Chapter 3: MY NAME IS DUKE CLAYTON SANCHEZ

67 0 0
                                    

“Aray!” Napapikit ako sa bilis ng pagharap niya sa akin. Binigyan ko muna ng ilang segundo bago ibinuka ang aking mata at tingnan ang mapang-ahas na nanakit sa akin. Maghahasik talaga ako ng lagim pagnagkataon.

Dahan-dahan akong nagmulat. Bumungad sa aking ang dalawang pares ng nanlilisik na brown eyes, matangos na ilong, mapupulang labi, at nakakabighaning mukha. Katsila? Puno ang mata nito ng galit at panghuhusga. Who is he? Ni-head to foot niya ako. Inirapan ko siya. Bastos!

Gumuhit ang isang malapad na ngiti sa mukha nito. Nilingon nito si Christine. Hindi pa rin niya ako binitiwan. “Ano itong naririnig kong pinagpalit mo raw ako sa isang nag-lalake, Christine?" Malaki at ma-awtoridad ang boses nito. iyong tipong lalaking-lalake.

Nilingon ko si Christine. Don’t tell me this bulk of a man is Christine’s ex?

Parang hindi mahanap ni Christine ang kanyang dila. Nakatitig lang ito sa lalake at nagmamakaawa ang mata. Shit! Nilingon ko ulit ang lalake. Naramdaman ko sa kamay niyang nakahawak pa rin sa akin ang tinatagong lakas at galit. Naramdaman ko rin ang pagkulo ng dugo ko dito. Ako pa ang nasasaktan? Ako na walang kinalaman dito? Ako na nasali lang sa gulo? Aiiist!

Hinila ko ang braso ko ng ubod na lakas. Nabitawan rin ng lalake. At bago pa siya maka-recover sa sapilitan kong pag-bawi ng braso ko, sinuntok ko ang kanyang tiyan. Naramdaman kong sumakit ang kamay dahil dun. Naman, siguradong maayus ang pagkahubog ng abs nito. Natumba ito at napaigtad sa sakit. “What the!” Bulaslas nito.

Natigilan ang mga tao. “Hoy, ikaw! Huwag mo akong mahawak-hawak ng ganun. Sino ka bang mokong ka at ang lakas ng loob mong sumulpot-sulpot dito at maghasik ng lagim?” Nilingon ko si Christine na tulalang-tulala sa mga oras na iyon. Damn. Hindi kami makakalaban ng ayos sa lalakeng ito kung ganyan ang lagay ni Christine. Hinila ko na lamang siya paalis sa lugar. “

Halika na Christine! Umalis na tayo bago ako makapatay!” bago tuluyang umalis, nilingon ko si Elise, “Aalis na kami sorry sa abala.”

Nakita kong nakatayo na ang lalake. Straight na straight na parang hindi ko kanina lamang napatumba ito. Binilisan ko ang paglakad, hinihila pa rin si Christine. Naramdaman ko ang pagsunod ng lalake sa amin. Hindi ko alam kung bakit pero parang sensitibo talaga ako sa mga galaw nito. Nang nadoon na kami sa loob ng sasakyan, nilingon ko si Christine.

Hoy! Bakit parang nakuha ng pusa iyang dila mo!” niyugyog ko siya. “akala ko ba gusto mong mahiganti sa kanya? Anong nangyari doon!”

“P-patawad! D-di ko naman inaasahan na pupunta siya. Akala ko pumunta na siya sa Sydney. P-paano?”

“Eh, hindi mo pala kaya! Sinali mo pa ako sa kalokohang ito!”

“W-wait!” itinaas nito ang dalawang kamay at huminga ng malamin. “Sorry, hindi na mauulit. Sa susunod gagalingan ko.”

“Anong sa susunod? Wala ng susunod! Itigil natin itong kalokohang ito!”

Shan! Naman, nabigla lang ako kanina okay? Hayaan mo babawi ako. Hindi na ito pwedeng itigil. Nasimulan na natin. Kahit naman itigil natin magiging ganun pa rin ang pagtrato ng mga tao sa atin. There’s no turning back from this.”

Napabuntong-hininga ako. Tama naman ito. “Ang galing mong magsalita ngayon, pero kani-kanila lang para kang duwag.” Nakita ko iyong lalake na nasa harapan na ng kotse. Tsssk. Tigas ng ulo. Lumabas ako. “Diyan ka lang!” Sigaw ko kay Christine bago lumabas ng sasakyan.

“Hoy! Lalake! Hindi ka pa ba nadadala! Gusto mo mukha mo naman ang siraan ko.” Itinaas ko pa ang dalawang kamay ko parang iyong mga boxingero. Mabilis gumalaw naman ang isang ito. Namalayan ko nalamang na hawak na nito ang dalawang kamay ko at itinulak ako sa malapit na pader.

Buti at nakakapagpigil pa ako BABAENG ka!” nakapagpigil? Aaminin ko natatakot na ako. Ang laking tao nito kaya nakaduko siya sa akin. Nasa mga six feet ito habang ako 5 feet 3 inches lang. Hindi naman gaano talaga kalaki ang katawan pero maganda ang pagkakahubog. Haltang nag-g-gym ito.

Get away from her you good for nothing Bitch! You’re disgusting! Did you take advantage of the fact that she was heart-broken? Anong ginamit mo para mauto si Christine? Ginayuma?” Ay! Ang bastos. Gago talaga nitong taong to. Nakakagigil.

Excuse me. As far as I can remember, wala kang karapatang utusan ako! And I don’t need to explain myself to you. Ako yung irog niya. Hindi ikaw! Kaya wag kang epal jan!”

Nagpumiglas ako pero hinigpitan nito ang hawak sa braso ko. Inilapit ng sobra ang katawan sa akin. Nahigit ang ko ang aking hininga ng maramdaman ang init ng lalake na dumaloy agad sa balat ko. Nasimot ko ang pabango nito. Nagsitayuan ang aking mga balahibo. Bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko din na natigilan ito at nakatingin diretso sa kanya. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako bitiwan nito. “Leave her alone or else.” At tuluyan binitawan ako. Tinitingnan niya ako habang bumawi ako sa pagkagulat sa bilis nitong bitiwan ako.

“My name is Duke Clayton Sanchez. Don’t you forget that. Miss Lazaro.” Sabi nito at tuluyang umalis.

Ang Karibal kong TOMBOY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon