CHAPTER TWO.
Bumalik ako sa apartment ko para magbihis. Nakakahiya naman kasi kung pupunta ko ng tugtugan ng naka uniform ano?
*beep beep*
AY PALAKA! Ano ba yun! Sino ba yun! Bigla bigla nalang bumubusina sa harap ng apartment namin. Magagalit yung landlord namin nyan e! ><
Bigla nalang pagkalabas ko ng apartment ko may nakita akong red na sports car! SOBRANG KINANG!
May lumabas na lalaki, nagtanggal ng shades.
EEEEENK!
Sana nanatili nalang sya sa sports car nya -.-"
"So, dito ka pala nakatira. Apartment huh."
I rolled my eyes and answered him in a sarcastic tone.
"Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng nag aaral sa mamahalin na school at sa apartment tumitira?"
Tinitigan nya lang ako ng 5seconds hanggang sa nagsalita sya ulit.
"Lets go, Get in the car." HUH!? O.o GET IN THE CAR!? ANO TO KIDNAP!? Ay hindi, hindi kidnap. RAPE!? Jusko! Di pwede. Ang bata bata ko pa!!
"Bago mo ko titigan ng ganyan, pumasok ka muna sa kotse. Malelate na ko!" Bumalik ako sa tamang ulirat nung nagtaas na sya ng boses. ABA!
"Excuse me Mr. Zildjian Rodriguez, ang alam ko e si Matthew ang magsusundo sakin at hindi ikaw." pagtataray ko.
"AT SINO BANG NAGSABING GUSTO KITANG SUNDUIN HA!?" sigaw nanaman nya. Aba aba sumusobra to!
"Kung hindi lang ako napupush sayo, hindi ko gagawin to e." nagmumurmur na sya ngayon, hindi ko maintindihan yung huling sinabi nya. Ano daw yun?
"Alam mo before I change my mind, tara na." Sabi ko kay Dayne. E ang tagal tagal kasi! Nasisigawan ko na tuloy! Ughh Matthew! Humanda ka talaga sakin! Naflatan daw sya ng kotse kaya hindi sya ang magsusundo.
Hanggang ngayon nakatingin lang si Dayne sakin, ano bang balak ng babaeng to! KUNG AYAW NYANG SUMAMA SAKIN, EDI WAG! Di ko din naman sya gustong kasama no!
Sumakay ako sa kotse ko, Ayoko ng magsayang ng oras dito. Kung ayaw nya di wag! Umalis ako at nakatingin ako sa side mirror ko habang palayo ng palayo ang kotse ko sakanya e nakikita kong sinundan nya ng tingin yung kotse ko.
T..Teka ano to? RAINDROPS? Ohshoot! Umuulan!! Ughh! Kainis! Masyado kasi akong nagdedaydream kay Zild e. Nag enjoy ako tignan sya. Ayun inalisan na pala ako di ko pa alam. hu hu. Ayan umuulan na pala, nababasa na ko. Papasok na sana ko ng apartment ng biglang may kotse nanamang tumigil sa harapan ko. Bumaba ang window nun at nagulat ako ng si Matthew ang nakita ko.
Hi Dayne. Tinignan nya yung orasan nya. Im sorry for what happened earlier. Look your wet. Lumabas sya ng sasakyan at nilagay sakin ang jacket nya *u* KILIG NAMAN ANG MANANG! Pinagbuksan nya ko ng sasakyan nya at pumasok naman ako. Eh eto lang naman ang inaantay kong gawin ni Zildjian kanina sasama naman ako e! Buti pa tong si Matthew, gentleman. Ang bango ng jacket nya :"""> Eeeh! Teka nga Dayne. WAG MO NGA PAGNASAHAN YUNG MAGBESTFRIEND. Sino ba talaga! Si Zild o si Matt? -.-" Naputol nanaman yung imagination ko nung nagsalita si Matthew.
Look, we still have 45minutes. Change your clothes. You're wet. Sabi nya. Di ko napansin nagstop na pala ang kotse nya sa isang condo unit. Pumasok kami.
Umm, Look Im sorry but can you wait for 10minutes? Ayan ayan! Napapa-english ako ng wala sa oras. Ano ba Matthew. -.-" Naalala ko wala pala akong damit pambabae. Basang basa kasi sya ng ulan. Ano bang ginawa dito ni Zildjian e sabi ko sunduin nya. Looks like my plan didn't work >< Pag talaga nagbagal pa yang Zildjian na yan e ako ang poporma dito kay Dayne!
Nagpunta lang ako sandali sa pinakamalapit na mall at binilan si Dayne ng isang dress. Sana magustuhan nya to at bumagay sakanya. Pagkabalik ko sa condo ko, Pinagbihis ko na sya kaagad. At paglabas nya ng kwarto ko... *jawdrop* She's stunning!! Ang cute nya sa mini dress na floral na binili ko para sakanya sa Forever 21.
Thanks Matthew, I'll pay you back, promise! Sabi nya tsaka sya ngumiti ng pagkaganda.
No need, lets go? Tumango lang sya at pumunta na kami sa venue ng tinutugtugan namin.
**
A/N
Excited na ba kayo para sa magiging reaksyon ni Zildjian pagkakita kay Dayne na sobrang ganda ngayon? So sinong mas gusto nyo para kay Dayne? Si Zildjian or Matthew? Oh by the way. Gusto nyo bang makita si Matthew? Andun yung picture nya sa side! Hi hi :"> Su Ho as Matthew Reyes! I'll update soon! VOTE AND COMMENT PLEASE! <3 <3
BINABASA MO ANG
Heartprints
RomansMagpapakasal ka sa iba para lang makalimutan mo yung taong talagang mahal mo? Eh pano kung unti unting napapalapit yung loob mo sakanya tapos biglang bumalik yung mahal mo?