Chapter Eight Point Two.

37 3 1
                                    

Chapter Eight Point Two:

Hindi na ako pumapasok ng school simula nung nangyari ung fixed marriage.

Nakakahiya naman kung magpapakita pa ko kay Zildjian.

Hindi padin maalis sa isip ko yung mga sinabi nya.

I will never love you back.

Masakit padin. KASI mahal ko talaga sya.

Pero kung ganun narin naman ang sitwasyon...

Handa akong magmove on.

Ayoko naman maghabol ako ng maghabol.

Alam ko kung kailan ako dapat susuko.

At kung kaya kong gawan ng paraan ang kasal na to, gagawin ko.

May annulment naman e.

Kailangan kong magmove-on.

Kailangan kong kalimutan si Zildjian.

Kung gano ko kabilis nahulog sakanya, sigurado ganun din ako kabilis makakamove-on. *SANA*

Naudlot yung pag iisip ko ng biglang may kumatok sa apartment ko.

Nakita kong si Zildjian yun at agad kong pinapasok.

Ano baaaa, magmu-move on nga e diba. BAT KA PA ANDITO. Kailangan ko ng magmove forward.

Bago pa sya magsalita, inunahan ko na.

"Kung pag uusapan natin yung tungkol sa kasal, hwag kang mag alala Mr. Rodriguez, magpapa-annul tayo." kinuha ni Dayne lahat ng lakas nya upang masabi ito at ngumiti na parang WALANG nangyari.

Ganun na lamang ang pagkagulat ni Zildjian sa sinabi ni Dayne. Bakit? Bakit biglang nagbago si Dayne?

Eh nung nakaraang araw lang e humahabol pa ito sakanya.

Kung ganito, hindi nya maisasagawa yung plano.

"Dayne, hindi mo ba narinig yung sinabi ko sa parents mo? Pananagutan ko." - Zildjian.

Kumunot ang noo ni Dayne at huminga ng malalim. Masakit, masakit na para sakanya pero kailangan nyang maging matapang. Ayaw nyang magmukang kawawa.

"Pananagutan? Bakit may namunga ba? Wala Zildjian. WALA." -Dayne.

"Umalis ka na sa trabaho mo." bumuntong hininga si Zildjian. Na kinagulat naman ni Dayne. "Sino ka para utusan ako? Hindi pa kita asawa." pagmamatigas parin nya.

"Ang gusto ko, sa office ko ikaw magtatrabaho. Dayne. Umalis ka na din dito. Gusto kong bigyan ka ng magandang buhay kahit na fixed lang ang kasal natin. Sa bahay ko, dun ka na titira. Dun na tayo titira." sinisimulan na ni Zildjian ang mga plano.

"Titira tayo sa isang bahay?" tanong ni Dayne. Naguguluhan sya, naguguluhan sya sa mga mix signals na binibigay ni Zildjian sakanya. Pinaglalaruan ba sya nito? Nung nakaraan, galit na galit si Zildjian, tapos eto. Eto ngayon? "Oo Dayne, titira tayo sa isang bahay." sagot nito at ngumiti.

"Hep!" sigaw ni Dayne at agad naman syang pinigilan ni Zildjian sa pagsasalita "Hwag kang mag-alala, kung gusto mo e gumawa ka ng rules natin sa loob ng bahay. Gumawa tayo ng rules." sabi ni Zildjian.

Napangiti si Dayne. Sa pinapakita ni Zildjian ngayon alam nya sa sarili nyang hindi nya kaya.

HINDI NYA PARIN KAYANG TALIKURAN ANG NARARAMDAMAN NYA KAY ZILDJIAN.

Pero ayaw nya na rin itong ipakita. Ayaw na din nyang ma-reject ulit.

Kaya mamahalin nya nalang si Zildjian ng patago. NG SYA LANG ANG NAKAKAALAM.

Habang patuloy at pakonti-konti syang lalayo dito.

Dahil alam nyang hindi nya kaya ang BIGLAANG pagmu-move on.

No Dayne, put your guards up. Dont let him come in again. Lock your heart. Makakamove on ka. Wag ka nga lang magpapaloko ulit sakanya. Sabi ni Dayne sakanyang sarili.

**

A/N

Eto na ang bagong simula :) Titira sila sa iisang bahay. Dun sisimulan ni Zildjian ang kanyang mga plano. PERO PANO? Paano kung si Dayne mismo ay hindi papayag na lokohin at papasukin ulit sa puso nya si Zildjian? Pano kung pati si Dayne ay maglaro? Magloko? Anong mangyayari sakanilang dalawa?

HeartprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon