Chapter Four

57 5 5
                                    

Chapter Four.

Hinila ni Zildjian ang kamay ko palabas ng bar na yon.

Hindi na ko umiiyak, syempre ang pogi pogi na ng nasa harap ko e. Kinikilig na ko ngayon! *u*

Joke lang. Syempre pinunasan na ni Zildjian at focus na ko kung anong nangyayari ngayon.

"Teka, san tayo pupunta?" tanong ko sakanya.

"Kung san pwede kang sumaya." sabi naman nya at nagsmile nanaman ng nakakaloko.

KUNG SAN PWEDE AKONG SUMAYA? OWMAYGAHD!

No no! Erase erase! Kahit kailan talaga ang dumi ng isip mo Dayne!

"Get in the car." -Zild.

"Ayan ka nanaman e! Kahit kailan hindi ka ba naturuan ng magandang asal ng mama mo?! Ikaw pang mauunang sumakay sa kotse bago babae e'no!" sigaw ko sakanya. AYAN NANAMAN KASI! NANDUN NA SYA SA KOTSE NYA TAPOS AKO DI MAN LANG AKO PINAGBUBUKSAN!

"Im sorry. Di kasi ako nagsasakay ng ibang girls before sa kotse kong to." tsaka sya bumaba ng kotse nya at inalalayan ako papunta sa passenger seat at inupo don. SABI KO PAGBUKSAN LANG, INALALAYAN NAMAN AKO. :"""> Taraayyy!

Akala ko pupunta na sya sa driver's seat pero tumingin sya sa bintana.

"And one more thing, My mom's gone." tsaka sya pumasok sa kotse nya. Natulala naman ako. Shhh! Ang insensitive ko naman! E sorry na di ko naman alam na wala na palang syang mommy >_<

"Im sorry." sabi ko.

AWKWARD SILENCE SA LOOB NG KOTSE NYA.

Buti nalang at may iPod akong dala at earphones. Nag soundtrip nalang ako mag isa hanggang sa nakatulog ako.

**

"Andito na tayo, Dayne." sabi ko habang niyuyugyog ko sya. Nakatulog na kasi sya e.

"Hmm?" ayan nagising na sya. Bumaba sya ng kotse matapos ko syang pagbuksan. Actually, si Rain palang ang sumasakay ng kotse ko. Sakanya lang ako sanay na magbukas sara ng kotse ko nuh!

"AY SA WAKAS AFTER ONE HUNDRED YEARS NAKARATING DIN TAYO DITO. TEKA SAN BA TO?" sigaw ni Dayne. Kami lang kasi ang tao dito.

"One hundred years agad? Hindi pwedeng 1 hour lang muna?" pang-aasar ko sakanya. Sinamaan nya lang ako ng tingin.

Naglakad lakad kami at medyo malalim narin ang gabi. "Pagod na ko Zildjian." sabi ni Dayne. "Zild. Zild nalang. Hindi ka naman na ibang tao para sakin ngayon" pagko-correct ko. Umupo ako sa damuhan at sumunod naman sya sakin. Tumingin ako sa langit.

"Star gazing?" bigla nyang sinabe at napangiti naman ako. "Alam mo Dayne, eto lang. Eto lang ang ginagawa ko sa tuwing naalala ko yung mga masasakit sa nakaraan. Titignan ko yung mga bituin, kakausapin ko si Mommy kahit alam kong hindi naman sya sasagot. Tss." sabi ko at ngumiti ng peke. Naalala ko nanaman si Mommy... Syempre pati si Rain.

"Hindi ako umiiyak tulad ng ginawa mo kanina. Nakakahiya ka, ang dami daming tao tapos iiyak ka." pagbabago ko ng air sa paligid namin. Feeling ko kasi ang awkward ng ako yung nagdadrama e samantalang sya yung umiyak kanina diba? :3

"ANG KAPAL MO TALAGA! Hindi ko lang naman kayang mahandle ang emotions ko kanina. Ang panget mo kasi kumanta!" Bulyaw nya sakin. Medyo bungangera din itong babaeng to e no! Parehas kaming nahiga sa damuhan at tinitignan yung mga bituin.

HeartprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon