Ang Katotohana Sa Bantayan

98 1 3
                                    

ANG KATOTOHANAN SA BANTAYAN


Halos limang oras na rin akong naupo sa upuan ng bus pero hindi pa rin kami dumarating sa probinsyang iyon.

"Miss, bibili ka ba ng mais?" tanong sa akin ng isang lalaking sa tingin ko'y nasa kinse pa. Wala akong sinagot bagkus ay tinitigan ko lang siya. Nahalata naman niyang ayaw ko kaya umalis na rin siya.

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagbabasa nang biglang tumawag ang boss ko.

"Lea, remember, you only have one week para sa main article nating 'to. Dapat may makuha kang impormasyon or else!"

"Alam ko na, okay? Or else... wala na akong trabahong babalikan. Kailangan mo bang ipaulit sa akin 'yon?"

"At sumasagot ka pa talaga?!" Kahit hindi ko siya kaharap, alam kong lukot na naman ang mukha niya.

"Sino ba naman kasing nagsabing ako ang pagawin niyo nito? Alam niyo namang hindi ako naniniwala sa mga ganyan! Hindi na ako bata para maniwala sa mga pinagagawa ng mga kabataan ngayon!" Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. Binaba ko na lamang ang telepono.

Halos dalawang oras pa ulit ang hinintay ko at sa wakas nakarating na rin kami sa isang maliit na bayan. "Narito na tayo sa Daan Bantayan! Pwede nang lumabas!" sigaw ng konduktor at dali-daling nagsialisan ang mga pasahero.

Hindi muna ako lumabas at hinintay na maubos ang mga tao sa bus habang nakatingin sa kulay bughaw na langit na humahalik sa dagat. "Malapit na pala ako sa islang 'yon," sabi ko sa aking sarili at kinuha na ang bag at bumaba.

Malapit lang naman ang palengke ng lugar na ito sa pantalan kaya pumunta muna ako sa isang tindahan ng mga kakanin.

"Magandang tanghali po!" bati ko sa matandang tindera na abalang nag-aayos sa kanyang paninda.

"Magandang tanghali, hija!" nakangiti naman niyang sagot.

"Pabili po ako ng isang ampaw," sabi ko at saka umupo sa upuan na nasa harapan ng tindahan.

"Heto, hija." Inabot naman niya sa'kin ang ampaw at nagbayad naman ako.

"Manang, kilala niyo po ba 'yong si Manong Jose?"

"Si Jose? Oo naman! Bakit hija?" Abala pa rin ang matanda sa pag-aayos.

"Sabi po kasi ng mga nakausap kong nakapunta na sa Bantayan Island, siya po ang may pinakamurang pabayad papunta sa Bantayan," sunod-sunod kong sagot.

"Buti sa akin mo nasubukang magtanong, pupunta rin kasi siya rito para magdala ng isdang pang-ulam ng mga anak ko. Sa tingin ko, malapit na 'yong dumating."

"Sige po, salamat." Patuloy ko na lamang nilamlam ang masarap na ampaw habang tumitingin sa dagat. Animo'y kinakausap ako nito na lumangoy at magpakasaya sa ilalim ng mainit na araw.

"Hija, sa Cebu City ka ba galing?" biglang naitanong ni manang.

"Opo. May pinapatrabaho po kasi sa akin."

"Trabaho? Ito ba iyong tungkol sa bampira sa isla?" bigla akong napahinto nang sabihin iyon ni manang.

"Pa'no niyo po nalaman?"

"Nakita ko kasi sa I.D. mo at saka pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa bampira na nakita umano sa isla ng Bantayan," matawa-tawa pa ang matanda nang sabihin niya ang mga ito.

"Bakit po kayo natatawa?"

"Kasi naman, paanong magkaka-bampira roon, e, sa halos limampung taon ko sa lugar na ito, alam ko na tanging ang buong angkan lamang ni Jose ang nakatira sa islang 'yon. Kung meron mang maybahay do'n, nakaalis na... malayo kasi sa kabihasnan."

VOLUME 3: LIKE A SUPERNATURAL WOMANWhere stories live. Discover now