Chapter Eighteen:
Hinintay ko si Dayne matapos mag-shower.
Gusto kong mag Explain sakanya. Mag sorry hanggang sa mapatawad nya ko.
Ang landi ko na siguro sa paningin nyo readers kasi may Rain na ko tapos gusto ko may Dayne pa ko.
Pero kasi hanggang ngayon, tinitimbang ko padin ang feelings ko. Malabo pa sakin ang lahat... Masaya ko sa tuwing nakakasama ko si Rain. Sobrang na-miss ko sya. Sya na din kasi ang kababata at bestfriend ko since birth. Sya din ang minahal ko ng sobra. Pero si Dayne, tinuruan nya kong magbukas ng puso para sa mga taong handang magmahal pa sakin. Tinuruan nya kong magpatawad at mag Let go. Pero bakit naman kasi nung binuksan nya yung puso ko eh hindi nya pa ni-Lock. Ayan, pumapasok tuloy ulit si Rain... Pero ewan! BASTA! ANG GULO. SOBRANG GULO.
Mahal ko si Rain pero gusto ko si Dayne. Nagi-guilty ako kasi hindi ko sya nasundo eh ang sabi ko susunduin ko sya. Naiinis naman ako kasi nung hindi nya sinasagot yung tawag ko, nagdecide na kong pumunta sa park kahit sobrang nahihilo na ako. Nung bubuksan ko na yung glass door eh nakita ko sa labas yung lalaking kasama nya noon sa beach, At yun pa talaga ang naghatid kay Dayne. Kunwaring hindi ko napansin yun nung pumasok si Dayne at nagkunwari pa kong walang nakita pero sa totoo lang naiinis ako sa sarili ko na may ibang lalaking gumagawa ng part ko para kay Dayne. Kung bakit naman kasi tinanggal na nya yung rule #6.
Ang dami-daming iniisip ni Zildjian ng biglang pumasok si Dayne sa kwarto na nakapantulog na. Silk na spaghetti ang suot nito at short. Namumula pa ang ilong nito at maga ang mata kaya mahahalata mong bagong iyak lang sya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya't sinalubong ko sya at niyakap. I hugged her as tight as I can. "Dayne, Im really sorry. Im really sorry." I kissed the top of her head and she pushed me away. Kumunot ang noo nya. Kung pati ang pagluhod ay kailangan, gagawin ko mapatawad lang ako ni Dayne.
Hindi na ko nagdalawang isip at lumuhod ako sa harapan nya dahilan upang manlaki ang mga mata nya. "Sorry Dayne, I was about to pick you up when you're not answering the phone. But then, I saw you... With that guy. Naiinis ako kasi dapat ako ang gumagawa nun sayo. Dayne, Im really sorry." tsaka ko nakapa ang noo ko ng biglang sumakit nanaman ang ulo ko. Shit not now! Napapikit ako sa sobrang kirot ng ulo ko at napatayo. Bigla akong hinawakan ni Dayne sa pisngi at nag aalalang nagtanong, What happened? Pero napapa-Arghhh nalang ako sa sakit. I opened my eyes seeing her na sobrang nag aalala at nagpapanic. Despite sa sakit ng ulo ko eh bigla akong ngumiti at natawa ng mahina.
"Why are you laughing?!" inis na tanong nya at biglang kumunot ang noo sabay bitaw sa cheeks ko.
"You're worried? Mawawala ang sakit ng ulo ko kapag pinatawad mo na ko." Ngumiti ako ng pang-asar sakanya.
"Fuck you." She answered at bigla akong inirapan, tatalikod na sana sya ng nagsalita pa ko ulit... "Sure, fuck me." bigla syang napalingon ulit at sumama ang tingin sakin. Napabuntong hininga sya ng malakas at nasapo ang sentido nya... "Alam mo, nai-stress ako sayo! You're forgiven. Kaya magtigil ka na dyan at baka maging best actor ka pa." she said. After hearing those words, niyakap ko sya kaagad, ng mahigpit! Pero hindi pa tumatagal ang yakap ko eh tinulak na nya ko palayo. I wonder why. Akala ko ba pinapatawad na nya ko?
"Shit Zildjian! Go away from me! Damn it! Ayoko ng amoy mo! Ang baho mo! Umalis ka nga dito! Wag kang matutulog dito!" she shouted.
AKO MABAHO?! EH KAKA-SHOWER KO LANG KANINA AH?!
"Fine fine, I'll take a shower. Sorry." I winked at her and she immediately pushed me palabas ng bedroom.
**
BINABASA MO ANG
Heartprints
RomanceMagpapakasal ka sa iba para lang makalimutan mo yung taong talagang mahal mo? Eh pano kung unti unting napapalapit yung loob mo sakanya tapos biglang bumalik yung mahal mo?