Para Sa Ating Anak

134 3 3
                                    

PARA SA ATING ANAK


Isang malakas na sampal ang natanggap mo mula sa iyong ina at sinabing, "Umalis ka na dito kung hindi mo kayang buhayin ang anak mo! Wala akong apo na anak ng isang bampira. Ilayo mo sa akin ang batang 'yan. Salot! Demonyo!" agad mong inakap ang ating anak dahil umiiyak na siya sa sigaw na naririnig niya mula sa kanyang lola.

Nag-umpisa na rin ang pagtulo ng luha mula sa iyong mata. Alam kong hindi mo na kaya ang mga salitang ibinabato ng iyong sariling ina sa'yo. Gusto mo din sana siyang sumbatan pero nanatili kang tahimik habang nakayuko-hinihintay ang mga susunod pang masasakit na salita na ibabato sa'yo ng iyong ina.

Nang wala ng salita ang lumalabas mula sa bibig ng iyong ina ay ikaw naman ang nag-salita, nakayuko ka lang at hindi mo magawang tingnan ang iyong ina sa mata dahil sa kahihiyan. "Pasensya na po inay, 'wag po kayong mag-alala. Ngayon din ay aalis na kami." Matapos mong sabihin iyon ay nagpunta ka sa kwarto at mabilis na inimpake sa isang malaking bag ang inyong mga gamit at saka lumabas ng bahay.

"Ma, saan po tayo pupunta?" tanong ni Justin sa iyo.

"Sa Maynila anak, doon susubukang hanapin ni Mama ang swerte niya. Magtatrabaho si Mama sa Maynila para sa ating dalawa."

Hindi niyo alam na habang naglalakad kayo ay nasa likod niyo lang ako. Sinusundan kung saan kayo patungo.

Sumakay kayo sa isang barko biyaheng Maynila. Siyempre, sumakay din ako dahil sasama ako sa inyo papuntang Maynila. Kahit alam kong hindi niyo ako nakikita o nararamdaman man lang ay gusto kong laging nasa tabi ko kayo.

Gusto ko sana kayong yakapin, gusto kong sabihin kung gaano ko kayo kamahal ng anak natin pero hindi ko maaring gawin. Gusto kong maging ama sa anak natin pero hindi pwede. Gusto ko sanang mamuhay kasama kayo pero wala akong karapatan.

Walong taon na. Walong taon na ang nakakalipas simula nang mawalan ako ng karapatan dito sa mundo ng mga mortal.

***

"Umibig ka sa isang mortal?! Alam mong hindi pwedeng umibig ang isang bampira sa isang mortal. Walang lugar ang pag-ibig para sa inyong dalawa." sabi ni Amang Haring Bampira matapos niyang malaman ang aking pag-ibig kay Celeste, ang babaeng mortal.

Lumuhod ako sa harap ng trono niya at saka nagmakaawa. "Ama! Patawarin mo ako. Pero mahal ko siya, gusto ko siyang makasama. Siya ang gusto kong pakasalan."

"Nahihibang ka na talaga! Hindi pwedeng mangyari ang nais mo. Isang napakalaking pagkakasala ang umibig sa isang mortal. Hiwalayan mo na siya bago pa---"

"Pero Ama, buntis na po si Celeste at ako ang ama." Mas lalo pang tumindi ang galit ni Ama. Napatayo siya sa kanyang trono at saka inihampas sa akin ang hawak na tungkod.

"Wala kang kwenta! Isa kang kahihiyan sa angkan ng mga bampira. Ngayon, isang parusa ang matatangap mo!" Itinapat niya sa akin ang kamay niya at nakita ko ang isang itim na kapangyarihan ang lumabas mula dito. "Magmula ngayon, wala ka ng karapatan pa sa mundo ng mga tao. Sa oras na pupunta ka sa mundo nila ay hindi ka nila makikita, maririnig at mararamdaman. Wala ka ng karapatan pang makahalubilo mula sa mga tao!" Matapos sabihin iyon ni Ama ay naramdaman ko na lang na para bang may isang enerhiya ang unti-unting nawawala sa aking katawan.

"Ama!" Pilit kong inaabot ang laylayan ng suot ni Ama pero lumalayo lang siya sa akin. "Parang awa mo na. Hindi ko kakayanin ang parusang ito."

Ano ba kasing mali sa pagmamahal na ibinigay ko para sa isang tao? Bakit ba kasi may pagmamahal na bawal at pwede? Ano ba ang pinagkaiba ng pagmamahal na pwede sa bawal? Hindi ba't parehas lang na pag-ibig ang tawag doon? Bakit kailangan pang may kuwalipikasyon ang pagmamahal.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

VOLUME 3: LIKE A SUPERNATURAL WOMANWhere stories live. Discover now