“Shan, tulungan mo naman ako.” Nilingon ko si Christine na Basang-basa ang mga mata. “Iniwan niya ako. Mahal ko siya pero iniwan pa rin niya ako.” Nawala ang nakita kong sakit sa mga mata nito. Pinalitan ito ng galit. “Please, help me get my revenge.” Hinawakan nito ang mga kamay ko. “Be my lover.”
“Huh?” Ano na naman ang drama ng batang ito. Last semester ko na at ga-graduate na ako. For some reason naging ka-klase ko sa lahat ng subjects si Christine. Hindi naman kami close. Nakita ko lang na pa gala-gala ito na problemado ang mukha kaya napilitan akong lapitan.
“Hindi naman totoo. Peke lang naman. Pero pwede naman nating totohanin kung gusto mo.”
“Hindi ako kibo! Tsaka ano ba itong pinagsasabi mo!” Naman kasi bakit ko pa nilapitan.
Tumawa ito. “Huminahon ka. Alam ko naman na hindi. Ang gusto ko lang naman mangyari is malaman ng lahat na taken na ako. Mapapalayo ko iyong mga lalake na gustong manligaw sa akin. At ang importante sa lahat maiinsulto iyong lalakeng iyon pagbalik dito.”
“Ay hindi ako papayag niyan! Maghanap ka ng iba. Huwag mo akong isali-Sali sa mga kalokohan mo. Iwan na nga kita jan.”
“Teka lang. Chill honey.” 0_0 Honey? Naloloka na ata itong taong to. Tumakbo na kaya ako?“Of course hindi lang ako ang makikinabang nito.” Sabay wink sa akin.
“OH MY GOODNESS! Hindi ba sinabi kong ayaw ko! Maghanap ka ng iba. Kinikilabutan ako sa iyo.”
“Hay naku. Teka lang ha? Ikaw iyong gusto ko kasi naman po sikat ka na na may pagka alam mo na.” At nakaya pang mang inis! “Oh. Teka. Huwag muna. Patapusin mo ako. Ganito since alam nila ang tungkol sa tsismis sa iyo maniniwala agad sila sa atin. Pangalawa. Pag maghanap ako ng iba baka naman totoong tomboy sila. Baka ma rape ako ng maaga. Mahirap na. Pangatlo. Nakita ko iyong business plan mo. Nagustuhan ko ang ideya mo. Kung papayag ka ako bahala sa funds. Hindi naman sa nagpapahangin ako pero talagang mayaman kami. Maging partners tayo.”
“Una. Bakit babae? Lalake ang hanapin mo. Pangalawa. Anong paki ko! Pangatlo. Hoy alam mo ba iyang pinagsasabi mo? Paano ako niyan? Forever akong makikita ng mga tao as isang tomboy!”
“Eh, sige na kasi. Una. Pareho lang if lalake o babae. Ma re-rape pa rin ako. Pangalawa. Maganda ang opportunity na ito. Hindi ba gustong-gusto mong mag put up ng shop na iyon? Pangatlo. Bakit ka natatakot? Hindi naman nakakahiya. Ako ang bahala sa ito. Ejercito kaya ang kausap mo. Pangalan ko ang gagamitin para mapaamo ang iba. At huli sa lahat. Si Francis.” Na estatwa ako sa sinabi nito. Paano niya nalaman?
“Eight years love story mo. I mean one-sided love story mo.”
“F—k. Papaano mo nalaman?”
“Nabasa ko sa sinulat mong poem. ‘Eight years in draft’. Tapos nakita kong umiyak ka ng may lalaking lumagpas sa iyo na kaholding hands ang bago pang naging girlfriend niyang si Charm. Kung minamalas ka naman. Kaibigan mo pa ang naging girlfriend niya.”
“Anong kinalaman niya sa pinag-uusapan natin.”
“It’s time to let him go. Eight years na. Wala ka ng pag-asa sa kanya. Hayaan mo na ang sarili mong guminhawa. Martyr mo naman kasi.” Martyr ba ang tawag doon? Hay naku bakit pa kasi nalaman nito? Obvious ba talaga ang frustration ko sa eight years na crush ko? Si Francis.
Nakilala ko siya nung high school. Elections. Tumakbo kaming dalawa. Younger siya sa akin ng isang taon. Noong una na iirita ako sa kanya kasi medjo mahangin. But, as the saying goes ‘there’s a thin line between love and hate.’ Di nagtagal napamahal ako. But since nauna akong nag-college kinalimutan ko siya. Ang kaso lang naman eh dito pa siya nag college after graduating. Eh pano pa na classmate ko pa siya. Oh sige. Hindi nagtagal nagka-m.u. kami. Hang outs. Holding hands. But hindi nagtagal tumigil din siya. So ayun ako, nasa ere. Hindi ma-intindihan kung anong nagawa kong mali. Mahal ko talaga ang lalakeng iyon. Kaso ang hirap tapos naging boyfriend pa ng kaibigan ko. Ahhh. Ang sakit naman.
“Tutulungan kita. I will guide you to the road of success. Bibigyan kita nitong chance na gamitin mo iyang talento mo sa iba. I-channel natin iyan kung saan may resulta. Hindi naman forever kitang tatalian. Pag makuha ko na ang revenge. Malaya ka na. Plano ko talagang balikan ang gagong iyon. Papahirapan ko lang ng kaunti.” May point naman siya. Mahirap ang sitwasyon ko. Wala na akong ibang minahal pa. Probably, hindi pa ulit. Kailangan ko munang bumangon. Nilingon ko ulit si Christine. Kaso...
“Kahit na. Ayoko pa rin niyan.” Aakto sana akong aalis kaso nahawakan nito ang braso ko.
“Teka. Alam kong mahirap ito. Pag-isipan mo muna.” Nagmamaka awa ang mukha nito. Maganda talaga si Christine. Pang-modelo talaga itong. Ikaw kaya mayroong malakas na dugong kastila di ka ba magmumukhang dyosa. Nag pout pa ang mokong.
“ah. Sige na nga. Pag-iisipan ko.” Napatawa na rin ako. Kulit.
“Good.” Huminga ito ng malalim. “Oh ano na? Oo na ba?”
“Akala ko ba pag-iisipan ko pa.” Ano ba nanaman itong pakulo nito? Napabuntong hininga ako.
“It takes only five seconds for a person to decide what path to choose. Magaling ka Shan. Matalino. Alam kong hindi mo mapapalagpas ito.” Ngumisi ito. Napangisi na rin ako. Oo talo na ako. Sige na nga.
BINABASA MO ANG
Ang Karibal kong TOMBOY!
HumorAko si Shaneen. Isang simpleng babae. Magaling sa sports, matalino at maganda naman (depende sa sinong mga mata ang nakatingin. Hihihi. ). Pero pinaghihinalaan na isang tomboy. Babae AKO, iyon ang totoo. Hanggang sa dumating sa buhay ko si Christine...