang umalis. Hinihintay na ako ng mga amigas ko.”
Nakatingin lang kami si papalayung bulto ng mama ni Christine.
“Sobrang busy pala ni Duke. Mukhang matatagalan pa bago bumalik.” Nakita kong nanlumo ang kaibigan ko kaya binalik ko ang usapan namin kanina.
“Ito daw iyong nirevise nilang proposal. I like it. He followed my instructions well.”
Napatawa si Christine. “Alangan naman. Iyong huling punta nila dito halos burahin mo iyong designs nila.”
“Hindi ko naman binura, nilagyan ko lang ng gusto ko. Hirap kasi paintindihin na ang designs dapat comportableng tingnan hindi parang presohan.”
“Ano ba naman iyan. Kawawa naman iyong architech. Parang pinahiya mo siya sa ginawa mo. Sikat pa ba naman iyon dito sa atin.”
“You gave him money. Now, its his turn to do his part. Deliver what we want.”
Umikot ang mga mata nito. “Arghh. Anyways, Shan I trust you enough to let you have the final say in the designs. If you say you like it then I like it too.”
“Good, i’ve already made the designs for the inside. We purchase the materials starting next week. Is it alright if we store it here for the time being?”
“No problem. How long till the construction is over?”
“Five months. Enough for us to contact prospective suppliers and staff.”
“Five months huh. Five months till opening day. Excited?”
“Definitely.” Napangisi ako. Ito na ang simula ng mga plano ko na dapat sana ako lamang ang nakakaalam. Hindi bale. Phase one begins now.
BINABASA MO ANG
Ang Karibal kong TOMBOY!
ComédieAko si Shaneen. Isang simpleng babae. Magaling sa sports, matalino at maganda naman (depende sa sinong mga mata ang nakatingin. Hihihi. ). Pero pinaghihinalaan na isang tomboy. Babae AKO, iyon ang totoo. Hanggang sa dumating sa buhay ko si Christine...