Ch13-Project

2.6K 44 0
                                    

Nandito kami ngayon sa music room.

sigh...

silence...

shhh...

Lahat ng tao tahimik. Bawal daw mag-ingay, kaya eto ako. Nakikipag-laro ng titigan kay GD. Kahit ayaw kong makipag-laro sa kanya napilitan din ako dahil nga sa wala ng kaming magawa. Ginawa kaming grade 1 ng teacher namin, ang mag-ingay daw ay malilista a noisy list at isusumbong daw sa aming adviser. Tss...

"Class, quiet down.''

Miss Torres, kung mapapansin mo naman ay kanina pa kami tahimik dito. Kung tutuusin nga ay ikaw dapat ang sigawan ng 'Quiet down' at ikaw dapat ay malista din sa noisy list.

''Malapit na mag second grading kaya ngayon ang magiging project niyo ay ang pagtugtog ng inyong favourite instrument at pagkanta ng tatlo sa inyong favourite songs. Bukas niyo na ipepresent 'yon at sa auditorium kayo tutugtog. Kailangan niyong mag-practice dahil maraming manonood sa inyo, gagawin nating isang competition ang project na 'to. Pwedeng iba-iba ang instument na gamitin niyo, pwede din kayo mag costume para mas maganda ang dating natin.''

"Kami po ba ang magpoprovide ng sarili naming instrument??''-Axel

"Kung drums at piano ang gagamitin niyo ay hindi niyo na kailangan pang mag-dala pa.''

Nanatili lang kaming bored at tila inaantok. Nang lumingon ako sa likod ko para tignan si Angel. Aba!! Lumalandi ang loka!! Magka-hawak kamay sila ni Gino at nagtititigan din, pero mas magka-lapit nga lang yung mukha nila ni Gino at magka-dikit na yung ilong nila. Haaaaaaaaaaaaay!! Ang aking hard to get bestfriend ay naging malanding bestfriend na.

"Miss Garcia at Mr. dela Pena!! Gusto niyo bang mai-sumbong sa principal na gumagawa ng kalokohan dito sa loob ng kwarto??''-Miss Torres

Naghiwalay sila sa pagkaka-hawak ng kamay pero naka-smile pa rin sila at nagbu-blush. Buti nga kayo!! Napagalitan!! HAHAHA!!

"Miss Perez. Ano ang tinitingin-tingin mo dyaan sa likod??"

Shyet!! Na-huli ako. Matindi pa naman mag-pahiya ng tao 'yang si Miss Torres.

Narinig ko namang nag-grin si Clarisse sa likod ko.

WTF?? What the heck is her problem??

''Kung wala ka naman problema Miss Perez. Sige na class... You may go now. Good bye.''

lumayas kami ng room ng hindi kami nagpapaalam sa teacher namin.

''Ano ba ang nagagaw ng music sa buhay natin!? Bakit pa natin 'yang pag-aralan!?''-sabi ni Adrelleane

Abat ano daw?! Mga walang kwentang kaklase!! Hindi niyo alam ang importance ng music sa buhay.

Nagulat na lang ako nang biglang hawakan ni GD ang napakagnda kong kamay. Nang tignan ko siya, nginitian niya ako nang wagas na parang walang nangyaring masama saaming dalawa. Hindi ako makapaniwalang sasabihin ko 'to... Pero... Kahit na ba galit ako sa kanya...

..

..

..

..

HANGCUTE-CUTE NIIYAAAAAAAAAAAA!!!!!!

Ibahin muna natin yung subject ha??

Ano kaya tutug-tugin ko??

Rock ba o acoustic??

Pag rock kasi, pwede tumaas grade ko dahi magpapasikat ako at maggi-guitar solo ako. Sadyang mahilig lang talaga ako magpasikat.

Pag acoustic naman asi, pwede din naman tumaas yung grade ko dahil maganda naman daw yung boses ko at magaling din ako mag-gitara.

HOY!! Ang sabi ko 'maganda naman DAW' ha!! Sila yung nagsabi noon at hindi ako!!

Tinignan ko lang si GD at pag-lingon ko;

Aba!! Nagawa pa niyang magpa-cute saakin. Baka nakakalimutan na niya na malaki ang kasalanan niya saakin?? Two days stright ang pag-gawa niya ng kasalanan saakin at take note!! Hindi ko pa siya napapa-tawad.

"Why so quiet??"-sabi ni GD out of the blue

''Hmmm... Nag-iisip lang ako ng kakantahin para bukas."

"May naisip ka na ba??"-GD, balik tingin sa daan

"Wala pa nga ehh.. Bakit kasi kailangan pang tatlo kakantahin ehh!!??"

Tinanggal ni GD yung amay niya sa pagkaka-hawak ko at biglang hinawakan niya ang ulo ko.

"Chill ka lang Beej. Baka kakasimangot mo dyaan tuluyan kang pumangit at mapilitan akong hiwalayan ka.."

A-ano?! Hindi!! Ayaw ko ayaw!!

UGH!! Ano ba naman 'yang nagawa mo saakin GD!! Nahipnotize mo na ako ng tuluyan!!

"AND SO?! PAKI KO?! 'di makipag-hiwalay ka saakin!! Para namang may-magagawa ako eh.. sarili mong desisyon 'yang gagawin mo!!"

Tumingin ulit siya sa nilalakaran niya na may konting smile.

"Bj. Girlfriend kita. Kahit na ba may iba na akong mahal, ikaw ang nagko-kontrol ng puso ko... Ok??''

AAHHHHH!! Bakit ka ba ganyan GD?! Pinapatay mo ako sa kilig??

''Gusto mo ba dun na lang kami mag-practice ni Gino sa bahay niyo??''-GD

"Sige. Kayo bahala."-me

***home

Nandito kami ngayon sa kwarto ko, sa veranda, nagpa-practice kami ng kanta.

Kami ni GD ay masama ang tingin sa aming gitara dahil kinakapa lang namin yung cords ng tutug-tugin namin. Sila Angel naman ay nagtatawanan sa isang sulok, nanglingonin ko kung ano ang ginagawa nila. AAAAAAAAAAANSAVEEEEEEEEEH??!! Naka-akbay si Gino kay Angel, parang naka-spoon yung hitsura nila. Si Angel yung naka-hawak sa neak at Gino naman dun sa body. Ngayon ay tumutug-tog sila ng Lucky(Jason Mraz and Cobie Caillat)

Kinalabit ko naman si GD at tinuro sila Angel, tumingin din siya agad saakin at nang makita niya sila Angel ay tumawa siya ng mahina, bumalik naman yung tingin ko kela Angel. Napansin ko na unti-unting nilalagay ni GD yung kamay niya sa balikat ko. Psh...

Started with a SlapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon