Chapter 5: GIVE OR TAKE

53 0 0
                                    

“Good morning, Ma’am.”

“Good morning, Derick.” Bati ko sa security guard. Hindi mapantig ang kanyang ngiti. Anyways, pumasok ako sa store.

“Welcome to Book’s Pad, Ma’am!”

I just nodded. “Where’s David?”

“Ma’am may inientertain pong member.”

“Fine, tell him to come to my office when his done.”

“Yes, ma’am!”

Napabuntong-hininga ako. Pumasok ako sa loob ng faculty door. Sumakay ako sa mini-elevator at ni press ko ang number ng pass key. Hindi basta-basta makasok ng mga tao dito. Tatlo lamang ang nakakaalam ng password. Ang guard, David and of course Christina. Ang iba kailangan pa akong tawagan at doon mismo sa opisina ko kinocontrol para makaakyat ang bisita na di na kailangan pang malaman ang pass.

Iba ang style ng opisina ko. Hindi alam ng customer at mismong staff na nakikita ko sila sa isang one sided mirror. Kitang-kita ko ang kabuuan ng store ko habang sila ay pader lamang ang nakikita. Malawak ang store ko.  Mga 24 shelves ang mayroon kami na nakaarrange palibot sa isang fish pond puno ng koi at may bonsay sa gitna. Pwede mong lapitan ito kasi may bridge papunta roon.

Dominante ang red and white para sa store. Marami ring customers ngayon. Nilingon ko ang members extension kung saan nasa taas sila parang second floor na hindi. Marami rin ang nagbabasa roon. Members have the privilege to read any book offered to them as long as hindi i-uuwi. Mapipilitan silang bilhin iyon kung sakali. Nag-seserve din ng coffee, tea and delicious snacks and meals ang mismong establishment. Nasa second floor ang restaurant kung sakaling gusto ng mamimili na kumain.

Umakyat ako sa twirling staircase at bumungad sa akin ang restaurant. Humiga ako sa kama na nakalagay sa room. Marami rin ang naroroon. Zen theme ang restaurant kaya ang dami ng plants and decorative sunset colors. Pero dominant pa rin ang red.

Narinig ko ang elevator. Bumaba ako at bumungad ang gwapo kong assisstant. Naka coat and tie ito. Ang uniform ng mga lalake. Naging butler and maid theme ang uniform ng staff ko. Sinadya ko talaga pati na rin ang nakahilerang mga sobrang gwapo at charismatic na mga lalake at ang sobrang ganda na mga maids. Dahil doon marami kaming mga teenagers na palaging napupunta rito.

May dala si David na tea.

“Good morning, Shan.” At nilagay ang tea sa mesa ko. “Today, we have white tea for you.”

“Good morning, David. Ahh... hmm the nutty goodness.” Nakita kong ngumiti si David. Sa lahat ng staff na meron ako si David ang pinakagwapo and unexpectedly pinakamayaman. Nagkita kami sa Japan minsan. Exchange student ito galing sa Pinas. Sobrang adik ito sa tea making at nagpapart-time sa isang sikat na tea shop habang nag-aaral ng IT at business. Ng nagraduate laking gulat ko ng mag-apply siya ng trabaho sa store. Ayeeee. Pero walang meaning jan huh.

Ready na ba ang room para sa cosplay expo mamaya.”

“Yes. Na check na rin namin ang sound system and nagcooperate sa facilitators para sa music. By three pm. Darating na ang mga paticipants.”

Narinig ko na naman ang elevator. “Christine?”

“Shan.” Sabi ni Christine. Hindi man lang pinansin si David. May hindi pagkakaintindihan ang dalawa.

Christine. I think we are done with saying names. Assuming hindi mo na naman papansinin sa David.”

“Hmmmp.”

“What is it this time? If you don’t like shooting for the new advertisement for Book’s Pad then deal with it. The concept is good and I know with you It’ll be a big hit.”

Naging modelo si Christine at siya endorser ng Book’s Pad. Since co-owner siya sa Book’s Pad masasabing hindi mahal masyado ang endorsements niya. Kaso ang tigas ng ulo nito.

“I didn’t come here for that. But since It’s in the open I don’t like the concept. At bakit iyang assisstant mo pa ang gumawa.”

“David. At nandito po siya. Please don’t ignore him Christine.”

“At bakit ko naman papansinin.” Tiningnan ko si David. Kalma lang ito. Marunong magtago si David ng galit. Natutunan nito sa pamilya ang magpakapoker-face. Pero alam ko may matinding lakas at Bagsik na tinatago ang lalake. Kabisado ko na ang taong ito.

Because the new branch of Book’s Pad will be opening soon and David will manage it from there.”

“What?”

Nilingon nito si David na nakatamad na nakatingin kay Christine. Dahan-dahang umangat ang isang gilid ng labi nito.

“I don’t remember agreeing to this.”

“Hindi ko naman kailangan ang permiso mo. Magaling si David. Enough of this. Ano ang pinunta mo rito?”

Nilingon muli ako ni Christine. Nakalugay ang dreamy smile nito sa mukha. “Duke.

Natigilan ako. Nilingon ko si David. “Iwan mo na kami David.”

Ng makaalis na si David. “Duke is back, Shan. Bumalik na siya sa wakas.”

“Para magpakasal? Sino raw?”

Nginusuan niya ako. “Wala siyang girlfriend! Anyways, ininvite siya ni Daddy for dinner tonight.”

“Then there’s your chance.”

I know he still has feelings for me, Shan.” Ay, medyo feelingera sa madam ngayon. “Join us tonight.”

“At bakit naman?”

The show starts tonight and finally magagawa mo na ang role mo.”

Napabuntong-hininga ako. Hindi pa rin sinusuko ni Christine ang laro nito. Duke is back. Damn. Eto na naman ang pagtaas ng mga balahibo ko. Anong meron sa lalakeng iyon at palagi akong natataranta. “I have an event in the reception room tonight. I might be there by nine, give or take.”

Ang Karibal kong TOMBOY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon