Prologue

2.6K 62 1
                                    


" I want the full custody of my niece. " ma-autoridad na saad niya.

" Hindi ako papayag! Akin lang ang anak ko. Tulong mo lang ang kailangan ko.. yun lang, ngayon lang. Pagkatapos nito hindi na kita guguluhin. " matigas na sabi ko.

Tumiim ang mga bagang niya at dumilim ang mukha na para bang gusto niya akong sakalin.

" Sana inisip mo muna ang mga magiging consequences ng ginawa mong paglapit sa akin. Fuentabella ang anak mo, she belongs to our family. She belongs to me. "

" Kalimutan mo na! Maling-mali na nilapitan kita. Wala ka palang puso. " singhal ko.

Tinalikuran ko siya at tinungo ang pinto palabas ng opisina niya. Marami pang paraan, makakahanap pa ako ng ibang paraan. Hindi ganito, maling-mali talaga na nilapitan ko ang lalaking ito.

Tama siya bakit nga ba hindi ko naisip na maaaring kunin nga nila sakin ang anak ko. Ang tanga ko talaga. They're rich as in super filfty rich basta yun lang ang alam ko, hindi ko alam kung gaano sila kayaman.

" Akala mo ba kapag lumabas ka ng pintong iyan e matatapos na itong pag-uusap natin? " napahinto ako.
" You'll just complicate things Miss Vibar, kahit magtago ka pa sa ilalim ng lupa ay mahahanap at mahahanap parin kita. So if I were you, you better settle this thing with me NOW. Kung ayaw mong makarating pa tayo sa korte--- at alam mo na kung ano ang mangyayari. "

Hinarap ko siya at tinitigan ng masama. Right! Dadaanin niya ako sa pera at alam kong wala akong laban. God, I hate this man. Ngayon palang isinusumpa ko na siya. Napaka-rude at walang galang sa babae kung makapag-salita ito ay parang hari at isa naman akong alipin na susunod sa mga sinasabi niya.

" Since my brother is already dead I want Zhanea to carry my name instead. I want her to be my legitimate heiress. "

" Hindi mo pwedeng gawin yan! Wala kang karapatan hindi mo siya anak. " sigaw ko sa garalgal na boses.

Napakagat ako sa labi. Ramdam ko ang pag-iinit ang gilid ng mga mata ko.

Pinagdikit niya ang mga daliri ng kamay niya at sumandal sa swivel chair." You know damn well that I have all the rights baby, she's my brothers' own flesh and blood. You heard me? MY BRO-THER! "

Tinitigan ko siya. " Hindi... Please huwag mo naman kunin ang anak ko sakin. Wala na akong pamilya. Nag-iisa nalang ako sa buhay. Siya nalang ang meron ako. "

Mukhang hindi manlang siya naapektuhan sa mga sinabi ko. " I always get what I want sweetheart, no matter what the cost it'll take. " business-like na saad niya.

" H-huwag mong kunin sakin ang anak ko. Please. " pagmamaka-awa ko. " H-hindi ko kaya. " napahikbi ako, nagsisikip ang dibdib ko. Hindi ko kayang isipin na mawawalay sakin ang anak ko.

Umangat ang isang sulok ng labi niya, " Sana inisip mo iyan nang nagpabuntis ka sa kapatid ko. " nang-uuyam na sabi niya.

" Ang sama mo! "

Nag-init ang ulo ko sa sobrang galit. How dare him! Gusto niya bang palabasin na kaladkarin ako?!

Pumalatak siya. " Okay. " tumayo siya at naglakad papunta sa direksyon ko. " I have a proposal for you, Sweetheart. "

Napalunok ako." A-anong proposal? "

" Magpakasal ka sakin. "

My eyes widenned. Naloloko na ba siya?

The Marriage ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon