He’s back. Bumalik na siya sa wakas. Francis Devon Garcia. Hindi ako makapaniwala.
Noong nag graduate kami ng college narinig ko na pumunta sa Chicago si Francis. Sumunod din si Charm sa kanya dun. Ngayon nandito na siya. Sila pa kaya ni Charm? Bakit wala siya dun sa party?
Napabuntong- hininga ako. Hindi ko namalayan nasa tapat na pala ako sa bahay ni Christine. Shan concentrate. Nang nasa loob ay sinabihan na ako ng maid na dumiretso sa dining room.
Nasa pintuan ako ng narinig ko ang pag-uusap ng mga ito.
“Dina. Kung ipakasal na kaya natin ang mga anak natin?”
“Desmon. Naku. Ang gwapung-gwapo ng anak mo! Susko kung pwede lamang ipakasal silang dalawa ni Christine...”
“Mommy!”
“Oh. I know deary. Don’t worry. Kontento naman kami kay Shan.”
Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ni Christine. Hindi pa rin ako napapansin ng mga ito kaya nilibot ko muna ang aking mga mata sa mga nag-uukupa dun. Kay gandang tingnan. Picture perfect.
Naramdaman ko na may nakatitig sa akin. Kahit hindi ko pa nakikita alam ko na kung sino. Naghihimagsik ang kalooban ko. Tumatayo ang mga balahibo ko. Nang nilingon ko ito nakita ko ang tindi ng tingin nito sa akin. Nasa mga mata nito ang halo-halong gulat, galit, at paghanga. Hindi ko iniwas ang mga mata ko sa kanya. Umangat ang isang gilid ng labi nito. Tangina talaga. Nakaka-anoy talaga itong taong ito.
Dalawang taon lang ito nawala pero ang laki ng pagbabago nito. mas lalong nakaka-intimidate ang aura nito. Hindi rin maiwasan ang paghanga ko sa katawan nito na pilit na tinatago ng mamahaling suit nito.
“Hija. Buti at dumating ka na!” Napilitan akong tapusin ang titigan namin ni Duke at tingnan ang mama ni Christine. Ang papa naman ni Christine ay nakangisi sa akin. Hinalikan ko ang pisngi ng dalawa. Sa dalawang taon tinuring na nila akong parang tunay na anak.
“Hija. Take a seat. This is your Tito Desmon. And this is his only son, Duke. Gentlemen, this is Shan.” Umupo ako sa tapat ni Christine habang nasa kanan ko si Duke.
“Wow. What a beauty!” bulaslas ni Tito Desmon.
“Sorry. May cosplay event po kasi ang store kanina. Naubusan din ako ng oras para magbihis.”
Tumawa si Christine at mga magulang nito.
“Classic Shan. Tito, pagpasensyahan niyo na po iyan si Shan. Medjo may pagka...” nilingon ako ni Christine. “Kahit anong sabihin mong maganda iyan. Hindi maniniwala.”
“Ay. Bakit naman hija. Kay ganda mo naman talaga.” Naramdaman ko ang pamumula ng sobra. Ng lingunin ko si Tito Desmon hindi maiwasan na mapatingin ako kay Duke na katabi nito. Seryoso lamang ang tingin nito sa akin at hindi pa rin nawawala ang nakaangat na labi.
“Tito. I suggest you stop complimenting Shan. Baka magselos ako.” Napatingin ang dalawang bisita kay Christine.
“Anong ibig mong sabihin Christine?”
“Tito. Ito po si Shan. My lover.”
Kumunot ang noo ng dalawa. Sa ganung reaction, kitang-kita ang pagkapareho ng mag-ama. Halatang maraming pinaiyak na babae si Tito Desmon nung kabataan nito.
“Pare hindi ko nasabi sayo. Ang anak namin ang gusto ay mga babae.”
“P-Paano nangyari iyon? Hindi ba naging kayo ng anak kong si Duke, Christine?”
BINABASA MO ANG
Ang Karibal kong TOMBOY!
HumorAko si Shaneen. Isang simpleng babae. Magaling sa sports, matalino at maganda naman (depende sa sinong mga mata ang nakatingin. Hihihi. ). Pero pinaghihinalaan na isang tomboy. Babae AKO, iyon ang totoo. Hanggang sa dumating sa buhay ko si Christine...