GD's POV
Nasuntok ko siya....
Malamang galit saakin 'yon...
Ang tanga ko kasi...
Siguro nagtataka kayo kung paano ko nalaman ang nangyari kay Christian at Bj. Nalaman ko 'yun kasi matagal ko nang kilala si Bj dahil pareho kami ng gang ng mga kuya niya. Nagka-gusto ako sa kanya noon, at si Gino lang ang nakaka-alam ng tungkol doon. Matagal ko na siyang kilala, kaya hindi niya ako kilala kasi ako daw ang pinaka-tahimik na member ng gang, ang isa pa doon ay hindi ako pala-kaibigan.
Umalis ako ng garden para puntahan si Bj sa kung saan man siya nagpunta. On the way, nakasalubong ko si Jin, tinanong ko siya kung nasaan si Bj pero hindi daw niya alam kung nasaan, ang alam daw niya ay kasama daw ni Bj si Christian. Nag patuloy lang ako sa paglalakad at na kita ko naman si Zayne na naka-upo sa lamesa at tinititigan ang cellphone, maraming beer na naka-paligid sa kanya, siguro na-basted 'to?? Tinanong ko siya kung nasan si Bj ang sabi naman niya nasa kwarto daw umiiyak.
Tama nga ang hinala ko at nasa kwarto siya.
Umakyat ako sa kwarto ni Bj at nakita ko siyang nagbibihis. Bakit kaya?? Pumasok ako ng kwarto ni Bj at nilapitan siya.
"Saan ka pupunta??"-mahinhing tanong ko sa kanya
"Sa mall. Diba sabi mo na magdedate tayo??"-Bj
"Ahh.. Oo nga noh..."
Ano ba 'yan?! Nagiging ulyanin na ba ako?? Nanatili lang akong tahimik at iniinspeksyon ko ang kwarto ni Bridgette. Pag-bukas mo ng pinto ay nasa-gitna ang kama a may dalawang bedside table, isang may naka-lagay na lamp at yung isa naman ay may naka-lagay na vase at picture niya, mayroon ding dalawang pinto doon na isang walk-in closet at banyo, mayroon siyang sariling veranda na may sliding GLASS door, sa tapat naman ng kama ay ang kanyang closet at study table, color black at may mga maliliit na flower ang pintura ng kwarto niya na angalam ko ay siya din ang nag-pintura, mapag-hahalataan niyo talaga siyang mayaman at spoiled dahil sa hitsura pa lang ng kwarto ay mapapanga-nga ka sa ganda.
"Tapos na!!"-masayang sabi ni Bj
Inakbayan ko siya at bumaba na kaming dalawa. Napapansin ko na medyo nagkaka-ilangan saaming dalawa. Sigh...
***mall
Magka-hawak kamay pa rin kami ni Bj hanggang ngayon. Ginamit ko naman yung kotse ko papunta dito, hindi daw kasi marunong mag-commute si Bj. Habang naglalakad kami, nakakita kami ng isang couple na nag tatawagan ng 'baby'... Hmm.. Bakit kami ni Bj walang tawagan??
"Bj. Gawa nga tayo ng tawagan."-me
"Tawagan?"-naguguluhan niyang tanong
"Oo. Yung, babe, honey, baby. Alam mo yun, yung parang pet name.''-paliwanag ko

BINABASA MO ANG
Started with a Slap
Teen FictionAnong mararamdaman mo kung natutunan mo nang mahalin ang isang lalaking ka-fling mo lang tapos bigla kang iniwan?? 'di ba masakit?? Paano naman pag nalaman mong babalikan ka na ng lalaking mahal mo ay bigla ka na lang magkaka-sakit at may 50-50 chan...