Hamog ng Bukang Liwayway

152 1 6
                                    

HAMOG NG BUKANG LIWAYWAY


"Huwag mo kong iwan," muli niyang pakiusap, mahigpit na yumakap sa likod nito bago ito tuluyang makalabas sa kanilang silid.

"Babalik ako. Pangako," pigil ang emosyon nitong sabi. Mahigpit nitong hinawakan ang mga kamay niya at inalis sa pagkakayakap sa katawan—

Napatigil si Cai sa pagtipa sa keyboard nang maramdaman ang dampi ng mga labi sa kanyang leeg. Hinahagkan siya ng kanyang halos isang taon nang ka-live in na si Jiro, ang lalaking labing-isang taon ang bata sa magku-kwarenta niyang edad.

"Tara na. Kanina pa naghihintay ang kama," anito in his seductive voice habang ang mga kamay ay humahaplos sa gilid ng kanyang magkabilang dibdib pababa sa kanyang katawan.

"Ssshh," awat niya rito. Mapusok ang binata at nadadala siya. Palibhasa'y nasa kasagsagan ito ng kabataan habang siya nama'y... napag-iiwanan na. Hindi niya nga alam kung bakit patay na patay ito sa kanya. Granted she looked younger than her age dahil sobrang alaga niya ang sarili, uso na kasi sa edad niya ang naglalabasan ang mga sakit at pagkulubot ng balat, pero ang gaya ni Jiro, lalo at matikas at may itsura, ay dapat sa fresh and young women naaakit. Pero sabi nga nito, she's sexy. Her mind, that is, bukod sa iniidolo siya nito. Bakit hindi? Siya lang naman ang manunulat ng Sweet Blood, ang vampire trilogy na naging international bestseller at umani ng milyon-milyong tagasubaybay na ang ila'y gusto na ring maging bampira dahil naging obsesyon ang kanyang mga bida. Dahil din sa akda kaya niya nakilala si Jiro. Ito kasi ang gumanap na bampira nang isapelikula ang kanyang libro. Aakalain ba niyang ang crush niya ay may hots din sa kanya. Attraction din talaga ang pagiging creative at brainy regardless of age. Basta ginagamit lang at alam gamitin.

Ngayo'y sumusulat siya ng manuskrito ng isang webserye. Tatlong buwan pa lamang niya iyong sinusulat pero iyon na ang pinakaaabangang webserye ng milyon-milyong Finoy. Patay na patay talaga ang mga kababayan niya sa istoryang may vampire theme.

Sinuway niya ang patuloy na paglikot ng mga kamay ni Jiro dahil deadline na ng tatlong chapters na ipa-publish ng alas-dies ng umaga sa araw na iyon. At 3:00 AM na.

"Una ka na. Promise, sunod ako once na matapos 'to."

"'Yan din ang sinabi mo nitong nakaraan pero ilang araw na kong natutulog at nagigising mag-isa sa higaan. Tigang na tigang na boylet mo o," inis kunwa nitong sabi pero alam niyang nagpapakyut lang ito.

"Last na 'to. Last chapter na talaga. After nito, go, pakasawa ka. Sige na, iniistorbo mo ko. Mawawalan ako ng kabuhayan kapag na-delay 'to," taboy niya rito. Matapos ang ilang sandali pang landian ay napapayag na rin niya itong matulog mag-isa. Hinarap niyang muli ang laptop at humandang tumipa ng mga bagong letra.

4:30 AM
Tulala siya sa monitor. Wala nang magandang daloy ng kwentong pumapasok sa isip simula ng abalahin ng boylet. Tumayo siya upang mag-stretching. Nag-jumping jack siya pero blangko pa rin ang isip. Sa huli'y lumabas siya sa silid upang maglagalag at magpahangin sa deck ng kinalululanang barko. Kapag ganoong biglang natulog ang kanyang creative mind, nag-a-unwind siya. Kapag kasi ginagawa iyo'y dinadaluyan ng kakaiba at aktibong mga senaryo ang kanyang utak. Buti na lang nasa isang tourist trip siya, tumatakas sa pressure ng pamilya't lipunan upang mag-asawa.

Tch. Akala nila ganoon lang kadaling mag-asawa. Eh pihikan nga ang puso ko, ano, basta na lang?

Makalipas ang halos isang oras na paglibot sa barko, bumalik na siya sa silid. Saktong pagbukas niya ng pinto ay nakarinig siya ng nabasag na salamin. Guarded niyang binuksan ang pinto. Nasilip niyang bukas at basag ang seradurang bahagi ng windowpane at... Pabalabag niyang nabuksan ang pinto.

VOLUME 3: LIKE A SUPERNATURAL WOMANWhere stories live. Discover now