Chapter 39

2.2K 80 14
                                    

Shanum Willows

Napakarami nang nangyari ngayon na hindi namin inaasahan. At hindi na ako magtataka pa kung madadagdagan pa iyon.

Truly, this world is full of unexpected happenings. Minsan nga ay yung pinaka hindi mo pa inaasahan ang nangyayari.

Ilang minuto na din ang lumipas nang kinuha ni Jacob o ni Kalum si Renee. Nanatili lang akong kalmado habang ang mga kasama ko ay sobrang nag aalala.

Hindi ba nila naiisip na malapit si Kalum kay Renee at hindi niya ito magagawang saktan? Masyadong negatibo ang mga naiisip nila.

At isa pa, medyo magaan ang loob ko kay Kalum sa kabila ng ginawa niya sa amin. Siguro ay dahil na rin kapatid niya si Kara at boyfriend siya ni Renee.

"Damn! Why did you let her go with that merman?! Paano kung patayin niya si Renee?!"

Sa totoo lang, kanina ko pa gustong batukan si Azul. He's overreacting.

"Paano kung wala na si Renee ngayon tapos tayo na ang isusunod niya?! Sinong magvovolunteer na susunod?!"

Isa pa itong si Seeya. Ang sarap nilang pagbuhulin ni Azul. Ang sakit nila sa ulo! Kanina pa sila ganito at kanina pa din ako nagtitimpi.

"Ikaw ang ituturo ko kasi ikaw ang pinakapangit sa ating lahat!"

Noong una palang, nagtataka na ako kung bakit laging inaasar ni Azul si Seeya. Akala ko noon, sadyang takot lang siya sa amin ni Renee kaya hindi niya ako inaasar. Pero ngayon parang may iba. Napakagulo ng sirenong ito. Ang sarap niyang sapakin.

"Kung pangit na ako, ano ka pa kaya?! Sukdulan na ang kapangitan mo! Ikaw ang ituturo ko kasi ikaw ang malas dito!"

Tapos itong si Seeya. May gusto siya kay Azul pero nagagawa niya paring makitungo ng normal dito. Sabagay, ano pa ba ang aasahan ko. Pareho silang may sira ang ulo.

Hinayaan ko lang silang magtalo. Nakakasawa na din umawat sa walang katapusan nilang away.

Napatingin ako kay Haji na nakakunot ang noo habang nakatanaw sa labas ng kulungan. Mukhang nag aalala din siya para kay Renee. Of course, kaibigan niya ito kaya natural lang na mag alala siya.

Napaiwas ako ng tingin nang magtama ang aming mga mata. I don't know why, pero parang hindi ko siya kayang tignan ng diretso. There's something inside me that I can't fully understand .

"Hoy Kiu! Humihinga ka pa ba diyan?"

Napatingin ako kay Seeya nang bigla siyang sumigaw. Napangisi ako nang nilapitan niya si Kiu at sinundot sundot sa pisngi.

Tapos na silang mag away ni Azul at mukhang naghahanap na naman siya ng mapagtritripan. Ang malas naman ni Kiu dahil siya pa ang napili nito.

Tinignan lang siya ni Kiu sandali bago ibinalik ang tingin sa pader kung saan siya nakatingin kanina pa. Parang wala siya sa sarili ngayon. Siguro ay dahil wala si Renee at kasama pa nito si Kalum.

Hindi na ako nagulat sa eksenang nangyari kanina. Noon pa man ay nahalata ko nang may espesyal na pagtingin si Kiu para kay Renee. At base sa mga nakita ko kanina, mukhang ganoon din si Renee sa kanya. Too bad, their situation is so complicated.

"Ngayon ko lang napansin na ang gwapo mo pala, Kiu. Pwedeng tayo nalang?"

Humagalpak ng tawa si Seeya matapos niyang sabihin iyon habang si Kiu naman ay umasim ang mukha. Natawa na din ako dahil sa mga kalokohan niya. Napadako ang tingin ko kay Azul at hindi nakatakas sa paningin ko ang pag irap niya. Napangisi ako, sinasabi ko na nga ba.

"Manahimik ka nga pangit na sirena. Ang sakit sa tainga ng boses mo. Nakakairita." iritang sabi ni Azul.

Hindi naman siya pinansin ni Seeya na patuloy pavrin sa pangungulit kay Kiu. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa itsura ngayon ni Azul o maaawa. Mukha siyang naluging pusit.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon