***School
Nandito na ako sa school. Si Angel, kinausap ako kanina, tinanong niya saakin kung sasabihin ko na daw ba yunf totoo kay GD na may sakit ako. Tumanggi ako dahil baka bigla siyang maawa saakin at isa sa mga ayaw ko ay yung kinakaawaan ako nang dahil sa sakit ko.
Parang ang pangit lang kasi pakinggan na minahal ka ng isang tao kasi may sakit ka diba?? Gusto ko na mahal niya ako dahil mahal niya nga talaga ako. Alam niyo yun?? Medyo magulo yung sinabi ko, oo pero..... Basta!! It's a girl thing... Ganun na 'yun!!
Habang nag lalakad kami ni Angel, unti-unting sumusikip yung dib-dib ko. Hinga ng malalim Bridgette. Kaya mo 'yan. Aja!!
Nahihilo na ako. Hindi ko na kaya. Pero ito naman ako, sige lang sa pag-lalakad kahit na ba hilo ako.
Napansin ni Angel na hindi ako ok kaya naman tumigil siya sa pag-lalakad.
"Hoy bestie?? Oks ka lang ba??"-Angel
"O... Oo... O-okey lang... A-a... Akooowwwwwwwww..."
At tuluyan na akong nawalan ng malay.
-___-ZZzzz
o__-
o__o
0__0
>0<;;
Huh?? BAKEEEEEEEEEEEEEEEEET!!?? Ano ba nangyari saakin at nasa cleenic nanaman ako?!
Tumingin ako sa right kong kamay, may dextrose at nakita ko rin si Angel at Gino na natutulog. Nang tumingin ako sa left ko, nakita ko si GD na nakahawak sa kamay ko at naka-bow yung head. Medyo ginalaw ko naman yung kamay ko para malaman niya na gising ako.
"Huh??"-GD
Inangat niya ng konte yung ulo niya at nginitian ako.
Umiwas naman ako ng ingin at tinanggal ko yung kamay niya na naka-hawak sa kamay ko. Tinignan ko lang si Angel at nang maka-tingin ako sa kanya, tumango naman siya.
Alam ko ibig-sabihin noon.
Hinga ng malalin Bj... Wag mag-patalo sa kaba... Kayanin mo 'yan. Alam kong nahihirapan ka pero alam ko na deep inside you na kaya mong gawin 'yan kahit na ba ayaw mong mag-hiwalay kayo.
Pumikit ako at muling bumuntong-hiniga
"GD... Pwedeng lumayo ka muna saakin??"-me
"A-ano?? B-bakit??"-GD
"Basta... Lumayas ka muna sa tabi ko..."
Umalis nga siya at pumunta sa may telepono at may dinial na number.
"Hello!! Oo!! Si GD 'to!! Pumunta ka nga dito sa UERM ngayon!! Mag-uusap tayo!! ASAP!!!"
At binaba niya yung phone at muling tumingin saakin.
"Bakit ha?? Ano ba nagawa kong masama??"-GD
Huh?? Ansavehh??
Hindi ko kasi pwedeng sabihin sa kanya yung tungkol sa sakit ko. Baka kung ano pang mangyari ehh...
"Ano ba ha?? Pinag-laban kita... Bakit ako hindi mo maipag-laban ha?! HA!!??"
Boploks GD... Akala mo lang na hindi kita pinaglaban...
"Sino ba ha?! Si Christian ba??!! Ha?! Si Christian ba?! Mas-minahal mo ba siya kesa saakin?? Mas magaling ba siya?! Hanggang sa naging tayo ba mahal mo pa rin siya?? Bj kung hindi man ako perpekto, kaya kong mag-bago... Mag-babago ako... Para lang sa'yo Bj... Mahal kasi kita kay please... Naman oh..."-GD
BINABASA MO ANG
Started with a Slap
Novela JuvenilAnong mararamdaman mo kung natutunan mo nang mahalin ang isang lalaking ka-fling mo lang tapos bigla kang iniwan?? 'di ba masakit?? Paano naman pag nalaman mong babalikan ka na ng lalaking mahal mo ay bigla ka na lang magkaka-sakit at may 50-50 chan...