Chapter Fifteen:

29 4 1
                                    

Chapter Fifteen:

I woke up this morning feeling great.

Masaya ako kasi hindi pala panaginip yung nangyayari. Lahat ng nangyari kagabi, TOTOO.

Lumabas ako ng bedroom ng makita ko si Zildjian na inaayos yung pagkain na kakadeliver lang.

Lumapit ako sa table.

"Goodmorning." Sabi nya at ngumiti naman ako. Kumain kami sandali ng biglang nagsalita sya ulit. "May beach party at 8PM. Mag ready ka ha." at tumayo na sya.

Hindi ko alam pero I can feel the coldness sa tono ng boses nya. Samantalang kagabi eh sobrang sweet neto sakanya.

Mabilis lumipas ang oras kaya hindi ko namalayan na sa kanonood ko ng Disney Movies eh 3:30 na pala.

Sayang naman yung araw kung hindi ako lalabas at magkukulong lang dito sa hotel.

And by the way readers, nasa bedroom si Zildjian kung hahanapin nyo. Anong ginagawa? Wala. Surfing sa internet.

Pumasok ako ng bedroom para magpaalam sakanyang lalabas lang ako sandali.

"Zild, lalabas lang ako ha." masigla kong sabi pero tinignan nya lang ako at hinarap ulit ang cellphone nya.

What's wrong? Sinubukan ko syang lambingin. Lumapit ako sa harap nya at inalayo ang cellphone sakanya and kissed him. But he did not response.

"Akala ko ba aalis ka?" tinulak nya ako para maputol ang moment at kinuha ang cellphone sa kamay ko.

Napahiya ako. Hindi ko alam ang iisipin ko. Bakit? Bakit ang cold nya? Tinignan ko nalang sya sandali at tumayo narin.

Nagpalit ako ng short na navy blue at hanging blouse. Sinulyapan ko sya sa huling beses pero hindi parin nya ko pinansin.

Naglakad lakad ako sa dalampasigan at sinisipa ang mga buhangin habang malalim parin yung pag iisip ko kung bakit sya ganun ka-cold sakin ngayon. ILOVEYOU. Malinaw na nadinig ko yun mula sakanya kagabi.

Haaayyy. Malalim kong buntong hininga. Hindi ko na talaga alam kung anong iisipin kong rason para magkaganun sya. Umupo ulit ako sa dalampasigan. Madami akong nakikitang couples na namamasyal dito >_<

"Maghihiwalay na to sa Linggo, promise. Tapos iyun naman magbebreak din yan." mahina kong sinasabi at tinuturo turo ko pa yung mga couples na nakikita ko ng biglang may umupo sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo?" lumingon ako sakanya at nakita ko ang isang lalaki na naka-shades. Makisig, yummy. AYJUSKO DAYNE HWAG. TUKSO. Breath in. Pero di ko makalma ang sarili ko kasi... ANG POGI. Naku! Pero kahit na ganun, syempre chix padin ako.

"Sino ka?" tanong ko. "Ay, Ako nga pala si Charles. And you?" ngumiti ako dahil tumingin sya sakin. Singkit ang mga mata nya, nung ngumiti sya e may dimples pa.

"Dayne." sagot ko naman. "Eh ano ngang ginagawa mo?" tanong nya ulit. Natawa naman ako. Kasi ang weird talaga ng ginagawa ko. HAHAHAHA. Hindi ko sya sinagot at iniba nalang ang takbo ng usapan namin. Napatagal ang kwentuhan namin kaya hindi ko napansin ang oras. Pinanood naming lumubog ang araw. Nakatingala kami ng bigla syang magsalita.

"May beach party pa mamaya. Pupunta ka ba?" -Charles.

"Oo, Ikaw?" -Dayne.

"Syempre naman. Para ma-enjoy ko yung tour dito. Osya, aalis na ko. See you there." Pagpapaalam ni Charles at tumayo na sya.

"Ay teka, Ako din. Babalik na sa room para magready." Akmang tatayo na ako ng bigla nyang i-offer ang kamay nya para tulungan ako. Ngumiti ako at tinaggap yun.

HeartprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon