Pag katapos ng program ay pina-uwi na din kami. At dahil mga pasaway kami ay hindi muna kami dumiretso sa bahay paeo nasa park lang kami kung nasaan nandoon yung subdivision namin. Madalas naming tambayan 'to ni Angel at ngayon ay pati na rin ang buong Growling Tigers.
May kanya-kanya kaming mundo dito, yung iba nag babasket ball, yung iba naghahanap ng chiks, yung iba nagyoyosi. Kami nila Gino naman ay nasa seesaw lang, tahimik.
"Marunong ka pala mag-violin at mag-piano??"-Gino
''Obvious ba??!!''-Me ang Angel
Nag-shrug lang si Gino at muling natahimik ang paligid.
"Oo Nga pala Bj. Hindi ka ba natatakot kay Clarisse?? Dahil nagka-sagutan kayo kanina??''-Gino
Paano niya nalaman na nag-sagutan kami ni Clarisse kanina?? Haaaay!!! Obvious ba?? Halos lahat kaya ng nag-aaral sa St. Vincent Academy ay mga chismosa Plus sikat pa naka-sagutan ko. Diba??
"Nakipag-away ka nanaman?!"-GD
"Hoy!! Wag mo 'kong pagtataasan ng boses ha!! It's not my fault!! Clarisse approached me!! She's the one who started it!!"-Me
"Hindi naman sa sinasabi kong ikaw ang may kasalananan. Ang pinaparating ko lang sa'yo, bakit 'di ka man lang lumayo or nag tago para maka-iwas ka sa gulo?!"-GD
"Ano naman gusto mong gawin ko kanina?? Mag-tago?? Saan?? Sa ilalim ng mesa?? Sa likod ng curtain?? At isa pa, kanina pa 'yon!! Wag mo na akong awayin pa!!!"
"HOY KAYONG DALAWA!! Ilang linggo na nakalipas ng maging kayo?!"-Gino
''13."-GD and me
''13 na?! Hindi pa rin kayo magka-sundo?! Haro josko!!"-Gino
"Hindi naman kasi gano'n kadaling maka-sundo ang isang GANGSTER."-Banat ko
"At hindi rin naman gano'n kadaling maka-sundo ang MAARTE!!"-GD
"*gasp* Ako maarte?!"
"OO!!"
"Spell slow!!"
"Hindi ako maarte!!"
"HOY TAHIMIK!! May kausap ako sa cellphone oh!!"-Angel
"Ahh... Sorry."-me
"Hello?? Ahh... Opo... O-okey... Sige po... Bye..."
Tumngin saakin si Angel. Hindi ko gusto yung tingin niya saakin na 'yon. Pinaparating niya saakin na dapat kong maging guilty. Pero bakit niya ako binibigyan ng ganon na tingin?? May nangyari bang masama??
"Sino 'yun??"-me
"Si tita. Nag-aalala na daw sila ng dad mo sa'yo."-Angel
"Jinjja?? Nan gwaen ohana opsuh...[Really?? I don't care...]-me
"He!! Tumahimik ka dyaan!! Alam mo ba na simula ng mag-layas ka lagi kang hinahanap ni tita saakin!! Gabi-gabi tinatawagan niya ako. Tiatanong niya ako kung nakita na daw ba kita. Alam mo kung ano sagot ko?! Hindi ko po alam tita. Alam mo ba kung bakit yun yung sinagot ko?? Sinabi ko 'yon kasi bestie kita!! At bilang bestie mo Isuggest na umuwi ka na dahil nandoon ang nanay mo at nag-aalala dahil kung alam mo lang mahal na mahal ka--"
"Akala mo ba Angel gano'n lang kadali mag-patawad Angel?! Hindi!! Nasaktan ako ni Mommy!! Alam mo ba kung gaano kasakit ang mararamdama mo pag-uwi na pag-uwi mo galing school at handa kang ipakita sa parents mo yung star na naka stamp sa kamay mo, tapos pag-uwi mo lang pala nakikita mo na nag-aaway sila?! Palibhasa kasi hindi kayo broken family!! Hindi mo naiintindihan yung kalagayan ko!!"
Tumulo yung luha ko. Nang tignan ko naman si Angel, umiiyak din siya. Siguro na-relize niya ngayon kung gaano kaimportante ang mag-karoon ng mga magulang. Dati kasi sinabi niya saakin na maswerte daw ako dahil hindi daw ako nababantayan ng mga magulang ko. Tss... Akala niya masaya, ang hirap kaya mawalan ng mga magulang.

BINABASA MO ANG
Started with a Slap
JugendliteraturAnong mararamdaman mo kung natutunan mo nang mahalin ang isang lalaking ka-fling mo lang tapos bigla kang iniwan?? 'di ba masakit?? Paano naman pag nalaman mong babalikan ka na ng lalaking mahal mo ay bigla ka na lang magkaka-sakit at may 50-50 chan...