Chapter 40

2.1K 86 9
                                    

Clara Renee Everlue

"Is this your house? It's huge."

Pinagmasdan ko si Seeya na manghang mangha habang nakatingin sa malaking bahay namin.

Ang sarap sa feeling ng makalanghap muli ng sariwang hangin. Namiss ko dito sa lupa at miss ko na ang dati kong buhay. Ngunit alam ko namang hindi na iyon kailanman maibabalik pa.

Napatingala ako sa langit. Kanina ko pa pinagmamasdan ang mga bituin. It's been months since I last saw them at ngayon ko lang naappreciate ang kagandahan nila.

I badly want to rest dahil nilakad namin mula sa pampang hanggang sa makarating kami dito. Bukod sa wala kaming pera na pamasahe ay ang bagal pa nilang maglakad. Lalo na si Seeya na laging natutumba. But I understand. Hindi sila sanay na magkaroon ng mga paa.

Now there's another problem. Hindi ko alam kung bukas ba ang bahay namin o hindi. Baka nga pinasok na ito ng mga magnanakaw dahil walang tumitira. Maliban nalang siguro kung nandito pa si manang at yung driver namin ngunit mukhang malabo. Kahit na nakabukas ang mga ilaw ay hindi pa rin ako nakakasiguro.

Napabuntong hininga nalang ako nang muli kong maalala si Dad. Pero hindi ako dapat magdrama ngayon. Kailangan naming makapasok upang makapagbihis dahil basang basa kami.

Mabuti nalang at malalim na ang gabi kaya walang nakakita sa amin. Dahil bukod sa nakakahiya dahil basa kami, baka magfreak out pa ang makakasalubong namin kapag nakita si Kiu. Dala parin kasi nito ang kanyang Trident at mukhang wala siyang balak na bitawan ito.

"Let's go. Subukan natin kung bukas ang pinto, kung hindi, we need to find a way to get in." sambit ako.

Tumango naman silang lahat. Pumasok kami sa loob at laking pasasalamat ko dahil bukas ang gate. Nang nasa tapat na kami ng pinto ay napatigil ako. Pinihit ko ang doorknob at napangiwi ako. It's locked.

Now, how can we go inside?

Wala pa naman akong dala na spare key. Dahil wala akong nabitbit kahit isa sa mga gamit ko nang umalis kami ni dad.

Oh God. Kung titignan kami ngayon ay para kaming magnanakaw na galing sa perya. We're wet and we're only wearing clothes that covers our private parts. At gawa pa sa halamang dagat ang mga suot namin.

"Is it locked?" dinig kong tanong ni Seeya. I just nodded.

"Don't state the obvious. Kung bukas ito, malamang nabuksan na ito ni Renee. Mag isip ka nga kahit minsan. Nasa lupa na tayo ngunit utak isda ka pa rin."

Gusto kong batukan si Azul dahil nagsimula na naman siya. I'm 100% sure na sasagutin siya ni Seeya.

"Bat ka ba nakikisabat?! At masama bang magtanong?! Nasa lupa na tayo pero epal ka pa rin!"

Halos mapatakip ako ng tainga sa sobrang ingay ni Seeya. Bigla tuloy akong kinabahan dahil baka marinig kami ng mga kapitbahay namin.

"Bakit mo ako pinagtataasan ng boses?! Maayos ang pagkakasabi ko sayo pero sigaw ang isusumbat mo?!"

"Bakit ikaw ba hindi sumisigaw?! Pinagtataasan mo din ako ng boses!"

"Tumigil nga kayong dalawa!" mahinang sigaw ko pero parang hindi nila ito narinig at patuloy pa rin sila sa pagbabangayan.

Bumaling ako kay Shanum upang humingi ng tulong. Ngunit nakatulala lang siya. Kanina pa siya parang wala sa sarili. Hula ko ay dahil iyon sa biglaang pagyakap sa kanya ni Jacob kanina. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi kung gulat pa rin siya hanggang ngayon. Wala siyang alam kung bakit iyon ginawa ni Jacob. For her, he's just a stranger. And it's strange when a stranger suddenly hugged you. Mukhang hindi niya ako matutulungan ngayon.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon