Last Wish

104 2 3
                                    

LAST WISH


TUMANGO lang siya sa dalawang flight attendant na bumati sa kaniya bago umupo sa pinakaunang upuan na kaniyang puwesto. Pagkatapos ipinikit niya ang mga mata. Tulad ng dati, sari-sari ang pumapasok sa kaniyang isipan. Pakiramdam niya, punong-puno ang kaniyang utak ng mga bagay na hindi naman niya malaman kung ano.

I feel tired for everything. Sana mag-crash ang plane na sinasakyan ko para naman matapos na ang buhay ko. I want my self to be recreated...

Naipilig niya ang kaniyang ulo, napaka-negatibo ng kaniyang naisip pero gumaan ang kaniyang pakiramdam. Bakit gano'n parang puro negatibong bagay na lang ang nakapagpapagaan ng aking kalooban? How strange...

Simula nang mawala sa kalendaryo ang kaniyang edad naging gano'n na siya. Gano'n talaga siguro kapag tumatanda na pero hindi pa rin stable. Napakaraming bagay pa ang nais niyang gawin pero pakiramdam niya ubos na ang kaniyang oras. At nagdudulot iyon ng matinding pressure sa kaniya.

"Kailan ka mag-aasawa?"

Idagdag pa ang tanong na iyan na palagi niyang naririnig sa mga kaibigan, pamilya't kaanak. Nakaka-depress! Hindi pa kasama riyan ang panenermon na palagi niyang natatanggap sa kaniyang lola tungkol sa pagiging ulirang anak.

Madalang siyang umuwi sa bahay ng mga magulang; sampong taon na siyang nangungupahan mag-isa; bihira siyang tumawag para mangumusta sa mga ito kaya hindi raw siya ulirang anak!

Kahit na sinasadya naman talaga niyang gawin ang bagay na iyon. Dahil mas lalo lang siyang napi-pressure kapag nasa bahay siya. Puro pag-aasawa na lang kasi ang naririnig niyang topic.

Siya ang panganay sa anim magkakapatid kaya noong naka-graduate siya at nakapagtrabaho wala siyang ibang inisip kun'di ang magkaroon ng malaking suweldo para sa lima pang kapatid na tinutulungang makapag-aral, na nagsipag-asawa rin naman ilang buwan matapos makagraduate.

Sabi ng kaniyang lola, bilang panganay, dapat ay palaging mapagbigay siya sa kaniyang mga kapatid dahil responsibilidad niyang tulungan ang kanilang mama at papa tungkol sa bagay na iyon. Ang kaniyang lola ang nagpa-aral sa kaniya sa kolehiyo kaya sinusunod niya anuman ang sabihin nito. Ginawa niya ang lahat para sa masuportahan ang mga magulang at mga kapatid. Hindi na niya namalayang napabayaan na niya ang kaniyang sarili at ngayo'y nagdudulot iyon ng matinding kahungkagan sa kaniyang kalooban.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niyang muli. Ilang saglit pa'y tumunog ang kaniyang telepono para sa isang tawag.

"Beatrice, bakit wala ka pa rito sa office?" bungad ng ka-office mate niyang si Maggie na hindi nauubusan ng pinapagawa sa kaniya sa kanilang opisina.

"Hindi ako papasok-"

"Ano?! May tatapusin tayong monthly report, tapos ipa-follow up mo pa 'yong mga request papers-"

"Magri-resign na ako kaya ikaw na ang gumawa lahat niyan!" Inis niyang putol sa mga sasabihin pa nito bago pinatay ang cellphone. Ini-off niya iyon para wala nang maka-istorbo pa sa gagawin niyang pag-alis.

Gusto niyang mawala sa siyudad na walang sinuman ang nakakaalam. Hindi naman siguro masamang takasan ang mga taong sinadya na yatang alipinin siya sa bawat araw ng kaniyang buhay? Halos buong buhay niya ay umikot na lang para ibigay ang kagustuhan ng iba. She felt listless but tired kaya walang makakapigil sa kaniya na umalis patungo sa lugar na pinangarap niyang marating.

May katulad ko pa kayang babae ang nabubuhay sa mundo? Wala sa sariling tanong ng kaniyang isipan maya-maya. Iilan lang ang kaniyang masasayang alaala, maging ang mga bagay na nagbigay sa kaniya ng ngiti. Naiinggit siya sa mga kaibigan at kaklase noon. Halos lahat sa mga ito ay masaya dahil naging stable sa buhay; nangibang bansa man o nag-travel sa iba't ibang lugar. Ang iba'y hindi man naging ganoon ka-stable sa career ay masaya naman sa buhay-may asawa.

VOLUME 3: LIKE A SUPERNATURAL WOMANWhere stories live. Discover now