Chapter 6

4.6K 126 11
                                    

Gulat na gulat kaming lahat sa sinabi ni ina. Nanatili lang kaming tahimik at walang nagsasalita sa amin. Nagulat kaming nanganganib ang kaharian, ngunit mas nagulat kami nang sabihin niya na kami ang dapat magligtas dito.

Ano ang ibig niyang sabihin?

"Is it because of Renee?"

Kung sobra na akong nagulat sa sinabi ni ina, ay mas nagulat ako sa tanong ni Shanum. Nanlaki din ang mga mata nila Seeya at Azul at tinignan si Shanum ng masama.

Anong ako ang dahilan? Dahil ba nandito ako kaya nanganganib ang karagatan?

May nagawa ba akong mali?

"Partly, yes. Isa si Renee sa dahilan dahil nais siyang gamitin ni Azura para sa kanyang mga plano." sagot ni ina.

What the fuck? Sumasakit na ang ulo ko sa mga sinasabi nila. Who in the hell is Azura?

Parang nanigas sila sa kinatatayuan nila. Wala nang muling nagsalita pa at para silang napipi. Sino ba si Azura? Ano ang kailangan niya sa akin? Siya ba ang nais kumuha sa akin noon?

Gusto ko sanang isama sa mga iniisip ko ang pagsalita nila Ina at Shanun ng English dahil akala ko ay purong tagalog lang ang salita nila ngunit baka mas lalo lang sumakit ang ulo ko.

"Alam kong naguguluhan kayong lahat. Kaya ipapaliwanag ko sa inyo." muling saad ni ina.

Napansin niya siguro na wala ng may balak magsalita pa sa amin dahil sa pagkagulat.

Napaisip naman ako. Kanina lang ay nag nagpaliwanag siya sa akin ng pagkahaba haba tapos magpapaliwanag ulit siya ngayon? Hindi kaya yun nakakapagod at nakakatuyo ng laway?

Oo nga pala. Nasa karagatan kami kaya hindi siya matutuyuan.

Lahat ng aming mga mata at tainga ay nakatuon kay ina. Naghihintay sa mga susunod niyang sasabihin.

"Dahil bago si Renee dito ay sisimulan ko mula sa simula. Bago maipatayo ang mga kaharian ay kung saan saan lamang namamalagi ang mga sireno at sirena. May isang sirena na nagmungkahi na magpatayo sila ng isang kaharian. Ito ay si Aquania, ang pinaka matalino sa kanilang lahat. Sa pagtutulungan ng mga sireno at sirena ay nagtagumpay silang ipatayo ang pinakaunang kaharian at ipinangalan nila ito mismo kay Aquania. Isa pa sa mga dahilan kung bakit mataas ang tingin kay Aquania ay dahil siya ang may hawak ng Fruit of Immortality. Sinasabing pag kinain mo ito ay magiging imortal ka at walang anumang makakapaslang sayo." huminga muna ng malalim si ina bago nagpatuloy. "Hindi ito kinain ni Aquania dahil naniniwala siyang lahat ng buhay ay dapat magtapos at walang sinumang dapat mabuhay ng walang hanggan. Kaya naman ay itinago niya ito sa isang kweba na walang sinuman ang makakapagbukas. Nabuhay si Aquania ng mahigit isang daang taon at bago siya mamatay ay mahigpit niyang ipinagbilin na limang kaharian lamang ang dapat maipatayo sa buong karagatan dahil maaaring maubos ang serelium na siyang bumubuhay dito."

Serelium? Saan ko na nga ba narinig yun? Parang pamilyar sa akin ngunit hindi ko maalala kung saan o kailan ko narinig.

"Sinabi niya rin na may isang sirena na isisilang sa hinaharap na siyang makakapagbukas ng kweba kung saan nakatago ang prutas. At ang sirenang ito ay isisilang ng may dalawang paa." pagkatapos niyang sabihin yun ay tumingin siya sa akin. "At ikaw yun, Renee. Ikaw ang kaunaunahang sirenang naisilang mula sa kanyang salin lahi na may dalawang paa."

"Kaya ba ako gustong kunin ni Azura? Dahil kaya kong buksan ang kweba at para makuha niya ang prutas?" tanong ko kay ina.

Dahan dahan siyang tumango sa tanong ko. Seryoso ang mukha ng mga kasama ko habang nakikinig. Tahimik lamang silang nagmamatyag.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon