Panaginip

92 2 6
                                    

PANAGINIP


Monday na naman. May pasok na ulit pero masaya ako at nagpapasalamat dahil buhay ako at malakas pa. Marami na naman akong magagawang trabaho sa opisina nito.

"Makababa na nga," ani ko habang nag-aayos at nakatingin sa salamin.

Pababa na ako ng hagdan nang mapukaw ang aking atensyon sa isang hindi ko inaasahang balita sa telebisyon.

News report: Sikat na pintor na si Marco Lopez at ang kanyang nobya, magpapakasal na. Malalaman natin ang mga detalye mamaya sa Patrol ng Bayan."

Si Marco? Magpapakasal na pala talaga siya.

"Ate, si Marco, ikakasal na raw," wika ng aking kapatid na si Aira.

"Narinig ko! Hindi ako bingi!" gigil kong sagot.

"Okay. E, bakit nakasigaw ka?" ani Aira.

"Wala! Papasok na ako sa trabaho. Maiwan na kita riyan."

"Ang sungit mo! Tatanda ka talagang dalaga!" pahabol pa ng bwiset kong kapatid.

Ang ayos-ayos ng umaga ko tapos 'yan ang mababalitaan ko. Hay buhay nga naman! Makapaglakad na nga lang kaysa mag-commute.

"Iha, sandali." Ha? Ako ba yung tinatawag no'ng matanda.

"Ikaw nga. Lumapit ka rito."

"Lola, bakit ho?" ani ko habang lumalapit sa matanda.

"Wala ka pang asawa hindi ba?" Ano raw?

"Nakikita ko sa 'yong mukha na problemado ka at wala sa sarili."

"Marami lang ho kasi akong inaasikaso. Mauna na ho ako ha!" Ano ba naman 'tong matanda na 'to pakielamero.

Nagulat ako nang sa pagtalikod ko ay narinig kong nagsalita muli ang matanda.

"May magagawa ka pa para hindi sila magkatuluyan." Matapos itong sabihin ay nakarinig ako ng kakaibang tawa na nagpakilabot sa buo kong katawan.

"Ano bang nangyayari sa akin? Nahihibang na yata ako."

"Hoy, Lira! Kinakausap mo na naman ang sarili mo," Ani Maria.

Tiningnan ko lang siya at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Kaya ka hindi nagkakanobyo e. Puro trabaho ang iniisip mo. Magpahinga ka naman."

"Mas mabuti na ito at marami akong nagagawa kaysa sa 'yo na nakatunganga lang," sambit ko saka tumawa ng mahina.

"Team, makinig kayong lahat sa sasabihin." Lahat kami ay lumapit sa nagsasalita at nagulat na lang ako ng tawagin ang pangalan ko at...

"Lira, inaayos na namin ang nga papeles mo. Ayusin mo na rin ang mga gamit mo dahil lilipad ka papuntang Japan bukas ng tanghali," wika ni boss.

"Pero, Sir... biglaan naman po yata 'yan." Japan? Bakit sa Japan pa.

***

Kinabukasan...

All passengers on Rio flight 2218 must go to the gate. The plane will begin boarding in 30 minutes."

Bakit ba kasi ako pa ang napili. Bakit ngayong araw pa? At bakit sa Japan pa?

"Dahil may magagawa ka. May dapat ka pang gawin." Yung matanda!

"Ano hong ginagawa n'yo rito at anong sinasabi n'yo?"

"Mahal mo pa rin siya, no? Dapat ikaw ang pakakasalan niya pero hindi siya nakapaghintay. Dapat kayo ang magkasama sa Japan at hindi ang babaeng 'yon." Nagulat ako ng may itinuro siya sa bandang kanan at nakita ko ang magkahawak ng kamay na magkasintahan. Sila nga! Ang dalawa taong gusto kong mawala na sa buhay ko.

VOLUME 3: LIKE A SUPERNATURAL WOMANWhere stories live. Discover now