Chapter 6: BUSINESS NUMBER

48 0 1
                                    

“David?”

Shan.” Tiningnan nito ang suot ko at sumilay isang maluwag na ngiti. “Permit me this. My goodness, you look stunning tonight!” Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Naman kasi sobrang gwapo rin nito. Dahil cosplay event ngayon hindi naka maid and butler uniform ang staff. Naka Book’s Pad shirt lang ang mga ito na may red rose sa may pocket malapit sa left chest para sa mga lalake at nakaipit sa buhok para sa mga babae.

Sanay na ako sa uniform na suot nito at ngayon na normal na lamang ang suot nito parang mas naging attractive ito. “You’re not too bad yourself.” Inayos ko ang rose nito. “Is everything going smoothly? Pasensya na, medjo natagalan ang buhok ko.” Supposedly, gagamit lang sana ako ng wig. Ang problema ay pupunta ako mamaya kina Christine. Kaya pinili ko na lamang i kulot iyong hanggang beywang kong buhok. At nagsuot ng red na dress.

“Worth it.” Nakita ko ang pag lalim ng mga mata nito. “The party started out with a blast. Magaling ang mc nila ngayon. Currently we are on a break para sa snacks. Maya-maya sisimulan na ang contest.”

“Good. Ituro mo sa akin kung saan si Mikaela.” Ang coordinator ng event.

“She’s in table number 42. Nakasuot ng Victorique costume.”

“Gosick? Yeah I see her.”

Iniwan ko na si David at nilapitan si Mikaela. Nakatagilid ito habang nakatalikod sa akin ang mga kasama nito.

The party is going great! Buti at nakita mo ang lugar na ito.” Sabi ng lalakeng kasama nito. Nakasuot ito ng Cloud costume. Mataas ang lalake at maganda ang hubog ng katawan. Malambing din ang boses nito. May hint din ng pagkamakulit. Hindi ko maintindihan ngunit parang pamilyar sa akin ang lalake.

Oh, Cloud. The owner here is truly a divine creature.” O_o hihihi. Thank you. “Talagang magaling ang pagdala nito sa shop. Nakita mo na ba ang bookstore nito sa baba?”

“Hindi pa nga e. Baka gusto mo akong samahan ngayon?” Panunuya nito. Talaga naman. Tsk. Basta mga lalake. Pero talaga naman na maganda si Mikaela. Half japanese ito at may ari ng isang anime shop dito sa Pinas. May mga guest ngayon na hindi naman mahilig sa mga ganito pero napipilitang pumunta para lang makita si Mikaela. Guess ko kasali sa mga ito ang mga kasama ni Mikaela sa lamesa.  Malapit na ako sa table nila at nakita ako sa wakas ni Mikaela.

Oh my. A goddess. Good choice and timing, Shan dear.” Malambing na bati nito. Nilingon ako ng mga kasama nito at natigilan ako ng lumingon ang lalake. Napatigil ako sa paglalakad. Parang napako ako sa kinatatayuan ko.

Francis.

Nakita ko rin ang pagkabigla nito. Lumaki ang mga mata habang tiningnan ako mula ang ulo hanggang paa. Tumuyo ang bibig ko at napilitang lumunok. Bumilis ang kabog ng dibdib ko.

“Shan, let me introduce to you. Francis Devon Garcia.”

Shan...” Sambit ni Francis.

Magkakilala na kayo?” Tanong sa akin ni Mikaela.

“Yes.” “Oo.” Sabay naming sagot. Napangiti si Mikaela. Naramdaman siguro nito ang pagka-awkward naming dalawa sa isa’t-isa. Nung college kami, naramdaman ko kasi ang sinasadyang pag-iwas sa akin ni Francis at para akong nahawa sa kanya at umiwas na rin. Ngayon lang ulit kami nagkausap muli. Isang kiming ngisi ang sumilay sa aking mukha.

Umubo ng kaunti si Francis. “We went to the same university.”

Hmmm. Sabi ko nga. Anyways, siya iyong may-ari nitong lugar.”

Nilingon ako ni Francis. Wala na iyong mapaglarong ngiti nito. Parang nag seryoso ng sobra. Ito iyong pamilyar na Francis na nakilala ko noon.

“I can’t believe you’d be the owner. But since Mikaela says it, i guess it’s true.” Hmmp. Sakit naman nun.

Hindi ko na lamang pinansin ito at binaling ang buong atensyon ko kay Mikaela. “Well, I just came to tell you I have to leave earlier than expected. But don’t worry my assistant has it covered.”

Oh. That’s too bad. I hope you’d stay till the dance party. It would be fun I promise.”

Dance party is at 10. That’ll be in 3 hours. Kailangan na kasi akong umalis by nine.”

Ay, sayang naman. Tsk. Well, why don’t you join us?”

No need. Kailangan ko pa kasi I check muna ang kusina.”

“But you said...”

“I know but when it comes to the chef, ako lang ang pwedeng kumausap.”

“Ahh. That hunk of a man that hides in the kitchen. Bakit kasi ang bagsik nun. Sayang naman ang beauty.” Napatawa ako. Aalis na sana ako ngunit hinawakan ni Francis ang kamay ko. Nilingon ko ito.

Ahhm. Shan. May party akong gagawin para sa wedding anniversary ng parents ko. Kung pwede gusto ko sana kunin kayong caterer.” Nakatanga lang ako. Ano raw? Catering? Cater? .... ano ulit? “Do you offer catering services Shan?”

Okay Shan. Breathe in. Breathe out. Catering daw. “Y-yes we do. We can talk about that later.” Oo. Mamaya. Pag ready na ang utak kong gumana ulit. “Just call my office. Mikaela has our business number. I’m off. Bye guys.”

Ang Karibal kong TOMBOY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon